Esp Week 4

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

Edukasyon sa

Pagpapakatao 5
Lesson 14
Paano naipapakita ang
paggalang sa mga
dayuhan?
Paano ang mabuting
pagtanggap o pagtrato sa
mga katutubo at mga
dayuhan?
Paano ninyo maipapakita
ang paggalang sa
natatanging kaugalian o
paniniwala ng mga
katutubo at dayuhan na iba
sa atin ang kinagisnan?
Bawat isa sa atin ay may karapatang
magpahayag ng ideya. Ang lahat ng tao, bata
man o matanda, lalaki man o babae ay may
iba’t ibang opinyon. Malaya natin itong
masasabi ngunit dapat tandaan na ito ay
dapat ipahayag sa isang wastong paraan.

Anuman ang ating nais ipahayag ay


nararapat isaalang-alang ang damdamin ng
ibang tao sa ating paligid.
Tulong-tulong sa Paaralan

Nagdaos ng pulong ang pangulo


ng Sanggunian ng mga mag-aaral.
Tatalakayin nila ang ilang pamamaraan
kung paano makatutulong ang bawat
mag-aaral sa pagpapanatili ng
kalinisan ng paaralan.
Ano ang inyong mungkahi Iminumungkahi ko na
para makatulong ang ating dagdagan natin ang mga
samahan sa pagpapanatili ng basurahan sa paligid ng
kalinisan ng ating paaralan? paaralan.
Ano ang inyong mungkahi Iminumungkahi ko na
para makatulong ang ating dagdagan natin ang mga
samahan sa pagpapanatili ng basurahan sa paligid ng
kalinisan ng ating paaralan? paaralan.

Sumasang-ayon ako sa mungkahi. Iminumungkahi ko rin na


lagyan natin ng pangalan ang mga basurahan: NABUBULOK at
DI-NABUBULOK.
Sa palagay ko, dapat din
tayong makipag-ugnayan sa Iminumungkahi ko rin na
barangay upang matiyak na gumawa tayo ng compost
minsan sa isang linggo ay pit kung saan ibabaon ang
mahahakot ang mga di- mga nabubulok na basura.
nabubulok na mga basura.
Itinala ng naatasang kalihim ang mga
mungkahi sa pisara at pinagkasunduan
nila ang unang tatlong aksyon na
isasagawa nila. Nagkasundo rin sila kung
sino ang mga magiging kasapi ng bawat
pangkat. Ang desisyon ng pangkat ay
tinanggap ng lahat nang maluwag sa
kanilang kalooban.
Ano ang pinag-uusapan ng mga mag-aaral sa
kwento?
Ano ang opinyon ng unang mag-aaral?
Sinang-ayunan ba ito ng ikalawang
mag-aaral? Bakit?
Ano naman ang kanyang mungkahi?
Malaya bang naipapahayag ng mga bata ang
kanilang opinyon o kuro-kuro sa mga ganitong
pagpupulong?
Magbigay ng patunay.
Ano – ano ang mga paraan kung paano
makabubuo at makapagpapahayag nang
may paggalang sa anumang ideya o
opinion?
Ipaliwanag ang mga dapat isaalang-
alang sa pagpapahayag ng mga opinyon
na nais sabihin sa ating kapwa.
 Mag-isip nang mabuti bago magbigay ng
isang ideya.
 Sumangguni sa mas nakatatanda o sa mas
may karanasan.
 Alamin ang mga benepisyo at maaaring
maging kapalit nito bago ipahayag ang isang
ideya o opinyon.
Ipaliwanag ang mga dapat isaalang-
alang sa pagpapahayag ng mga opinyon
na nais sabihin sa ating kapwa.
 Alamin ang maaaring maging epekto nito sa
iyong sarili at sa ibang tao.
 Magpahayag sa maayos na paraan nang may
paggalang at pagsasaalang-alang sa
damdamin ng iba.
 Tanggapin nang maluwag sa kalooban ang
anumang opinyon ng ibang tao.
Takdang Aralin
Tandaan ang mga dapat
isaalang-alang sa
pagpapahayag ng mga
opinyon na nais sabihin sa
ating kapwa.
Day 2
Ano – ano ang mga
dapat isaalang-alang sa
pagpapahayag ng mga
opinyon na nais sabihin sa
ating kapwa.
Pangkatang Gawain
Constructivism Approach
Pangkat I – Halina’t Magtala!
Itala ang mga opinyon ng bawat isa sa pangkat
sa sitwasyong ito:
“Paggamit ng internet sa pag-aaral ng mga
mag-aaral.”
Collaborative Approach
Pangkat II – Tara, Usap Tayo!
Magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro
tungkol dito:
“Hindi gaanong malinaw ang ibinigay na
takdang-aralin ng inyong guro. Hindi ninyo
ito sinabi sa inyong guro.”
Inquiry-based Approach
Pangkat III – Halina’t Alamin!

Kapanayamin ang bawat-isa sa pangkat


kung ano ang kanilang opinyon tungkol sa
pagpapalaganap ng K to 12 Basic Education
Program sa pangkasalukuyang panahon ng
kanilang pag-aaral.
Integrative Approach
Pangkat IV – Eksibit, Isabit!

Magkaroon ng eksibit ng mga larawan na


nagpapakita ng pagpapahayag nang may
paggalang sa pagbibigay ng ideya o
opinyon.
Pag – uulat ng bawat
pangkat
Pag – uulat ng bawat
pangkat
Day 3
Ano ang inyong natutunan
sa mga isinagawang gawa-
in kahapon?
Panoodin ang balita sa
telebisyon tungkol sa
“Special Report: K to 12
Tayo’y Magnilay!
Isulat ang inyong kasagutan sa mga sumusunod na
tanong sa pamamagitan ng isang personal na repleksyon.

Prog., naglalayong bigyan


Ano ang masasabi ninyo sa napanood na balita? Sang-
ayon ba kayo rito? Bakit? Pangatwiranan.

ng dekalidad na edukasyon
ang mga batang Pilipino”.
Tayo’y Magnilay!
Isulat ang inyong kasagutan sa mga sumusunod na
tanong sa pamamagitan ng isang personal na repleksyon.
Ano ang masasabi ninyo sa napanood na balita? Sang-
ayon ba kayo rito? Bakit? Pangatwiranan.

(https://www.youtube.com/watch?v=DY65X2bfe3g)
Tayo’y Magnilay!
Isulat ang inyong kasagutan sa mga
sumusunod na tanong sa
pamamagitan ng isang personal na
repleksyon.
Ano ang masasabi ninyo sa
napanood na balita? Sang-ayon ba
kayo rito? Bakit? Pangatwiranan.
Paano ninyo maipapakita sa
kapwa ang wastong paraan ng
pagbibigay opinyon sa
anumang sitwasyon? Ano ang
nararapat ninyong gawin?
Day 4
Ano – ano ang mga dapat
gawin sa pagbubuo at
pagpapahayag sa anumang
ideya o opinyon.
Ano ano ang mga dapat nating isaalang-alang sa
pagbuo at pagpapahayag ng isang ideya o opinyon?
Ipahayag sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Pangkat I – Awit Pangkat III – Yell

Pangkat II – Tula Pangkat IV – Slogan


Tandaan Natin
Makapagbubuo at
makapagpapahayag tayo ng anumang ideya
o opinyon sa magalang na pamamaraan
kung palaging isasaisip at isasapuso ang
pagsasabi ng mga ito sa maayos na
pananalita. Nararapat na isaalang-alang ang
damdamin ng ating kapwa tao sa lahat ng
pagkakataon.
Day 5
Panuto: Ilagay ang kung wasto ang
ipinahahayag sa bawat bilang at . . kung hindi
wasto.
_____1. Pilit mong iginigiit sa iyong
guro na nararapat lamang niyang
pagalitan ang kanyang mga kaklase
na hindi gumagawa ng takdang-
aralin.
Panuto: Ilagay ang kung wasto ang
ipinahahayag sa bawat bilang at . . kung hindi
wasto.
_____2. Binibigyang-katwiran mo
lamang ang iyong pagiging huli sa
klase. Nagalit ang iyong guro kaya
hindi mo napigilang magtaas din ng
boses sa kanya.
Panuto: Ilagay ang kung wasto ang
ipinahahayag sa bawat bilang at . . kung hindi
wasto.
_____3. Mahirap man ang inyong
buhay, nagpapasalamat ka pa rin sa
iyong mga magulang kahit na palagi
nilang ikinakatwiran sa inyo na hindi
ito ang buhay na nararapat nilang
ibigay sa inyong magkakapatid.
Panuto: Ilagay ang kung wasto ang
ipinahahayag sa bawat bilang at . . kung hindi
wasto.
_____4. Ipinaliwanag mo sa
mahinahong salita at may paggalang
ang iyong ideya tungkol sa isang
magandang dapat gawin ng inyong
pangkat sa nalalapit na pagdiriwang
ng Paligsahan sa Pagtula 2017.
Panuto: Ilagay ang kung wasto ang
ipinahahayag sa bawat bilang at . . kung hindi
wasto.
_____5. Sinabi mo sa iyong kaibigan na mas
may kapasidad kang lumahok sa debate
kaysa sa kanya na hindi mo isinasaalang-
alang ang kanyang maramdaman. Iniisip mo
kasi na mauunawaan ka niya dahil kayo
naman ay matagal ng magkaibigan.
Pag-isipan!
Panuto: Buuin ang bawat pahayag batay sa mga
nararapat mong gawin bilang isang mag-aaral.
a. Sisikapin kong __________________________.
b. Pag-aaralan ko kung paano________________.
c. Hihikayatin ko ang aking kapawa tao na
____________.
Gawin!
Panuto: Basahin at sagutin.
May mga bagay o pangyayari ba sa paligid
ng paaralan na hindi umaayon sa iyong
paniniwala? Ano ang iyong ideya ukol dito? Ano
ang nararapat mong gawin sa mga ganitong
sitwasyon?
Gawin!
Panuto: Isulat ang inyong opinyon tungkol dito.
Nagtatanong ang guro ng mungkahi kung sino
ang ilalaban sa Paligsahan sa Paggawa ng
Makabayang Awitin. Alam mong si Henry ang
nakikita ninyong pinakamahusay sa inyong klase.
Subalit mas pinili ng inyong guro sa MAPEH si
Katherine. Ano ang gagawin mo?
Gawin!
Panuto: Isulat ang inyong opinyon tungkol
dito.
Nararapat lamang na ikulong ang mga
taong gumagamit ng bawal na gamot bilang
pagbabayad sa hindi makatarungang
gawain nila sa lipunan

You might also like