Jhs-Quezon - Demo Ranking-2024

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


KONTEMPORARYONG ISYU

MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


A. Pamantayang Pangnilalaman:Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa: sa kahalagahan
ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang perspektibo na may kaugnayan sa samu’t
saring isyu sa gender
B. Pamantayan sa Pagganap:Ag mga mag-aaral ay nakabubuo ng dokyumentaryo na
nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at
sekswalidad
C. Kasanayan sa Pagkatuto:Napaghahambing ang katatayuan ng kababaihan, lesbians,
gays, bisexuals, at transgender.
D. Tiyak na Layunin:
Sa loob ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy at nasusuri ang konsepto ng sex at gender
 Naipapahayag ang malalim na pang-unawa at paggalang sa Karapatan ng
mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad.
 Nakalilikha ng isang larawang nagpapakita ng kasalukuyang gampanin o
role ng kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+ sa lipunan.
I. NILALAMAN
Paksa: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Kagamitang Panturo:
A. Sanggunian
1. Learning Module: Araling Panlipunan 10 (KONTEMPORARYONG ISYU)
Pahina 5-15
2. Teacher’s Guide: Araling Panlipunan 10 (kontemporaryong isyu)
Pahina 320-325
3. Karagdagang Kagamitan mula sa portal Learning Resources
https//.bing.com/images/search-d29ur-4Ds
B. Iba Pang Kagamitan
1. Powerpoint
2. Laptop
3. Projector
II. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan/Pagpupulot ng kalat
4. Pagtatala sa lumiban
B.Pagganyak:
Gawain 1:Mystery Box!

Panuto: Magpapaligsahan ang bawat grupo sa paghula ng mga pangalan o kung


ano ang bagay na nasa loob ng kahon. Ang pangkat na may maraming nahulaang
pangalan ng mga bagay sa kahon ang siyang magwawagi.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

C. Paglalahad ng Aralin
Pamprosesong Tanong
 Batay sa mga hinulaan ninyong mga kagamitan, ito ba ay para sa mga
kababaihan o para sa mga kalalakihan.
Alin sa mga kagamitan ang para sa babae magbigay ng isa.
Alin naman sa mga kagamitan ang para sa lalake magbigay ng
isa?
 Pangalawang tanong, paano niyo nasabi na ang mga kagamitan na ito ay
para sa babae o para sa lalake?
 Sa inyong palagay ano ang kaugnayan ng gawain ito sa ating magiging
paksa natin ngayong araw?

Pagpapakilala sa Paksa
Paglalahad ng layunin

D. Pagtatalakay
Pagtuklas na gawain
.Panuto: KATANGIAN NI ADAN AT EVA!
Tutukuyin ng bawat mag-aaral ang bayolohikal at pisikal
katangiang na makikita lamang sa mga babae at katangian lamang
ng lalake.Bawat mag aaral ay inaanyayahang makibahagi ng
kanilang kasagutan sa mapaya at aktibong pamamaraan.

Karagdagang katanungan
 Inyong tinukoy ang mga ibat’ ibang pisikal na katangian ng lalake at
babae, sa inyong palagay saan kaya ito nabibilang sa sex ba o gender?
Ibahagi Ko!
 Bilang isang babae at lalake,ano-ano ang kalimitang ginagawa mo sa loob
ng tahanan?Magbabahagi ang mga mag-aaral ng kanilang mga
katungkulan sa loob ng tahanan
 Sa mga nabanggit ninyong mga gawain sa inyong palagay ito ba ay nasa
kategorya ng gender o sex?
 Mayroon ba kayong nakikitang pagbabago sa gampanin ng kababaihan at
kalalakihan noon sa ngayon?

Gawain 3: Larawan-Suri:Gender Swap


Panuto: Suriin ang larawan sa loob ng kahon. Pagkatapos,
ipaliwanag kung paano nagbago ang gampanin ng mga kalalakihan
at kababaihan sa paglipas ng panahon.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Bukod sa pagbabago sa gampanin, malaking pagbabago din ang pag-usbong ng


iba’t ibang kasarian. Bukod sa babae at lalaki, sa kasalukuyan ay may tinatawag
tayong Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual o mas
kilala bilang LGBTQIA+.

Tatalakayin ang iba’t ibang kasarian partikular ang lesbian, gay, bisexual,
transgender at queer.

Gawain 5: May Halaga ka!


Katanungan:
1. Ano-ano sa palagay ninyo, ang dahilan bakit takot pa ring
ihayag ng iba ang kanilang totoong kasarian?Isulat ito sa
nakapaibabaw na mukha
2. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang paggalang
sa bawat indibiduwal anuman ang kasarian at seksuwaldidad?
Isulat ang kasagutan sa nakapailalim na mukha.

Pagtatapos ng talakayan

III.Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Pangwakas na gawain 6:” Roll the Dice”


Panuto:Ang mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang natutunan sa talakayan
sa konsepto na kanilang makukuha. Gamit ang domino, itoy papagulungin at
ang bilang na lumabas ay may katumbas na konseptong kanilang
ipapaliwanag.

SEX GENDER

L/G B/T QIA ?


L/G- LESBIAN/ GAY
B/T- BISEXUAL/TRANSGENDER
Q/I/A- QUEER/INTERSEX/ASEXUAL

2. Paglalapat

Gawain 6:PHOTO ESSAY


Panuto: Gumuhit ng mga larawang nagpapakita ng kasalukuyang
gampanin o role ng kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+ sa lipunan
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Rubrik sa pagmamarka ng Photo Essay

Inihanda ni:

IV: Ebalwasyon

Jumbled Letters
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salitang
binibigyang-kahulugan sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
tamang kasagutan.
__________ 1. ( EXUAALS ) Tumutukoy ito sa mga taong walang
nararamdamang atraksyong seksuwal sa anumang kasarian.
__________ 2. ( RNGEED ) Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at
personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
__________ 3. ( YGA ) Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang
kapwa lalaki.
__________ 4. ( RNESNTERGAD ) Tumutukoy ito sa isang taong
nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan.
__________ 5. ( ESX ) Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.

V. Takdang Aralin:

Panuto:Magsaliksik sa mga karapatang pantao ng mga kababaihan,kalalakihan at mga


kasapi ng LGBTQIA+.Ilagay ito sa isang buong papel

JAQUELYN M. NAOE
Guro
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

You might also like