Belonio & Ruflo Thesis (Paghahandog)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

i

ISTILONG PAMPAGKATUTO AT PAMPAGTUTURO: KAUGNAYAN SA


AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL NG
FILIPINO 10 NG BUUG NATIONAL HIGH SCHOOL

Isang Tesis
na Iniharap sa
Kolehiyo ng Edukasyon
PAMANTASANG BAYAN NG MINDANAO
Buug, Zamboanga Sibugay

Bilang Parsyal na Katuparan


sa mga Pangangailangan sa Pagtatamo ng
Kursong Batsilyer sa Edukasyong Sekondarya
Medyor sa Filipino

ANTONETTE BELONIO
ROSEL A. RUFLO
Abril 2017
ii

Republika ng Pilipinas
PAMANTASAN BAYsAN NG MINDANAO
Buug, Zamboanga Sibugay

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang tesis na itong may pamagat na ISTILONG PAMPAGKATUTO AT

PAMPAGTUTURO: KAUGNAYAN NITO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA

MAG-AARAL NG FILIPINO 10 NG BUUG NATIONAL HIGH SCHOOL na inihanda at

iniharap nina ANTONETTE BELONIO at ROSEL A. RUFLO bilang parsyal na katuparan

sa mga pangangailangan sa pagtatamo ng kursong Batsilyer sa Edukasyong Sekondarya,

Medyor sa Filipino ay itinagubiling tanggapin at pagtibayin sa kaukulang pasulit na pasalita.

RUTH D. MIRAFUENTES, MAEd. MPD


Tagapayo
___________________________________________________________________________

LUPON NG TESIS

Pinagtibay ng Panel ng Pasulit na Pasalita sa ika ____ ng Abril taong 2017 at binigyan

ng markang _____.

ZEY B. COLITA, AB FIL FATIMA T. EVANGELISTA, AB FIL


Kasapi Kasapi

SYLVIA G. TARRANZA, MAEd. Fil


Kasapi
___________________________________________________________________________

Tinanggap at pinagtibay bilang parsyal na katuparan sa mga pangangailangan sa

pagtatamo ng kursong Batsilyer sa Edukasyong Sekondarya, Medyor sa Filipino.

ALDIN PAUL S. GENOVIA, Ed. D., LLB


Dekano, Kolehiyo ng Edukasyon
iii

PAGHAHANDOG

Taos- pusong inihahandog ng mga mananliksik ang pag-aaral na ito sa

kanilang mga mahal sa buhay bilang patunay ng kanilang tagumpay na bunga ng

kanilang mga paghihirap at ng inyong mga tulong pinansyal at moral, suporta sa lahat

ng adhikain at pangangailangan upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Mga Magulang: Evelyn B. Gonzaga Rosavilla C. Albor


Emilio F. Gonzaga Pablito P. Albor
Asawa: Eddie M. Ruflo
Mga Kapatid: Exequiel B. Gonzaga Merlyn, Alice, Rene,
Eric B. Gonzaga Neneth, Edgar, Jame Paul
Lolo: Juan S. Gonzaga
Pinsan: Evaresto Y. Gonzaga Jr.
Mga Tiyahin : Jelly B. Buyco
Myrna Y. Gonzaga
Mga Tiyohin : Hilary Belonio Jr.
Mga Anak: Edzel, Sophia, Edrian

Roston
iv

PASASALAMAT

Salamat sa inyo. Lubos ang pasasalamat ng mananaliksik sa mga taong

tumulong at umagapay sa kanya upang maging matagumpay siya at ang pag-aaral na

ito.

Unang-una, sa Panginoon na siyang may likha ng lahat. Ang pananalig sa

kanya ang naging sandigan ng mananaliksik sa panahon ng pagkalugmok at kapaguran

upang patuloy na maging positibo.

Sa kanyang pamilya, sa kanyang mga magulang na sina G.at Gng. Evelyn B.

Gonzaga :mga kapatid, Exequil at Eric Gonzaga; sa kanyang lolo, Juan S. Gonzaga na

naging dahilan ng kanyang pagpupursise at nagsilbing inspirasyon.

Sa kanyang tagapayong si Gng. Ruth D. Mirafuentes na napakabuti at

mapagpasensyasa paglalaan nito ng oras sa pagbibigay ng mga ideya, opinion,

mungkahi, pagwawasto, reperensya at dagdag na kaalaman sa mananaliksik upang

mabuo at matapos ang pag-aaral na ito. Sa kanilang panelists na sina Gng. Sylvia G.

Tarranza, Gng. Fatima T. Evangelista, at Bb. Zey Colita na binusisi at hinimay ang

kanilang papel upang itoy mas lalong mapaghusay.

Sa kanyang mga kaibigan at ka medyor sa Filipino na sina Rosel Ruflo, Jona

Bayona,Chlauoie Marcito, Arestrima Sumaylo, Farhan Dacula, Mary Grace

Mangumpit, Jean Lachica, Eva Mae, Flores, Raifa Lampay at Elsie Dagohoy na

naging kasa-kasama niya sa panahon ng kayang pag-aaral sa MSU- BC at maging sa

mga masasaya at di- malilimutang mga karanasan sa loob at labas ng paaralan na


v

naging dahilan upang maging mas makulay ang buhay ng mananaliksik, sa pagiging

kaagapay sa kasiyahat pangamba at sa di- mabilang na tulong at suporta.

Antonette Belonio
Mananaliksik
vi

PASASALAMAT

Ang mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa matagumpay na pagbuo

ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod na indibidwal:

Unang-una sa Poong Maykapal na siyang gabay, nagbibigay buhay, lakas at

talino upang maisakatuparan ang kanyang pag-aaral at mithiin sa buhay.

Sa kanyang pamilya na walang sawang sumuporta; sa kanyang mga magulang

na sina Pablito P. Albor at Rosabella C. Albor na palaging nakasuporta moral at

pinansyal at patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan. Sa kanyang asawa na si

Eddie M. Ruflo na siyang nagbigay ng walang sawang pagmamahal, pag-intindi at

suporta, pati na rin sa kanyang mga anak na sina Edsel,Sophia at Edrian na siyang

nagbigay-saya at inspirasyon upang magpatuloy at higit na nagsumikap anumang

hirap at pagsubok ang pinagdadaanan.

Sa kanyang tagapayo na si Prop. Ruth D. Mirafuentes, na nagbabahagi sa

kanya ng mga ideya,opinyon, mungkahi, pagwawasto,reperensya at dagdag na

kaalaman upang mabuo at maisakatuparan pag-aaral na ito.

Sa kanyang mga kapatid lalong-lalo na si Bb.Anita C.Albor na katuwang sa

pagbigay tulong pinansyal..

Sa kanyang mga kaibigan at kamag-aral na sina Antonette Belonio, Jona

Bayona,Fharhan Dacula,Raifa Lampay,Faye Ann Jomuad, Arestrema Sumaylo, Elsie

Mae Dagohoy,Chlauoie, Irene Lagunday at Ruel Manggaron na nagbigay-kulay sa

buhay ng mananaliksik. suporta.


vii

Sa kanyang istatistisyang si Prop.Gina D.Torred na matiyagang nagbigay ng

panahon at tulong sa paglalapat ng angkop na istatistika at pagwasto sa mga

komputasyon upang mapalutang ang kaugnayan ng istilo ng pagkatuto sa istilo ng

pagtuturo at ang kaugnayan nito sa akademikong pagganap sa mag-aaral sa

assignaturang Filipino.

Sa mga lupon ng tesis na sina Prop. Sylvia G. Tarranza, Bb.Fatima T.

Evangelista at Bb. Zey Colita na sumuri sa kanyang pag-aaral, nagbibigay ng

suhestyon at mga ideya upang lalong mapaganda at mapabuti an gang pag-aaral.

Sa kanilang lahat, maraming salamat.

ROSEL A. RUFLO
Mananaliksik
viii

ABSTRAK

Belonio, Antonette at Rosel, Ruflo A. ISTILO NG PAMPAGKATUTO AT

PAMPAGTUTURO: KAUGNAYAN NITO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG

MGA MAG-AARAL SA FILIPINO 10 NG BUUG NATIONAL HIGH SCHOOL.

Batsilyer sa Edukasyong Sekondarya, Medyor sa Filipino, Pamantasang Bayan ng

Mindanao, Buug, Zamboanga Sibugay, Marso 2017.

Tagapayo: Ruth D. Mirafuentes, MAEd. MPD.

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang pag alam sa mga istilong

pampagkatuto ng mga mag-aaral at sa mga istilong pampagtuturo ng guro at

kaugnayan nito sa isat isa at sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral at

mabigyang kasagutan ay ang mga sumusunod:

1. Ano ang istilong pampagkatutong nangingibabaw sa mga mag-aaral sa Filipino

10?

2. Ano ang istilong pampagtuturong nangingibabaw sa guro ng Filipino 10?

3. May kabuluhang kaugnayan ba ang istilo ng pampagkatuto ng mga mag-aaral

sa istilo ng pampagtuturo ng guro sa Filipino 10?

4. May kabuluhang kaugnayan ba ang mga istilo ng pampagkatuto ng mga mag-

aaral sa kanilang akademikong pagganap?

5. May kabuluhang kaugnayan ba ang mga istilo ng pagtuturo ng guro sa Filipino

10 sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral?


ix

Matapos maisagawa ang pag-aaral ay natuklasan ng mga mananalksik ang

sumusunod:

Natuklasan sa isang daan at walong (108) respondenteng mag-aaral sa Filipino

10 sa tatlong seksyon ng Buug National High School, na ang istilong pampagkatutong

nangingibabaw sa kanila ay biswal dahil ito ang nagtala ng pinakamaraming tugon.

Ito ay may Average Weighted Mean na 2.1 at may respone category na katulad ko

(KK),habang ang mapandinig ay nagtamo ng 1.9 Average Weighted Mean at may

response category na katulad ko (kk). Ang mapanuri naman ay 2.0 (AWM) na may

response category na katulad ko. Ang lahat ng ito ay natutunghayan sa talahanayan 2a

hanggang 2c.

Ayon sa tugon ng mga respondenteng mag-aaral sa istilo ng pagtuturo ng guro

sa Filipino 10 ay lumabas na nangingibabaw ang tradisyunal na istilo na may (AWM)

na2.4 at may response category na palagi (P). Ang istilong transisyunal naman ay

may (AWM) na 2.0 at may response category na minsan (M). Ang indibidwalisadong

istilo ng pagtuturo naman ay may (AWM) na 2.3 at may response category na minsan

(M). Ito naman ay nakikita sa talahanayan 3a hanggang 3c.

Ang akademikong pagganap ng isang daan at walong (108) mag-aaral ay

nahahati sa tatlong kaantasan, ang pinakamahusay, mahusay at hindi mahusay.

Mayroong limamput siyam (59) respondenteng mag-aaral ang napabilang sa

pinakamahusay, apatnaput lima (45) ang mahusay at apat (4) ang hindi mahusay. Sa

pag-aaral ng Filipino 10. Batay dito nasabi ng mga mananaliksik na nasa

pinakamahusay ang kabuuan ng akademikong pagganap sa Filipino 10 ang isangdaan


x

at walong mga mag-aaral ayon narin sa pagkakahati-hati nito na nakikita sa

talahanayan 4.

Mga Konklusyon

Batay sa mga natuklasan ay nabuo ang sumusunod:

1.Ayon sa nalikom na tugon ng mga respondenteng mag-aaral ang tatlong

istilo ng Pagkatuto ay nagtamo ng average weighted mean at responsecategory na :

ang biswal ay nagtamo ng 2.1 average weighted mean, ang mapandinig at mapanuri

naman ay kapwa nagtamo ng 2.0 average weighted mean. Ang tatlong istilo ng

pagkatutong ito ay parehong may response category na katulad ko(KK).

Ang istilo na pagkatutong nangingibabaw sa mga mag-aaral ng Filipino 10 ng

Buug National High School ay biswal.

2. Ayon sa nalikom na tugon ng mga respondenteng mag-aaral ang tatlong

istilo ng pagtuturo ng guro ay nagtamo ng average weighted mean at response

category na: ang tradisyonal ay nagtamo ng 2.4 na average weighted mean na may

response category na palagi(P), ang transisyunal naman aymay average weighted

mean na 2.0 at ang indibidwalisado ay may 2.3 aerage mean. Ang transisyonal at

indibidwalisado ay kapwa may response category na minsan(M).

Ang istilo ng pagtuturong nangingibabaw sa guro ng Filipino 10 ng Buug

National High School ay tradisyunal, dahil ito ay nagtamo ng pinakamataas na average

weighted mean at may response category na palagi(P) na nangangahulugang ang

istilong ito ay palaging ginagamit ng guro sa kanyang pagtuturo.


xi

3.Alinsunod sa mga nalikom na tugon ng mga respondenteng mag-aaral at

batay sa naging kompyutasyon nito ay nasabi ng mga mananaliksik na walang

makabuluhang kaugnayan ang istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa istilo ng

pagtuturo ng guro dahil nakakuha lamang ito ng tahasang kompyutasyon ( 2

computed) na 0.49 na mas mababa kaysa sa tahasang paghahanay ( 2 tabulated) na

9.488 sa kompyutasyong Chi-Square.

4. Alinsunod parin sa mga nalikom na tugon ng mga respondenteng mag-aaral

at sa naging kompyutasyon nito ay nasabi ng mga mananaliksik na walang kabuluhang

kaugnayan ang istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong

pagganap dahil nakakuha lamang ito ng tahasang kompyutasyon ( 2 computed) na

1.05 na mas mababa kaysa sa tahasang paghahanay ( 2 tabulated) na 9.488 sa

kompyutasyong Chi-Square.

5. Alinsunod parin sa mga nalikom na tugon ng mga respondenteng mag-aaral

at sa naging kompyutasyon nito ay nasabi ng mga mananaliksik na walang kabuluhang

kaugnayan ang istilo ng pagkatuturo ng guro sa akademikong pagganap ng mga mag-

aaral dahil nakakuha lamang ito ng tahasang kompyutasyon ( 2 computed) na 2.0 na

mas mababa kaysa sa tahasang paghahanay ( 2 tabulated) na 9.488 sa

kompyutasyong Chi-Square.
xii

Mga Rekomendasyon

Sa mga Guro:

1.Obserbahan kung sa anong istilo mas natututo ang mga mag-aaral upang ito

ay magamit sa pagtatalakay ng mga aralin.

2. Magkaroon ng sapat na kaalaman kaugnay sa ibat- ibang istilo ng pagkatuto

at pagtuturo.

Sa mga Administrador.

1.Hikayatin ang mga guro na sumali sa mga seminar- palihan upang mas

mapalawak pa nila ang kanilang kaalaman.

Sa mga Mananaliksik

1.Gawing sanggunian at batayan ang pag-aaral na ito sa mga susunod pang

mga pag-aaral namay kaugnayan rito upang makakalap ng mga kakailanganing mga

impormasyon sa pag-aaral.
xiii

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina
DAHONG PAMAGAT i
DAHON NG PAGPAPATIBAY ii
PAGHAHANDOG iii
PASASALAMAT iv
ABSTRAK viii
TALAAN NG MGA NILALAMAN xiii
TALAAN NG PIGURA xv
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN xvi

Kabanata I ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO

Rasyunal 1
Balangkas Pangkonsepto 2
Paglalahad ng Suliranin 3
Kahalagahan ng Pag-aaral 4
Saklaw at Lawak ng Pag-aaral 5
Katuturan ng mga Terminolohiya 6

Kabanata II SURING-BASA SA MGA KAUGNAY


NALITERATURA AT PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Literatura 9


Mga Kaugnay na Pag-aaral 11

Kabanata III METODOLOHIYA

Pamaraang Ginamit 15
Lugar ng Pag-aaral 15
Instrumentong Ginamit 17
Kaparaanan ng Pananaliksik 18

Kabanata IV - PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN


NG MGA DATOS 20
xiv

Kabanata V MGA NATUKLASAN, MGA KONGKLUSYON AT MGA


REKOMENDASYON
Mga Natuklasan 37
Mga Kongklusyon 38
Mga Rekomendasyon 40

Talasanggunian 40

Apendiks A Liham Pahintulot sa Punong Guro 42


Apendiks B Ang mga Respondente at ang kanilang profile
Apendiks C Talatanungan tungkol sa ibat-ibang istilo ng pagkatuto ng mga
Mag- aaral
Apendiks D Talatanungan tungkol sa ibat-ibang istilo ng pagtuturo ng guro
Apendiks E 50

TALAMBUHAY NG MGA MANANALIKSIK 53


xv

TALAAN NG PIGURA

Pigura Pamagat Pahina


1 Ang Iskematik na Dayagram ng Pag-aaral 2
xvi

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN

Talahanayan Pamagat Pahina


1 Populasyon ng Pag-aaral 16
2a Ang Biswal na Istilo ng Pagkatuto ng mga
Mag-aaral sa Filipino 10 21
2b Ang Mapandinig na Istilo ng Pagkatuto ng mga
Mag-aaral sa Filipino 10 23
2c Ang Mapanuring Istilo ng Pagkatuto ng mga
Mag-aaral sa Filipino 10 25
2d Ang Average Weighted Mean ng tatlong
Istilo ng Pagkatuto 26
3a Ang Tradisyunal na Istilo ng Pagtuturo ng mga
Guro sa Filipino 10 27
3b Ang Transisyunal na Istilo ng Pagtuturo ng mga
Guro sa Filipino 10 28
3c Ang Indibidwalisadong Istilo ng Pagtuturo ng mga
Guro sa Filipino 10 29
3d Ang Average Weighted Mean ng tatlong
Istilo ng Pagtuturo 30
4 Ang Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral
sa Filipino 10 31
5 Kaugnayan ng Istilo ng Pagkatuto ng mga
Mag-aaral sa Istilo ng Pagtuturo ng Guro sa
Filipino 10 32
xvii

6 Kaugnayan ng Istilo ng Pagkatuto sa Akademikong


Pagganap ng mga Mag-aaral sa Filipino 10 33

7 Kaugnayan ng Istilo ng Pagtuturo ng Guro sa


Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral sa
Filipino 10 34
8 Ang Kompyutasyong Chi-Square para sa ibat-ibang
Istilo ng Pampagkatuto at Pampagtuturo at
Akademikong Pagganap 35
xviii

You might also like