Science 3 DLP-Digital Upskilling Application in Teaching LP
Science 3 DLP-Digital Upskilling Application in Teaching LP
Science 3 DLP-Digital Upskilling Application in Teaching LP
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF BALANGA
CATANING ELEMENTARY SCHOOL
Agham 3
January 25, 2021
I. Layunin:
1. Natutukoy/Nakikilala ang mga halaman sa hardin
2. Nailalarawan ang mga bahagi ng halaman
B. Mga Proseso:
Pagtukoy, Pagmamasid, Paglalarawan, Pagkilala
C. Pagbubuo ng Konsepto:
1. Ang mga halaman ang pangunahing pinagkukunan ng mga tao at hayop ng
pagkain. Dito rin nagmumula ang oxygen na ating nilalanghap. Ito rin ang
nagpapalamig ng ating kapaligiran.
2. Ang mga halaman ay binubuo ng iba’t-ibang parte ito ay ang ugat, sanga,
dahon, bulaklak, bunga at buto.
3. Ang mga ugat ng halaman ang sumusuporta sa kabuuan ng halaman. Ito rin
ang kumukuha ng tubig at mineral na siyang kinakailangan ng halaman upang
lumaki.
4. Ang mga sanga ng halaman ang tumutulong upang maging daluyan ng mineral
at tubig mula sa ugat na siyang dadalin sa mga dahon nito upang makagawa ng
pagkain sa pamamagitan ng photosynthesis.
5. Ang mga dahon ng halaman ang siyang gumagawa ng pagkain sa tulong ng
sikat ng araw.
6. Ang mga bulaklak ang siyang nagiging bunga at nagbibigay ng buto upang
makatulong pa sa pagpaparami ng uri ng halaman
D. Mga Sanggunian:
MELC (Describe the parts of different kinds of plants-S3LT-IIe-f-8) p. 498
Growing with Science and Health 3
Cyber Science 3 pp. 215- 221
K to 12 Curriculum Guide 3 p.13
E. Mga Kagamitan:
Powerpoint, google forms, video clips, smartart grapics, bond paper, tunay na
representasyon ng halaman, larawan n g halaman
F. Pagpapahalaga:
Maasahan
III. Pamamaraan:
A. Paunang Gawain:
1. Panalangin
- AVP
2. Pagbati
- Magandang araw mga bata!
3. Pagtsetsek ng lumiban at hindi lumiban.
- Mayroon bang lumiban ngayong araw?
5. Balik – aral
Panuto: I-click ang masayang mukha ( ) kung ang sumusunod na pangungusap ay
nagsasaad ng kahalagahan ng hayop sa tao at malungkot na mukha ( ) naman kung
hindi.
1. May ilang mga hayop na pinagkukuhanan ng karne upang makain ng mga
tao.
2. Ang mga hayop ang siyang sumisira sa mga pananim ng mga tao.
3. May mga hayop na siyang nakakatulong sa tao upang magbungkal ng lupa
sa bukurin.
4. May mga hayop na nakatutulong din sa paghahatid ng mga paninda mula sa
isang lugar patungong sa ibang lugar.
5. May mga hayop na nagdudulot ng sakit sa mga tao.
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak
Pagsasaayos ng mga jumbled words na ipapakita ng guro mula sa jumbled
board.
1. H O A D N
2. A A N S G
3. T U A G
4. A U B G N
5. K U A L B K A L
6. O U T B
2. Paglalahad ng Paksa
Paglalagay ng guro sa mga sagot ng bata. (Gamit ang SmartArt Basic Block List)
• Balikan muli natin ang mga jumbled words, ano-ano ang mga salitang inyong
nababasa mula sa itaas?
- Ma’am, ang mga salita pong aking nabasa ay ang sumusunod: dahon,
sanga, ugat, bunga, bulaklak at buto.
- Tumpak!
• Ang aralin natin sa araw na ito ay..
- ay ang mga parte ng mga halaman at ang mga tungkulin nito sa paglaki ng
halaman.
C. Pagtatalakay
Video Presentation sa mga parte ng halaman at ang mga kahalagahan nito.
(Panunuod ng mga bata ng video clip.)
Upang lubos nating maunawaan ang ating aralin, nais kong panuorin
ninyo ang isang maikling video presentation na may pamagat na “Mga
Bahagi ng Halaman ni Teacher Vicente Macapagal”
https://www.youtube.com/watch?v=OML4i-5LuQY
- Ano-ano ang dapat tandaan habang nanunuod ng video
presentation?
Ma’am, makinig at manood po ng mabuti.
Ma’am, magsulat po ng mahahalagang impormasyon.
Tumpak! Handa na ba kayong manood?
- Opo, Ma’am.
- “Mga Bahagi ng Halaman ni Teacher Vicente Macapagal”
https://www.youtube.com/watch?v=OML4i-5LuQY
D. Pangkatang Gawain
Bago tayo magpangkatang gawain, ito ang mga dapat tandaan o isagawa
habang kayo ay nagpapangkatang gawain ngayong new normal?
- Makipagtulungan sa bawat miyembro ng pangkat.
- Igalang ang opinyon at kasagutan ng bawat isa.
- Tapusin ang gawain sa takdang oras.
- Mag-usap o magchat ng mahinahon kung nakikipag-ugnayan sa bawat
kagrupo.
Unang Pangkat
Gumawa ng slogan tungkol sa iba’t ibang bahagi ng halaman. Isagawa ang presentasyon
sa isang simpleng powerpoint.
Ikalawang Pangkat
Gumawa ng tula tungkol sa tungkulin ng iba’t-ibang bahagi ng halaman sa paglaki nito.
Isagawa ito sa simpleng presenstasyon sa powerpoint at basahin ng leader ang tula.
pagkatapos
Ikatlong Pangkat
Gumawa ng poster tungkol sa kahalagahan ng bawat parte ng halaman sa paglaki nito.
Iguhit ito sa long bonpaper . Picturan at ipresent ito sa simpleng powerpoint
presentation.
F. Pagpapahalaga
Sagutin ang sitwasyon
Tatlong araw nang abala ang iyong nanay sa gawaing bahay. Naisipan mong
maglibot sa hardin at naobserbahan mong natutuyo na ang mga halaman dahilan sa
hindi na ito naaasikaso ng iyong nanay. Ano ang iyong gagawin?
G. Pagbuo ng konsepto
Buuin ang talata upang mabuo ang konsepto ng aralin.
May mga uri ng _ _ _ _ _ _ n na may magkakaparehong b _ _ _ _ _ at may
mga b _ _ _ _ _ naman ang mga _ _ _ _ _ _ n na wala sa ibang halaman.
Ang _ _ _ _ _ _ n ay may iba’t-ibang parte ito ay ang u _ _ _, s _ _ _ _,
d _ _ _ _, b _ _ _ _ _ _ _, b _ _ _ _ at b _ _ _.
H. Pagsasanay:
Panuto: Piliin ang parte ng halaman na tumutukoy sa gawain nito. Sagutan ang
pagsasanay gamit ang link sa google form.
1. Sumisipsip ng tubig at minerals sa lupa.
a. Dahon
b. Bulaklak
c. Bunga
d. Sanga
e. Ugat
2. Sumusuporta o nagpapatayo ng tuwid sa halaman.
a. Dahon
b. Bulaklak
c. Bunga
d. Sanga
e. Ugat
3. Nakakaing bahagi at kinalalagyan ng buto.
a. Dahon
b. Bulaklak
c. Bunga
d. Sanga
e. Ugat
4. Reproduktibong bahagi at nagiging bunga.
a. Dahon
b. Bulaklak
c. Bunga
d. Sanga
e. Ugat
5. Gumagawa ng pagkain ng halaman.
a. Dahon
b. Bulaklak
c. Bunga
d. Sanga
e. Ugat
IV. Pagtataya :
Panuto: Tukuyin ang parte ng halaman . Sagutan ang pagtataya gamit ang link sa
google form.
1.
a. Dahon
b. Bulaklak
c. Bunga
d. Sanga
e. Ugat
2.
a. Dahon
b. Bulaklak
c. Bunga
d. Sanga
e. Ugat
3.
a. Dahon
b. Bulaklak
c. Bunga
d. Sanga
e. Ugat
4.
a. Dahon
b. Bulaklak
c. Bunga
d. Sanga
e. Ugat
5.
a. Dahon
b. Bulaklak
c. Bunga
d. Sanga
e. Ugat
V. Takdang-Aralin:
Gumuhit ng larawan ng isang puno o halaman. Tukuyin o lagyan ng label ang mga
bahagi nito. Kulayan ang iyong ginuhit.
Prepared by:
ALICE T. MAPANAO
Teacher I