PANDIWA

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO III

Petsa: April 8, 2024


Oras: 1:30-2:00 PM
Baitang: III
Pangkat: -

I. Kasanayang Pampagkatuto
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga pandiwa sa loob ng kuwento,
b. naibabahagi ang kahalagahan ng gamit ng pandiwa, at
c. nagagamit ang wastong pandiwa sa pangungusap.

II. Nilalaman
a. Paksa: Paggamit ng Tamang Salitang Kilos/Pandiwa
b. Sanggunian: SLM Filipino III (Ikatlong Markahan-Modyul 3)
Filipino Curriculum Guide (F2WG-IIIe-f-5)
c. Kagamitan: powerpoint, tarpapel, worksheets
d. Asignaturang Pinagsanib: ESP
e. Pagpapahalaga: pagpapatawad, pagkakaibigan, mapanuri ng tema at teksto

III. Proseso sa Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtatala ng Lumiban sa Klase
 Classroom Rules
 Pagtatakda ng mga Layunin sa Klase
 Pagbati sa mag-aaral

1. Dril/Balik aral:
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang maaaring maging paksa o tema ng
mga larawan.

a. Pagsalubong sa bagong taon.


b. Pagiging malinis sa katawan.
c. Pagtulong sa kapwa.
d. Pagiging mapagbigay.
e. Pagbibigay-galang sa nakatatanda.

1. 4.
2. 5.

3.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Panuto: Tingnan at suriin ang larawan. Sagutin ang mga tanong.

Mga Tanong:
1. Ano ang mga hayop na nasa larawan?
2. Ano ang inyong napansin?
3. Ano ang ginagawa ng daga sa lubid?

2. Presentasyon

Pamagat: “Ang Daga at Ang Leon.”

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog


na leon. Kanyang inakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay hindi niya napansin na
nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na
balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

Nakita ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. Kung


kaya, pinakawalan ng leon ang daga. Nagpasalamat ang daga sa
kabutihan ng leon.
Lumipas ang maraming araw, sa pamamasyal ng daga sa kagubatan
ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya
upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng
lambat!

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na


nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang
lambat at ang leon sa lupa. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan
ang leon.

Laking pasasalamat ng leon sa kaibigang daga.

3. Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino ang mga tauhan ng kuwento?
3. Saan naganap ang kuwento?
4. Paano tinulungan ng daga ang leon?
5. Ano ang aral na makukuha sa kuwento?

4. Pagsusuri
a. Ano ang iyong mapapansin sa kuwento?
b. Maaari ba ninyong basahin ang mga sinalungguhitang salita?
c. Sa tingin ninyo, ano kaya ang tawag sa mga salitang ito?

5. Pagtatalakay
Ang Pandiwa ay nagsasaad ng kilos o gawain ng isang tao, bagay, o
hayop. Mahalaga ang pandiwa dahil ito ay nagbibigay buhay sa loob ng
isang pangungusap.

Halimbawa:
Tukuyin ang mga salitang kilos sa loob ng pangungusap.
1. Ang daga ay naglalaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon.
2. Hinawakan ng leon ang buntot ng daga.
3. Namasyal ang daga sa kagubatan.
4. Inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid.
5. Mahimbing na natutulog ang leon.

6. Pangkatang Gawain
Kriterya Puntos
Kontent at Kawastuhan 3 puntos
Kooperasyon 3 puntos
Pamamahala ng Oras 2 puntos
Kalinisan 2 puntos

Pangkat 1
Panuto: Gawin ang pangkatang gawain sa loob ng limang (5) minuto.
Kulayan ang mga larawang nagpapakita ng kilos o galaw.
Pangkat 2
Panuto: Gawin ang pangkatang gawain sa loob ng limang (5) minuto.
Basahin at kumpletuhin ang pangungusap. Isulat ang wastong pandiwa sa
loob ng salungguhit. Piliin sa loob ng kahon ang sagot.

Pangkat 3
Panuto: Gawin ang pangkatang gawain sa loob ng limang (5) minuto.
Tukuyin ang kilos o gawa na ipinapakita ng mga larawan sa Hanay A.
Pumili ng tamang sagot sa Hanay B.

7. Paglalahat
Balikan muli ang tinalakay na aralin at itanong sa mga mag-aaral ang
sumusunod na tanong.

Gabay na tanong:
1. Ano ang tawag ng salita na nagsasaad ng kilos o gawain?
2. Ano ang kahalagahan ng pandiwa?

8. Paglalapat
Subukin Natin!
Panuto: Punan nang angkop na pandiwa ang bawat patlang upang mabuo
ang teksto. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.

Maaga akong ___________ upang maghanda papuntang

paaralan. Pagkatapos ko namang ___________ ay nagsimula

na akong ___________ ng almusal. Sunod nito ay


___________ ako ng ngipin. Masaya ako na ___________

sa paaralan.

IV. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang pandiwa sa bawat pangungusap.
1. Masayang naglalakad si Melissa sa E-park.
2. Masiglang nag-eehersisyo ang mag-anak sa Tagum City Hall.
3. Si Adrian ay tumutulong sa mga gawaing bahay.
4. Naglalaro ang magkakaibigan tuwing Sabado.
5. Ang mga mag-aaral ay masaganang kumakain ng gulay.
6. Nagpapakain ako ng mga alagang hayop sa aming bukirin.
7. Umawit si Chelsea nang buong husay sa entablado.
8. Masayang naliligo ang pamilya sa sapa.
9. Mainit ang panahon kaya naisipan ni nanay na maglaba.
10. Tumatahol ang aso ng kapitbahay.

V. Kasunduan/Pagpapayamang Gawain
Panuto: Piliin ang angkop na pandiwa upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap.

papasyal nagluluto binili


nagdilig kumakanta naglalaro

1. Ang mga bata ay __________________ sa palaruan.


2. __________________ ako ni tatay ng bagong laruan.
3. Si Elsa ay __________________ ng “Let It Go.”
4. Ang nanay ko ay __________________ ng pansit.
5. __________________ ako ng halaman kahapon.

Inihanda ni:

JESZA MAY L. JUABAN


Guro

You might also like