Panahanan NG Mga Pilipino Sa Kolonyalismong Espanyol

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ALAMIN MO

Alam mo ba na ang
tahanang nasa
larawan ay hango
sa disenyo ng mga
dayuhang
Espanyol?
May nakikita ka pa
ba na ganyang uri
ng tahana sa
ngayon? Ano ang
masasabi mo sa
disenyo nito?
Iba’t Ibang Uri Ng Tirahan
Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay na bato noong
panahong iyon. Ito ay malaki at matibay. Ang unang palapag
nito ay gawa sa bato at ang ikalawang palapag naman ay gawa
sa matigas na kahoy. Ladrilyo o kogon ang ginamit na bubong.
Nagsilbing imbakan ng bigas at mga kagamitan sa
pagsasaka ang unang palapag at ang ikalawang palapag naman
ay nahati bilang kusina, silid-tulugan, at hapag-kainan.
Noong ika-19 na siglo, lumaganap ang konstruksiyon ng
bahay na bato. Ang pagpapatayo ng ganitong uri ng tirahan ay
naging simbolo ng antas ng pamumuhay ng isang pamilya.
Pagbabago sa Panahanan
Ang mga panahanan ng mga Pilipino ay nagkaroon ng marami ring
pagbabago. Makikita pa rin sa hitsura ng kanilang panahanan kung aning uri o estado
sa buhay mayroon ang isang mamamayan ng bansa.
Nabago ang panahanan ng mga Pilipino mula nang sumailalim sa kolonyal na
pamamahala ng mga Espanyol. Dulot nhg impluwensiyang ito, ang karaniwang
tahanan ng mga katutubong Pilipino na maliit at simpleng bahay na yari sa pawid at
kawayan ay napalitan ng malalaking bahay na yari sa bato at tisa at matitibay at
malalaking kahoy naman ang haligi nito. Ito ay malalaking silid, malalapad na sahig
na tabla, makakapal na kahoy na dingding at may tanggapan ng mga panauhin.
Maluluwang ang mga bintana na kadalasan ay yari sa kapis. Mayroon din itong
malilit n bintana sa ilalim na kung tawagin ay ventanilla. Bagama’t nabubuksan ito,
may harang ito na kung tawagin ay balustrddo. Ang malalaking bahay na bato ay
mayroong malalaking silid, may sala at komedor o kainan. Kalimitan, ang bahay na
ganito ay makikita sa kabayanan.
Pagbabago sa Panahanan
Iba’t iba bahagi pa ang matatagpuan sa uri ng bahay ng mga nasa
mataas na estado sa buhay. Ang kanilang bahay na bato ay mayroon ding
oficina o despacho. Ito ang nagsisilbing tanggapan ng may-ari ng bahay para sa
mga kasama o katulong sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo.
Cuartos naman ang tawag sa mga silid sa entresuelo na gamit ng may-ari
bilang tulugan sa tanghali at siya ay nagpapaghinga. Ito ay silbing silid tulugan
din ng mga kamag-anak na naninirahan sa kanila.
Caida o antesala naman ang tawag sa kung saan naglalaro ang mga
kabataan, nagmemryenda at kung tumatanggap sila ng mga matalik na
kaibigan.
Sa sala sila tumatanggap ng mga mahahalagang bisita kung saan ang
mga mga gamit ay at kasangkapan ay magaganda at maaaninag ang kanilangf
katayuan sa buhay. Dito rin nila ginaganap ang sayawan at kasiyahan.
Balkonahe naman ang tawag kung saan tinatanggap nila ang kanilang
bisita upang makipagkwentuhan.
Ang silong na bahagi ng bahay ayn siyang nagsisilbing
imbakan ng palay at tulugan ng mga katulong na lalaki kabilang
ang hardiner. Dito rin nila ininlalagay ang kanilang karosa, ang
sasakyan ng mga santo kapag ito au isinasali sa prusisyon.

Sa may azotea o balkonahe naman ang lugar kung saan ang


mga trabahong may kinalaman sa tubig ay dito ginagawa. Ito ay
matatagpuan sa likod ng bahay na katabi ng kusina at ang tubig
ulan mula sa bubong ng kanilang bahay na inipon mula cistem na
pinadadaloy sa uling, bato, at buhangin ang kanilang ginagamit.

Ang letrina o comun ay ang palikuran. Ito ay may dalawang


upuan na may butas at maaaring gamitin nang sabay ng dalawang
tao.
Ang baño o paliguan ay mayroong dalawang bañeras (bathtubs). Ang mga
mga ito ay may butas sa ilalim at may takip at inaalis lamang ang takip na ito
upang makadaloy ang tubig sa sahig.
Sa oratorio naman ay nagsasama-sama ang buong pamilya upang
magdasal ng angelus at magrosaryo kung ika-anim na ng gabi. My malaking
estatwa dito ng santo na nasa loob ng glass cabinet.
Cuarto principal ang tawag sa malaking silid ng may-ari ng bahay. May
malaking aparador ito, lavabp na yari sa marmol o porselana ngunit wala itong
gripo. Isang lalagyan ng tubg ang nasa nito at ginagamit lamang ito sa
mahahalagang bisita.

Comedor ang tawag sa lugar na kainan. Nakadispley sa platera ang


naggagandahang plato, tasa at pitsel na porselana na nagmula pa sa China
omEurope, mga kubyertos at mga baso.Tunaynna masasalamin sa kanila ang
karangyaan at katayuan nila sa buhay.
Sa panahanan naman ng mga karaniwang Pilipino ay masasalamin ang
kasimplehan ng kanilang pamumuhay at estado sa buhay. Sila ay kalimitang
nasa kanayunan. Tulad ng mga sinaunang Pilipino, ang bubungan ng kanilang
tahanan ay nanatiling yari sa pawid o cogon at yari naman sa kahoy o kawayan
ang kanilang dingding at sahig. Ang kawayan ay pinanipis at saka nilala upang
maging sawali na siyang dingding ng kanilang bahay. Ang iba naman ay
gumamit ng dahon ng niyog , damong cogon o dahon ng anahaw na
pinagkabit-kabit ng mga yantok o ratan.
Ang hagdanan nila ay yari rin sa kawayan at ito ay matatagpuan sa labas
ng kanilang bahay. Ang silong nila ay may bakod na kawayan at nagsisilbing
kulungan ng kanilang mga hayop o di kaya naman ay taguan ng kanilang mga
gamit. Ang kanilang bahay ay mayroong batalan sa likod na ginagamit nilang
paliguan. Mayroon din itong banggerahan kung saan nakasabit sa gilid ng
bahay at dito sila naghuhugas ng kanilang mga ginamit na pinggan. Ang
kanilang palikuran ay malayo sa kanilang bahay at natatabingan ng din ng
pawid o cogon at kadalasan ay walang bubong.
GAWIN MO : Gawain A
Ibigay ang bahagi ng tahanan na inilalarawan sa bawat pangungusap.
__________ 1. Tinatawag ding paliguan.
__________ 2. Ito ay may dalawang upuan na may butas at maaaring gamitin nang sabay
ng dalawang tao.
__________ 3. Dito naglalaro ang mga kabataan, nagmemryenda at kung tumatanggap sila
ng mga matalik na kaibigan.
__________ 4. Ito ay mga silid sa entresuelo na gamit ng may-ari bilang tulugan sa tanghali
at siya ay nagpapaghinga.
__________ 5. Ito sa malaking silid ng may-ari ng bahay. May malaking aparador ito, lababo
na yari sa marmol o porselana ngunit wala itong gripo.
__________ 6. Tawag sa lugar ng kainan.
__________ 7. Dito nilalagay ang mga gamit sa pagkain tulad ng plato, tasa at pitsel na
porselana, mga kubyertos at mga baso.
__________ 9. Dito sila naliligo.
__________10. Lugar kung saan ang mga trabahong may kinalaman sa tubig ay dito ginagawa.
__________12. Dito tinatanggapang kanilang bisita upang makipagkwentuhan.
__________13. Dito naman tumatanggap ng mga mahahalagang bisita.
__________14. Bahagi ng bahay ayn siyang nagsisilbing imbakan ng palay at tulugan ng mga
katulong na lalaki kabilang ang hardinero.

You might also like