Anekdota
Anekdota
Anekdota
Naglalakad si Hiro papunta sa klasrum nito. Nang bigla siyang mabunggo ng isang babaeng
tumatakbo. Nagalit si Hiro dahil sa pagkabunggo nito sa kanya at pagkabuhos ng kapeng iniinom ni
Hiro sa uniporme nito. Ano ka ba naman hindi k aba tumitingin sa dinaraan mo!? Malakas na sigaw ni
Hiro at itinulak ito ng malakas na dahilan upang mapauupo sa sahig ang babae. Hindi na hinintay ni
Hiro na makapagsalita pa ang babae at dumiretso sa locker room kung saan nagpalit ito ng bagong suot
na uniporme. Tsk. Kaaga-aga badtrip na ako. Bulong nito sa sarili at saka dumiretso sa silid-aralan.
Ipinasak ni Hiro ang earphones nito nang makaupo siya sa kanyang upuan at hindi pinansin ang gurong
na harapan ng klase. Pumasok sa loob ng kanilang silid-aralan ang isang babae. Nakalugay ang itim na
mahabang buhok na babae. Katamtaman ang taas at may kaputian. Napatingin si Hiro sa babaeng nasa
harapan ngayon ng buong klase nila. Naningkit ang mga mata ni Hiro at tinanggal ang mga earphone
nakapasak sa kanyang mga tainga. Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Divine Nielson at
ikinagagalak ko kayong makilala. Pagpapakilala nito sa lahat at nagbow. Napagdesisyunan naman ng
kanilang guro na paupuin si Divine sa tabi ni Hiro dahil ito na lamang ang natitirang bakanteng upuan.
Ok class maiwan ko muna kayo sandal, may kukunin lang ako sa faculty. Anunsyo ng kanilang guro
atsaka umalis. Pagkakataon nga naman. Tsk. Bulong ni Hiro sa kanyang sarili. Hi. Im Divine. Lets
be friends. Napalingon si Hiro sa nakalahad na kamay ng babaeng nasa harapan niya ngayon.
Hinawakan ni Hiro ng mariin ang kamay ni Divine. T-teka lang. Nasasaktan ako. Sabi ni Divine.
Hindi bat ikaw yung nakabunggo sa akin kanina? Alam mo bang natapon yung mainit na kape na
iniinom ko sa uniporme ko. Dahilan upang masira ang araw ko! Galit na sabi ni Hiro kay Divine. Iikaw ba yun? Naku sorry malabo kasi yung mata ko kaya hindi kita nakita. Sorry. Pagpapaliwanag ni
Divine. Walang sorry sa akin. Malamig na sambit ni Hiro at kasabay nito ang lalong paghigpit ng
pagkahawak ng kamay ni Hiro sa kamay ni Divine. Teka nga! Bitiwan mo nga ako! Galit na sigaw ni
Divine kay Hiro dahilan upang mapatingin ang buong klase sa kanilang dalawa at saka hinila nito ang
kamay mula kay Hiro. Hindi bat nagsorry na ako. Sino ka ba para sigawan ako? Sino ka ba para hindi
tumanggap ng sorry? Napaka arogante mo. Wala ka bang respeto? Kung wala kang balak na tanggapin
yung sorry ko. Wala na akong magagawa. Napaka ungentleman mo. Tsk! Galit na galit na sigaw ni
Divine kay Hiro at saka umupo.
Natapos ang buong araw nang hindi nagpapansinan ang dalawa. Hindi naman mapalagay si Hiro sa loob
niya dahil unang beses sa buhay niya na mayroong babaeng sumigaw sa kanya sa harapan ng maraming
tao. Dismissal na at umalis kaagad si Divine ng klasrum na napansin naman ni Hiro. Nagmadali naman
si Hiro na lumabas ng klasrum, desidido na siya na humingi ng tawad kay Divine dahil alam niyang
nakasakit siya ng babae, bagay na ayaw na ayaw ng ina niya na mahal na mahal niya. Ilang minuto ang
nakalipas ng naglakad si Hiro ay naabutan rin niya si Divine. Divine. Hingal na sabi ni Hiro at
ipinatong nito ang mga kamay niya sa balikat ni Divine upang pigilan ito sa paglalakad. Oh, ano?
masungit na hinarap ni Divine si Hiro at tinanggal ang mga kamay ni Hiro na nasa balikat niya. Sorry
if nasaktan kita kanina. Nabadtrip lang kasi talaga ako. Nahihiyang sagot ni Hiro atsaka nagkamot ng
ulo at tumingin sa ibaba. Hmp. Marunong ka naman palang magsorry. Apology accepted. Sorry din.
Friends? Maligayang tanong ni Divine atsaka inilahad ang kamay nito. Friends. Sambit ni Hiro at
nakipagshakehands kay Divine. Maligayang nagkwentuhan ang dalawa at sabay na naglakad pauwi.