DLP-AP-Q4 Week-1 Day 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
Malitam Elementary School
Malitam, Batangas City

Paaralan MALITAM ELEMENTARY SCHOOL Baitang/Antas 3


(School) (Grade Level)
Guro (Teacher) Elsa D. Ander Asignatura Araling
(Learning Area) Panlipuna
n
GRADES 1 TO 12 Petsa/Oras May 8,2023 Markahan Ikaapat
DAILY LESSON Plan (Teaching Date (Quarter)
& Time)
Unang Linggo Ikalimang Araw

I. Layunin
A.Pamantayang Pangnilalaman ( Content Standards)
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pang- unawa sa mga gawaing pangkabuhayan at
bahaging ginagampanan ng pamahalaan at ang mga kasapi nito, mga pinuno at iba pang
naglilingkod tungo sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng mga lalawigan sa
B.Pamantayan sa Pagganap( Performance Standards)
Ang mga mag-aaral ay nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlalawigan
tungo sa ikauunlad ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon
C. MgaKasanayan sa Pagkatuto (Learning Competencies)
Naipaliliwanag ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mamamayan sa lalawigan
ng kinabibilangang rehiyon at sa mga lalawigan ng ibang rehiyon. AP3EAP- IVa-1
D. Layuning Pangkasanayan
1. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mamamayan sa lalawigan
ng Quezon.
2. Naiisa isa ang mga produktong nagmula sa lalawigan ng Quezon
3. Naipapakita ang pagpapahalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng wastong pangangalaga sa
kapaligiran

II.Nilalaman
A. Paksa: Kapaligiran at ang Uri ng Pamumuhay
B. Sanggunian: MELC p.37
CG: AP 3 pahina p.78
BOW AP 3 pahina 172
PIVOT IV – A Quarter 4 pp.6- 12
Kaunlaran pp. 123

C.Kagamitan: Powerpoint presentation


D.Integrasyon:Sining:Pagguhit
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Balik – aral
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit ang masayang mukha
sa patlang kung Tama ang ipinapahayag at malungkot na mukha naman kung Mali.
1. Malaki ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mga tao.
2 Ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga Rizal ay pagsasaka, pagtatanim, at
pangingisda.
3.Sa kapaligiran nagmumula ang mga ikinabubuhay ng mga tao sa isang lugar.
4. Ang lalawigan ng Rizal ay parang saranggola na may dalawang maliit na buntot sa
magkabilang bahagi nito.
5. Payak ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa lalawigan ng Rizal.

2.Pangganyak
Tukuyin ang lalawigang inilalarawan sa bawat pangungusap.

1.Tanyaga sa lalawigang ito ang Bundok Banahaw.

2.Pahiyas Festival ay kanilang ipinagmamalaki.

3.Hango sa pangalan ng Ama ng Wikang Pambansa ang pangalan ng lalawigan

B.Panlinang Na Gawain

1.Paglalahad
Ngayong araw na ito ay pag -aaralan natin ang pisikal na kapaligiran at ang
kaugnayan nito sa uri ng pamumuhay ng mga naninirahan sa lalawigan ng Quezon
Kapaligiran ng Quezon

mayaman sa iba’t ibang uri ng kabuhayan, pangindustriya man o pang-agrikutura.


Malawak ang kapatagan at maraming bulubundukin ang lugar
Biniyayaan din ang lalawigan ng mahahaba at magagandang baybaying dagat.
Hanapbuhay
Dahil sa malawak na kapatagan nito, mga bulubundukin, at mahabang baybayin,
pangunahing pinagkikitaan ng mga tao rito ang pagtatanim, pagsasaka, paghahayupan, at
pangingisda.
Uri ng tirahan
Karaniwang makikita sa lalawigang ito ang mga tirahang yari sa tabla, semento at may
bubong na yero o tinatawag na ‘semi-concrete.’ May mga malalaki ring bahay sa mga lugar
ng kabayanan.
Kasuotan
Iniaangkop ng mga tao rito ang kanilang kasuotan sa uri ng panahon at gawain. Mahabang
manggas na pang-itaas at pantalong yari sa seda o koton sa mga kalalakihang mangingisda
at magsasaka upang mapangalagaan ang katawan laban sa init o lamig ng panahon. Sa
mga babae naman, pangkaraniwang kasuotan ang kanilang ginagamit at iniaayon sa
gawain, okasyon, at panahon.
Produkto:
Ang Quezon ay pangunahing lugar na pinagkukunan ng niyog, copra, at langis sa buong
Pilipinas.

2.Pagtalakay
Anong uri ng kapaligiran mayroon ang lalawigan ng Quezon
Paano iniaangkop ng mga tao sa lalawigan ng Quezon ang kanilang hanpabuhay sa
kanilang kapaligiran?
May kaugnayan ba ang kapaligiran ng sa uri ng hanpbuhay ng mga tao?
Ano – ano ang hanapbuhay ng mga taga - Quezon?
C.Pangwakas na Gawain
1 .Paglalapat
Pangkatang gawain
Unang Pangkat
Iguhit ang mga produktong tanyag sa lalawigan ng Quezon.
Pangkat 2
Ilarawan ang kapaligiran ng lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng pagsulat ng talata na
binubuo ng 3-5 pangungusap.
Pangkat 3
Paano iniuugnay ng mga taga Quezon ang kanilang kasuotan sa uri ng klima iguhit ito.

2.Paglalahat.
Ang kapaligiran ng lalawigan ay malaki ang kaugnayan sa uri ng pamumuhay ng mga
naninirahan dito. Iniaangkop ng mga naninirahan ang uri ng hanapbuhay sa uri ng
kapaligiran ng kinabibilangang lalawigan.

IV.Pagtataya
Panuto: Ipaliwanag ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mamamayan sa lalawigan ng
Quezon sa pamamagitan ng pagguhit ng kapaligiran nito. Ipakita ang uri ng
tirahan, kasuotan at hanapbuhay. Gawing makulay ang iginuhit.

Pamanatayan sa Pagwawasto.

Batayan Mahusay na Mahusay (4) Hindi Mahusay


mahusay(5) (2)
Kaalaman Nakapagbibigay ng Nakapagbibigay Di gaanong
pinaka tama at ng sapat at sapat ang
pinakamaayos na maayos na pagguhit.
pagguhit. pagguhit .
Organisasyon Maayos na Nakasunod sa Hindi gaanong
nakasunod sa panutong nakasunod sa
panutong ibinigay ibinigay upang panutong
upang mabuo ang mabuo ang ibinigay upang
isinagawang isinagawang mabuo ang
gawain. gawain. isinagawang
gawain.

Kalinisan ng Malinis at maayos Medyo malinis at Hindi malinis at


pagkakaguhit ang pagkakaguhit maayos ang maayos ang
pagkakaguhit pagkakaguhit

V.Takda:
Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng uri ng kapaligiran ng lalawigan ng Quezon.

Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation. ______
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na nakakaunawa sa aralin______
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation_______

You might also like