Mala-Susing Banghay Aralin (Guero, Heljane)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Dawan National High School

Lungsod ng Mati, Lalawigan ng Davao Oriental 8200

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino IX


Baitang IX - Prudence
April 12, 2023

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang wastong paggamit ng mga pangatnig;
b. Naiuugnay ang mga katangian ng kanilang mga ama sa katangian
ng pangunahing tauhan sa kwento; at
c. Nakabubuo ng kanilang sariling pangungusap gamit ang mga
pangatnig.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa : Gramatika - Mga Pangatnig
Sanggunian : K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino
Mga Kagamitan : panulat, libro, biswal na pantulong, tape, gunting,
Power Point Presentation at kopwa ng maikling
kuwento na “Ang Ama” salin ni Mauro R. Ravena
Mga Kasanayan : Natutunan ang paggamit ng pangatnig
Sa Pagkatuto sa bawat pangungusap
Estratehiya : Magkakaibang Gawain (Differentiated acticities)
Paraan tungo sa : Practical Work Approach (7A’s) Approach
Pagtuturo
Makrong Kasanayan : Pagbasa, Pagsulat, Pakikinig at Pag-unawa

III. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtataya ng lumiban
4. Paalala
5. Pagbabalik-aral
Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral at sasagutan ito.
“Ano ang ating tinalakay noong nakaraang talakayan?” (pandiwa)
Ano ang kahulugan ng pandiwa? (Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o
wika na nagsasaad ng kilos, aksyon, o galaw ng isang tao, bagay o hayop.
Ang mga pandiwa ang nagbibigay kahulugan o buhay sa loob ng isang
pangungusap.)
“Ang pusa ay tumakbo.” (pandiwa: tumakbo)
6. Paglalahad ng Layunin
7. Pagbabaybay
8. Paggaganyak
- Ang larong ito ay tinatawag na “3 pics in 1 word”. Ang lahat ng mag-
aaral ay maaaring sumagot. Paunahan lamang sa pagtayo. Kung sino ang unang
tumayo, siya ang sasagot at kung tama ang kanyang sagot ay makakatanggap
siya ng gantimpala.
-Magpapakita ang guro ng tatlong larawan.

-Susuriin ito ng mga mag-aaral at ibibigay kung ano ang isang sagot sa
tatlong larawan (Ang Ama, Ama)
Magtatanong ang guro at sasagot ang mga mag-aaral. Ibibigay nila ang
katangian ng kani-kanilang mga ama.

Gabay na katanungan:
1. Anong napapansin ninyo sa mga larawan?
2. Sa inyong palagay, ano kaya ang magiging paksa na ating tatalakayin
ngayong umaga?

IV. PORMAL NA TALAKAYAN


•Pagtatalakay ng maikling kwento, "Ang Ama" salin ni Mauro R. Avena
(Ang guro ay magpapakita ng isang bidyu tungkol sa maikling kuwento)
A. Gawain: Paghahambing
-Magbibigay ang guro ng papel sa mga mag-aaral. Ihahambing ng mga mag-
aaral ang katangian ng kanilang mga ama at ang katangian ng ama sa kwentong
natalakay. Bibigyan ng guro ng 2 minuto ang mag-aaral upang maisagawa ang
gawain.

B. Pagtatalakay/Pagsusuri:
•Magtatanong ang guro:
1. Ano-anong katangian ng ama ang nangingibabaw sa kwento?
2. Anong pangyayari sa kwento ang nakapagbago sa di-mabuting pag-uugali ng
ama?
3. Ano ang kaibahan ng ama sa kwento sa ibang mga ama?
4. May pagkakatulad ba ang mga katangian ng ama sa kwento at ang inyong
ama? Ilahad kung ano-ano ito.
5. Paano ipinakita ng ama ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak?
6. Paano ipinapakita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga pumanaw o
namatay na mahal sa buhay?

C. Abstraksyon/Diskusyon
•Tatalakayin ng guro ang gramatika
•Ipapaliwanag ang kahulugan at paano gamitin ang mga pangatnig upang
makabuo ng wastong pangungusap
Ano ang Pangatnig?
Ang pangatnig o conjunction sa wikang Ingles ang tawag sa mga kataga o
lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang
mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag. Karaniwan itong makikita sa
simula o kalagitnaan ng pangungusap. Ang pangatnig ay maaari ring magbukod,
manalungat, maglinaw, manubali, magbigay halintulad, magbigay sanhi, at
magbigay ng pagtatapos sa isang kaisipan o pangungusap.
•Magbibigay ang guro ng mga halimbawa.
1. Ang aking nanay at tatay ay mahal ko.
2. Maglalaro sana ako ngunit tinawag ako ni ate.
3. Ano ba ang mas masarap, lumpia o pritong manok?
4. Gusto kong bumait pero di ko magawa.
5. Bibigyan kita ng lobo kung bibigyan mo rin ako ng laruan.
6. Pag-usapan natin ang bukas habang tayo’y namamasyal.
7. Magtanim ka ng puno upang di bumaha.
8. Magdala ka ng pala saka walis.
9. Pupunta ka lang kina Myla kapag kasama ako.
10. Kinagigiliwan ng lahat si Aira dahil masayahin siyang dalaga.

D. Paglalapat
-Hahatiin ng guro sa dalawang grupo ang klase. Bibigyan ng guro ang mga mag-
aaral ng 2 minuto upang isagawa ang gawain.
Pamantayan
Nilalaman 5
Katumpakan 5
Kooperasyon 5
Presentasyon 5
Kabuuan 20

Pangkat A- babalikan ng mga mag-aaral ang kwentong natalakay at isusulat nila


ang mga pangatnig na makikita nila sa isang piyesa. Ibabahagi nila ito sa klase.
Pangkat B- gagawa ng limang pangungusap na mayroong pangatnig. Ibabahagi
nila ito sa klase.
Pangkat C- isasabuhay nila ang mga pangyayari sa natalakay na kwento at
bibigyan diin ang mga pangatnig.

V. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin at salungguhitan ang pangatnig sa bawat pangungusap.
1. Ang puso at isip ay mahalaga.
2. Nais kong bumili ng pagkain ngunit wala akong pera.
3. Gawin mo na agad ang sinabi ni Itay kung ayaw mong mapalo.
4. Yumaman si Arriane kahit galing siya sa hirap.
5. Sanhi sa pabago-bagong panahon kaya siya nagkasakit.

VI. TAKDANG ARALIN

Panuto: Pag-aralan kung ano-ano ang mga uri ng pangatnig.

Ipinasa ni:

HELJANE I. GUERO
BSED-FIL3 – Mag-aaral
Ipinasa kay:

BB. ESTELA MARIE LIBREA


Instructor

You might also like