Banghay Aralin Sa Filipino III Final

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino III

03-13-2024
10:50-11:40

I. Layunin
 natutukoy ang Salitang kilos o pandiwa sa pangungusap
 naunawaan ang kahalagahan ng tamang gamit ng salitang kilos
 nagagamit ang tamang salitang kilos/pandiwa sa pagsasalaysay ng mga
personal na karanasan

II. Paksag Aralin


 Paksa – Pandiwa
 Sanggunian –MELCs- F3WG-llle-f-5
 Kagamitan – larawan, ppt, tsart
 Pagpapahalaga – Pagmamahal/Pag-aalaga

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

a. Pagsasanay
magpapakita ng mga larawan at ipasuri ito sa mga mag-aaral

tanong:
Anu-ano ang mga ginagawa nila sa larawan?

b. Balik Aral

Sa Gitna ng Kalamidad
1. Tungkol saan ang tula?
Sa loob ng aming munting bahay-kubo 2. Ano sa palagay mo ang kalamidad
kapit-bisig ni labanan ang pagyanig nito na naganap sa tula?
Dalangin na manatiling nakatayo, 3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano
Takot na ito’y guguho’t maglalaho. ang gagawin mo?
4. Ano-ano ang mga salitang may
Hatinggabi noon nang mangyari ito
umalingawngaw sigaw ng mga tao salungguhit?
Urong-sulong di alam saan patungo 5. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Sa panginoo’y taos-pusong nagsusumamo.

Madaling araw pay di makatulog


lagi namamatyag kung yumanig
kahit puso ma’y lumakas ang kabog.

c. Pagganyak
magpaawit ang guro ng kantang ‘’Kung ikaw ay masaya’’ at tanungin ang mga
sumusunod

SAGUTIN:
1. ano muli ang pamagat ng ating isinayaw?
2. anu-ano ang mga sinasaad na kilos ng bata na nasa vedio?
3. sa tingin ninyo, ang inyo bang sinabi ay nagsasaad ng kilos?
4. sa inyong palagay ano kaya ang aralin natin sa umagang ito?

B. Paglalahad

Ang Aking Mahal na Lola

Ako si Ana, Akoy nag-aalaga ng aking Lola

Tuwing umaga, ipinagluluto ko siya

sa tangahli namay nag lalakad kami sa plasa

sa pag sapit ng gabi’y kamiy tumatawa sa mga kwentong kakaiba

Gawain kong alagaan ang aking Lola, sapagkat siyay aking prinsesa

ipaglalaba, ipagluluto, ipapasyal at mamahalin ko ang aking Lola sa abot ng


aking makakaya.

1. Sino ang bata sa tula?


2. Anu-ano ang mga ginagawa ni Ana?

C. Pagtatalakay
tatalakayin ng guro ang aralin

 Isakilos ng guro ang bawat salitang kilos na nasa tula


 Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng pangungusap gamit ang
pandiwa na naayon sa ikinikilos ng guro
 Magpapakita ng mga halimbawa ng Pandiwa

 Tandaan: nabubuo ang isang pandiwa sa pamamagitan ng


salitang ugat at panlapi ayon sa kung kailan isinasagawa ang
kilos.
 gumamit ng panlapi na -nag kung ang ating kilos ay tapos na
o kasalukuyang ginagawa, -mag, kung gagawin pa lamang

D. Paglalahat
magtatanong ang guro ng mga sumusunod:
1. Ano ang Pandiwa? magbigay ng halimbawa
2. Ano ba ang kahalagahan ng tamang gamit ng salitang kilos
sa ating araw.x na pamumuhay?

E. Paglalapat
Pangkatang Gawain: Hatiin ang klasi sa 3 grupo.

Unang Grupo: Gamit ang mga pandiwang nasa kahon, gamitin ito upang
makagawa ng pangungusap na ayon sa inyong mga karanasan.
 naghihilamos
 lumalangoy
 umaawit
 nanonood
 bumili

Ikalawang Grupo: Magbigay ng mga pandiwang ginagamit sa araw.x na Gawain at isadula.

Ikatlong Grupo: Gamit ang Manila paper, sumulat maikling kwento na ginagamitan ng salitang
kilos o pandiwa.

IV. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng pangungusap gamit ang mga salitang kilos na ginagawa sa paaralan

Salitang kilos o pandiwa na ginagawa sa Pangungusap


paaralan
1. nag aral
2. sumulat
3. kumain
4. naglaro
5. bumasa

V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng (5) maikling pangungusap na ginagamitan ng mga salitang kilos o
pandiwa na ginagawa sa inyong tahanan

Inihanda ni: Rosevil L. Lutang

You might also like