Filipino 2017
Filipino 2017
Filipino 2017
Uri ng Komunikasyon
Komunikasyong Verbal – ang uri ng komunikasyon na ginagamit ng
wika, pasalita man o pasulat.
Komunikasyong Di-Verbal – ang uri ng komunikasyon na hindi
ginagamitan ng wika, kundi ginagamitan ito ng senyas, expresyon
ng mukha, simbolo at iba pa.
Antas ng Komunikasyon
a. Komunikasyong Intrapersonal – antas ng komunikasyon na pansarili at
sa isang indibidwal lamang.
Hal.: Repleskyon o pag-iisip sa iyong mga nagawang kasalanan.
b. Komunikasyong Interpersonal – ang antas ng komunikasyon na
nagagawa ng dalawang tao o higit pa.
Hal.: Interaksyon ng isang estudyante at ng isang guro.
c. Komunikasyong Pampubliko – ang tawag sa antas ng komunikasyon sa
pagitan ng isang tao at sa isang malaking grupo ng mga tao.
Hal.: Pangangampanya ng isang kandidato sa harap ng mga taong-
bayan.
d. Komunikasyong Pang-Midya – antas ng komunikasyon na kung saan
ang pagtanggap o ang pagpapadala ng mensahe ay
ginagamitan ng kagamitang pang-midya.
Hal.: Komunikasyon na nagaganap gamit ang radyo, telebisyon at
pahayagan.
WIKA
Depinisyon ng Wika
1
Ito ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura (Gleason, 1988).
Ito ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
gawaing pantao (Hill, 1976)
Ito ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo (Webster, 1974).
Katangian ng Wika
Ito ay isang masistemang balangkas.
Ito ay sinasalitang tunog.
Ito ay pinipilit at isinasaayos.
Ito ay arbitraryo.
Ito ay ginagamit.
Ito ay nakabatay sa kultura.
Ito ay nagbabago.
Kahalagahan ng Wika
Ito ay isang instrumento ng komunikasyon.
Ito ay nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman.
Ito ay nagbubuklod ng bansa.
Ito ay lumilinang ng malikhaing pag-iisip.
Tungkulin ng Wika
Interaksyonal – nakapagpapanatili/nakapagpapatalag ng relasyong
sosyal.
Instrumental – tumutugon sa mga pangangailangan.
2
Regulatori – kumokontrol at gumagabay sa kilos/asal ng iba.
Personal – nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Imahinatibo – nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing
paraan.
Heuristik – naghahanap ng impormasyon.
Impormatib – nagbibigay ng impormasyon.
Antas ng Wika
1. Pormal – ito ang mga salitang istandard dahil kinkilala, tinatanggap
at ginagamit ng higit na nakararami.
a. Pambansa – Ito ang wikang kadalasang ginagamit ng
pamahalaan, aklat pangwika, aklat pamabalarila at paaralan.
(Hal.: Ama)
b. Pampanitikan o Panretorika – Ito ang mga salitang matatayog,
malalim, makulay, masining at ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang akdang pampanitikan. (Hal.: Haligi ng Tahanan)
2. Impormal – Ito ang mga salitang karaniwan, pang-araw-araw,
palasak, at kadalasang ginagamit sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
a. Lalawiganin – Ito ang mga bokabularyong dayalektal. (Hal.:
Amahan)
b. Kolokyal – Ito ay mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa
mga pagkaka taong impormal. (Hal.: Tatay-Tay)
c. Balbal – Ito ay maririnig sa mga usapang kalye. (Hal.: Erpat)
Barayti ng Wika
Dayalekto – Ito ang barayti ng wikang nalilikha ng dimesyong
heograpiko. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Hal.: Aba, ang ganda! (Maynila)
Aba, ang ganda eh! (Batangas)
Sosyolek – Ito ang barayti ng wikang nabubuo ayon sa dimensyong
sosyal dahil sa ito ay nakabatay sa mga pangkat lipunan.
Hal.: Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! (Gaylinggo o Wikang
ng mga Bakla)
Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven! (Wika ng mga Adik)
Jargon – Ito ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na
pangkat ng Gawain.
Hal.: Tsok, lesson plan, klas (Titser)
Appeal, justice, court, hearing (Abogado)
Idyolek – Ito ay tumutukoy sa personal at kani-kaniyang paraan ng
paggamit ng wika.
Hal.: Magandang gabi, bayan! (Noli de Castro)
Halika kaibigan! Usap tayo. (Boy Abunda)
3
- Taong 1935 nang unag naisip ang konsepto ng paglikha ng isang
Wikang Pambansa. Sa 1935 Saligangn Batas ng Pilipinas, itinadhana
na ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglikha ng
isang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.
Batas Komonwelt Blg. 184 (Taong 1936)
- Taong 1936, pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa
na siyang pipili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng
wikang pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (Disyembre 30, 1937)
- Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bias ng Saligang Batas
1935, ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa
ay ibabatay sa Tagalog.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Hunyo 19, 1940)
- Pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramatika ng Wikang
Pambansa at itinakadang mula sa Hunyo 19, 1940, ay pasisimulan
nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng
paaraalang-pampubliko at pribado sa buong bansa.
Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26, 1954)
- Ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay Marso 29 – Abril 4
na isasagawa taun-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Francisco
Balagats.
Proklamasyon Blg. 186 (Setyembre 23, 1955)
- Ang paglilipat ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ito ay
gagawin na mula Agosto 13-19, bilan paggunita sa kaarawan ni
Manuel L. Quezon.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Agosto 13, 1959)
- Ang Pambansang Wika ay tatawaging Pilipino.
1973 Saligang Batas, Artikulo XV, Seksyon 3 (Taong 1973)
- Sinasabi dito na ang 1973 Saligang-Batas ay dapat na ipahayag sa
Ingles at Pilipino, ang dapat na mga Wikang Opisyal. Isa pa, ang
Pamabansang Asemblea ay dapat gumawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat na
Wikang Pambansa na makikilalang Filipino.
1987 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 6-9 (Pebrero 2, 1987)
- Mula sa Pilipino, ang Pambansang Wika ay tatawagin ng Filipino.
Kasama ng Filipino, ang wikang Ingles ay ang siyang dalawang
opisyal na wika ng bansa.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 (Agosto 6, 1987)
- Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra.
A B C D E F G H I J K L M N Ñ NG O P Q R S T U V W X Y Z
Proklamasyon Blg. 104 (Hulyo 1997)
- Ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang
Filipino.
4
1. Alibata – Ito ang pinakaunang alpabeto na ginamit na sinaunang
Pilipino. Ito ay binubuo ng labimpitong titik: tatlong patinig at labing –
apat na katinig.
2. Alpabetong Romano – Kasabay ng pagdating ng Kastila ay ang
pagpalit ng lumang alibata ng alpabetong Romano. Ito ay binubuo ng
tatlumpong titik at tinawag nang pa-Kastila.
3. Abecedario – Pinalitan ng pangalan ang alpabetong Romano, at ito ay
tinawag ng abecedario.
4. Abakada – Taong 1940, binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong
alpabeto na nakilala sa tawag na Abakada dahil sa unang apat na titik
niyon. Ang orihinal na Abakada ay binubuo ng dalawampung titik:
labinlimang katinig at limang patinig. Pagdating ng 1971, dinagdagan
ang abakada ng labing-isang titik kaya ito ay binubuo na ng
tatlumpong isang titik.
5. Ang Alpabetong Filipino – Noong Agosto 6, 1987, ipinasa ng Linangan
ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na
may pamagat na “Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.” Simula noon hanggang sa kasalukuyan, angating alpabeto ay
nagkaroon na ng dalawampu’t walong titik na tinatawag nang pa-
Ingles maliban sa Ñ.
5
- Sa pamamagitan ng 1987 Saligang Batas, naitatag ang Filipino
bilang wikang pambansa na siyang pumalit sa naunang pangalan
na Pilipino.
- Kung ang noo’y wikang pambansa na Pilipino ay nakabatay lamang
sa Tagalog ang wikang pambansa naman na Filipino ay nakabatay
na sa lahat ng wika sa Pilipinas, kasama na ang Ingles at Kastila.
- Mula 20 letra ng Tagalog, naging 28 letra ang Filipino. Idinagdag ang
8 letra na c, f, j, ñ, q, v, x at z.
- Mula 1987 hanggang sa kasalukuyan, ang wikang Filipino na ang
siyang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas.
6
Ang Morpolohiyang Filipino
- Morpema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na
nagtataglay ng kahulugan.
- Ang morpolohiya ay tinatawag din na “palabuuan”.
- Pagbabagong Morpoponemiko
a. Asimilasyon: pambata = pang + bata
b. Pagpapalit ng Ponema: marami = ma + dami
c. Pagpapalit-diin: baliTAan = baLIta + -an
d. Metatesis: niligaw = in- + ligaw
e. Pagkakaltas: takpan = takip + -an
f. Gradasyon: regaluhan = regalo + -han
g. Reduksyon: teka = hintay + ka
Sintaks
- Ang sintaks ay ang makaagham na pag-aaral at pagsusuri ng mga
pangungusap.
- Dalawang Ayos ng Pangungusap
a. Karaniwang Ayos – nagsisimula sa panaguri at nagtatapos sa
simuno.
Halimbawa: Nagsinungaling si Janeth Napulesya.
b. Di-Karaniwang Ayos – nagsisimula sa simuno at nagtatapos sa
panaguri.
Halimbawa: Si Janeth Napulesya ay nagsinungaling.
- May dalawang klasipikasyon ang pangungusap: Uri ng Pangungusap
Ayon sa Gamit at Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
- Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
a. Paturol o Pasalaysay – nagsasalaysay ng isang katotohanan o
pangyayari at nagtatapos sa tuldok.
Halimbawa: Si Jose Rizal ay ang ating pambansang bayani.
b. Patanong – nagtatanong o nag-uusisa at nagtatapos sa
tandang pananong.
Halimbawa: Natutulog ba ang Diyos?
c. Pautos o Pakiusap – nag-uutos o nakikiusap at nagtatapos sa
tuldok o sa tandang pananong.
Halimbawa: Dalhin mo ang mga gamit sa kwarto.
d. Padamdam – nagsasaad ng matinding damdamin at
gumagamit ng tandang padamdam.
Halimbawa: Naku! Nabasag ang mamahaling pinggan.
7
- Pangungusap Ayon sa Kayarian
a. Payak - binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa.
- may apat itong kayarian: payak na simuno at payak na
panaguri, payak na simuno at tambalang simuno at
tambalang panaguri.
Halimbawa: Si Nicole ay mayumi.
b. Tambalan - binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isang
sugnay na di makapag-iisa.
- ginagamitan ito ng pangatnig na panimbang: at,
ngunit, o.
- ang sugnay na kasunod ng pangatnig na panimbang
ay isang sugnay na makapag-iisa.
Halimbawa: Si Monica ay matapat, ngunit si Adrian ay taksil.
c. Hugnayan - binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isang
sugnay na di makapag-iisa.
- ginagamitan ito ng pangatnig na pantulong: dahil,
kung, nang.
- ang sugnay na kasunod ng pangatnig na pantulong ay
isang sugnay na di makapag-iisa.
Halimbawa: Masaya si Edil Mae dahil siya ay may bagong
laruan.
d. Langkapan - binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at
isang sugnay na di makapa-iisa.
- ginagamitan ito ng mga pangatnig na panimbang at
pangatnig na pantulong.
Halimbawa: Nang siya ay naging isang sirena, siya ay nakagat
ng jelly fish at siya ay na-ospital.
8
1. Pang-uring Panlarawan – nagsasabi tungkol sa anyo, laki, lasa, amoy,
hugis at iba pang katangian ng pangngalan at panghalip.
Hal.: Matamis ang tinda niyang mansanas.
2. Pang-uring Pamilang – nagsasaad ng dami o bilang ng pangngalan
at panghalip.
Hal.: Si Mang Baste ay nag-iisang lumaban sa criminal.
3. Pang-uring Pantangi – may anyong pangngalang pantangi na
naglalarawan sa pangngalan.
Hal.: Pinakapaborito ko sa lahat ang manggang Cebu.
4. Pang-uring Paari – mga salitang paari na tumuturing sa pangngalan.
Hal.: Ang mga tradisyon ay bahagi n gating kultura.
Kayarian ng Pang-uri
1. Payak – binubuo ito ng salitang-ugat lamang.
Hal.: sapat, tangi, dakila
2. Maylapi – binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.
Hal.: masipag, matiyaga, masarap
3. Inuulit – binubuo ito ng pag-uulit sa salitang-uagt o sa pang-uring
maylapi.
Hal.: baliw na baliw, magandang maganda, kaakit-akit
4. Tambalan – binubuo ng dalawang magkaibang salita.
Hal.: isip-bata, balat-sibuyas, hampaslupa
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay – nagbibigay ng simple o payak na paglalarawan sa isang
pangngalan o panghalip.
Hal.: Ang prinsesa ay maganda.
2. Pahambing – naghahambing ng katangian ng dalawang
pangngalan panghalip. Ginagamitan ito ng mas, lalo, di hamak,
lubha, kaysa at iba pa.
Hal.: Ang prinsesa ay mas maganda kaysa sa reyna.
3. Pasukdol – nagbibigay ng sukdulang paglalarawan o katangiang
nakahihigit sa lahat. Ang panghahambing ay higit sa dalawa.
Ginagamitan ito ng pinaka, napaka, hari ng, ubod ng, saksakan ng,
lubos na at iba pa.
Hal.: Pinakamaganda ang prinsesa sa lahat ng babae sa palasyo.
D. Pandiwa
- mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw.
Halimbawa: kain, inom, lipad
- Ang Pokus ng Pandiwa
1. Pokus sa Tagaganap o Aktor Pukos – ang paksa ng
pangungusap ay ang siayng gumagawa ngn kilos na sinasaad
ng pandiwa.
Halimbawa: Kumain si Loremed.
9
2. Pokus sa Tagatanggap o Benefaktib Pokus – ang paksa ng
pangungusap ay ang siyang pinaglalaanan ng kilos na sinasaad
ng pandiwa.
Halimbawa: Ipinagluto ng kanyang asawa si Elmerisa.
3. Pokus sa Sanhi – ang paksa ng pangungusap ay ang siyang
dahilan o sanhi kung bakit nagaganap ang kilos na sinasaad ng
pandiwa.
Halimabawa: Ikinatuwa ng publiko ang pagkapanalo ni
Pacquiao.
4. Pokus sa Ganapan o Lokatib Pokus – ang paksa ng
pangungusap ay ang lugar kung saan nangyayari ang kilos na
sinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Pinagpasyalan nila ang dagat sa Marigondon.
5. Pokus sa Gamit o Intrumental Pokus – ang paksa ng
pangungusap ay ang siyang ginagamit na bagay upang
maisagawa ang kilos na sinasaad ng pandiwa.
Halimabawa: Ipinanghalo ko ang sandok.
E. Pang – abay
- mga salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri o kapwa pang-
abay.
Halimbawa: Nagdasal nang mataimtim si Honesto.
F. Pang – ukol
- ay ang bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan,
panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa,
ari, balak o layon.
Hal.: laban sa, para sa, tungkol sa
10
d. Asimilasyon – integrasyon ng binasang teksto sa mga karanasan ng
mambabasa.
Mga Uri ng Pagbasa
Skimming – Ito ay isang mabilis sa pagbasa na nakakaya ng isang tao
na kung saan ang hinihangad na mambabasa ay ang makuha ang
buong kaisipan ng isang teksto.
Scanning – Ito ay ang paghahanap ng isang tiyak o partikular na
impormasyon sa isang pahina.
Tahimik na Pagbasa – Ito ay isang uri ng pagbasa gamit ang mga mata
lamang at walang puwang ang paggamit ng bibig.
Pasalitang Pagbasa – Ito ay isang pagbasa na ginagamitan ng mata
lamang at walang puwang ang paggamit ng bibig.
Study Speed na Pagbasa – Ito ang pinakamabagal na pagbasa at
ginagamit ito sa mga mahihirap na seleksyon.
Matulin na Pagbasa – Ito ay isang mabilis na pagbasa na kung saan
binabasa lamang ang mahahalagang bahagi batay sa layunin ngn
mambabasa.
11
Hal.: Ang boses ng bayan ang siyang dapat na mananaig.
2. May at Mayroon
May
a. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.
Hal.: May kasalanang ginawa sina Nicole at Adrian kagabi.
b. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pandiwa.
Hal.: May tumawa dahil sa nasabing balita.
c. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pang-uri.
Hal.: May magandang karanasan si Maya tungkol sa pag-ibig.
d. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng panghalip na panao sa
kaukulang paari.
Hal.: Ang mga anak ni Mang Juan ay may kani-kanila nang pamilya.
Mayroon
a. Ginagamit ang mayroon kapag may napapasingit na katag (kagaya
ng po, pa, din at rin) sa salitang sinusundan nito.
Hal.: Mayroon po kaming ipagtatapat sa inyo. (ang katagang
ginamit sa pangungusap ng ito ay “po”)
b. Ginagamit angn mayroon bilang panagot sa isang tanong.
Hal.: May pera ka ba? – Mayroon
c. Ginagamit ang mayroon kung nangangahulugan ng pagka-
maykaya o mayaman.
Hal.: Ang mga Garcia ay mayroon sa probinsya ng Cebu.
3. Kung at Kong
Kung
a. Ginagamit ang kung bilang isang pangatnig sa mga hugnayang
pangungusap; katumbas ng if sa Ingles.
Hal.: Kung may problema ka, puntahan mo lang ako.
Kong
a. Ang kong ay naggaling sa panghalip na panaong ko at
inaangkupan lamang ng ng.
Hal.: Ang tangi kong hangad ngayong taon ay ang makapasa sa
L.E.T.
4. Din/Daw at Rin/Raw
Din/Daw
a. Ginagamit ang din/daw kung ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
Hal.: Magpapatingin daw siya sa doctor ngayon.
Rin/Raw
a. Ginagamit ang rin/raw kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos
sa patinig at sa malapatinig na w at y.
Hal.: May handa raw tayo sa darating na kaarawan ni tatay.
5. Sina at Sila
Sina
a. Ang sina ay panandang pangkayarian sa pangngalan.
Hal.: Sina Fe at Maria ay pupunta sa Baguio.
Sila
12
a. Ang sila ay ginagamit bilang isang panghalip panao; katumbas ng
they sa Ingles.
Hal.: Sila ay pupunta sa Baguio.
Ang Mga Idyoma
Ang mga idyoma ay mga di—tuwiran o di-tahasang pagpapahayag
na may kahulugang patalinhaga. Ito ay di-literal kung kaya
nangangailangan ng konotativo at malalim na pagpapakuhulugan.
Mga Halimbawa:
putok sa buho - anak sa pagkadalaga
mababaw ang lupa - madaling umiyak
naglulubid ng buhangin- nagsisinungaling
magbatak ng buto - magtrabaho
nakahiga sa salapi - mayaman
magdildil ng asin - maghirap
balat-kalabaw - hindi marunong mahiya
magmahabang dulang - magpapakasal, mag-aasawa
nagpuputok ang butse- galit na galit
hilong talilong - litung-lito
13
At mula sa mamamayan.
7. Anadiplosis – pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o ng isang
taludtod.
Hal.: Ang mahal ko ay tanging ikaw
Ikaw na nagbibigay ng ilaw
Ilaw sa gabi na kay dilim
Dilim man o liwanag, ikaw ay mahal pa rin.
8. Pagtutulad o Simili – isang di tuwirang paghahambing ng magkaibang
bagay, tao o pangyayari pagkat gumagamit ng mga pariralang tulad
ng kawangis ng, parang at gaya ng.
Hal.: Tulad ng isang ibon, ang tao ay namamatay.
9. Pagwawangis o Metafor – isang di tuwirang paghahambing ng
magkaibang bagay, tao o pangyayari pagkat HINDI NA gumagamit ng
mga nabanggit na parirala sa itaas.
Hal.: Ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat.
10. Pagbibigay-katauhan o Personifikasyon – inaaring tao ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito
ng mga gawi o kilos ng tao.
Hal.: Nararamdaman ko siya sa pamamagitan ng haplos ng hangin.
11. Pagmamalabis o Iperboli – Lagpas sa katotohanan o eksaherado
ang mga pahayag kung pakasusuriin.
Hal.: Gutom na gutom si Juan na kaya niyang kumain ng isang
kalabaw.
12. Pagpapalit-tawag o Metonimi – ito ay ang pagpapalit ng
katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy.
Hal.: Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas. (Palasyo
– Presidente ng Pilipinas)
13. Pagpapalit-saklaw o Sinekdoki – ito ay ang pagbabanggit ng bahagi
bilang pagtukoy sa kabuuan.
Hal.: Apat na mga mata ang patuloy na tumititig sa kanya.
14. Paglumanay o Eupemismo – ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga
salitang magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng orihinal na salita.
Hal.: Ang kanyang kasintahan ay isang babaeng mababa ang lipad.
(Mababa ang lipad – Protityut)
15. Tanong Retorikal – ito ay isang tanong na hindi nman talaga
kakilangan ng sagot kundi ang layunin ay maikintal sa isipan ng
nakikinig ang mensahe.
Hal.: Natutulog ba ang Diyos?
16. Pagsusukdol o Klaymaks – paghahanay ng mga pangyayaring may
papataas na tinig, sitwasyon o antas.
Hal.: Mabilis na humupa ang hangin, napawi ang malakas na ulan,
muling sumilay ang liwanag ng araw na nagbabdya ng
panibangong pagkakataon para muling bumangon sa buhay!
17. Antiklaymaks – paghahanay ng mga pangyayaring may papababa
na tinig, sitwasyon o antas.
Hal.: Noon, ang bulwagang iyon ay puno ng mga nagkakagulong
tagahanga, hanggang sa unti-unting nababawasan ang mga
14
manonood, padalang nang padalang ang mga pumalakpak
at ngayo’y maging mga bulong ay waring sigaw sa kanyang
pandinig.
18. Pagtatambis o Oksimoron – ito ay ang paglalahad ng mga bagay na
magkasalungat upang higit na mapatingkad ang bias ng
pagpapahayag. Ito ay kadalasang mahaba.
Hal.: Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatawa: may lungkot at
may ligaya, may dilim at may liwanag, may tawa at may luha,
may hirap at may ginhawa, may dusa at may pag-asa!
19. Pagsalungat o Epigram – ito ay kahawig ng pagtatambis kaya nga
lamang ay maikli at matalinhaga.
Hal.: Natalo siya upang muling manalo.
20. Pag-uyam o Ironiya – ito ay isang pagpapahayag na may layuning
mangutya ngunit itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri.
Hal.: Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya
lang ang humahanga.
21. Paralelismo – isang pagpapahayag na may halos iisang istruktura.
Hal.: Iyan ang disiplinang militari: sama-samang lulusob sa mga
kaaway, sama-sama rin kaming mamamatay o sama-sama rin
kaming magtatagumpay.
22. Pagtawag – isang pahayag na nakikipag-usap sa isang karaniwang
bagay na wari nakikipag-usap sa isang tao.
Hal.: Pag-ibig, Oh kay lupit mo!
23. Pagtanggi – gumagamit ng panangging HINDI upang maipahayag
ang makabuluhang pagsang-ayon.
Hal.: Si Lucas ay hindi sinungaling, hindi lamang niya kaya ang
magsabi ng totoo.
24. Pagdaramdam – nagsasaad ng hindi pangkaraniwang damdamin.
Hal.: Nakakaawa ang sinapit niya. Dahil sa pagtataksil niya ay iniwan
siya ng kanyang asawa.
15
Mga Uri ng Anyong Tuluyan
NOBELA – mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata.
MAIKLING KWENTO – maikling katha na nagsasalaysay ng pang-araw-
araw na buhay na may iilang tauhan lang, pangyayari at may isang
kaintalan.
DULA – sinasadula at tinatanghal sa tanghalan.
ALAMAT – nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay.
PARABULA – katha mula Bibliya.
PABULA – kwentong may aral at hayop ang pangunahing tauhan.
TALAMBUHAY – akda sa kasaysayan ng buhay ng isang tao.
SANAYSAY – akdang tumatalakay sa isang paksa at naglalayong
maglahad ng opinion o pananaw.
TALUMPATI – binibigkas sa harap ng madla.
BALITA – naglalahad sa mga pang-araw-araw na mga pangyayari sa
lipunan, pamahalaan, industriya at iba pang paksang nagaganap sa
buong bansa.
ANEKDOTA – kwennto na ang pangyayari ay hango\ sa tunay na
karanasan, nakawiwili at kapupulutan ng aral.
EDITORYAL – isang sanaysay na naglalahad ng kuru-kuro o opinion ng
isang editor.
KASAYSAYAN – ito’y tala o mga nakasulat tungkol sa mga pangyayari
ng nakaraan.
MITOLOHIYA – kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, diyos at
dyosa at iba pang mga mahiwagang nilikha.
ULAT – nasusulat bunga ng isinasagawang pananaliksik, pagsusuri,
pag-aaral at iba pa.
Mga Uri ng Anyong Patula
TULANG LIRIKO – tulang naglalahad ng mga masidhing damdamin,
imahinasyon at karanasan ng tao at kadalasang inaawit.
TULANG PASALAYSAY – nagsasalaysay ng mga pangyayari sa paraang
pataludtod.
TULANG PADULA – tulang sinadyang isulat upang itanghal sa
entablado.
TULANG PATNIGAN – tula ng pagtatalo, pangangatwiran at tagisan ng
talino.
IBA’T IBANG URI NG TULANG LIRIKO
PASTORAL – naglalarawan ng tunay na buhay sa kabundukan
DALIT – awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen.
PASYON – aklat na naglalarawan ng pasakit at pagdurusa ni
Hesukristo.
ODA – nagpapahayag ng papuri at masiglang damdamin tungkol sa
isang paksa
ELEHIYA – madamdaming tula tungkol sa patay
SONETO – tulang binubuo ng 14 na taludtod
KANTA – madamdamin na tulang liriko na ang karaniwang pinapaksa
ay tungkol sa pag-ibig, pag-asa at kaligayahan.
16
PANUBONG – mahabang tula ng pagpaparangal o paghahandog sa
isang taong nagdaraos ng kaarawan o kapistahan.
IBA’T IBANG URI NG TULANG PASALAYSAY
EPIKO – mahabang tula tungkol sa magiting na pakikipagsapalaran at
kabayanihan ng isang taong may pambihirang katangian.
AWIT – tulang maromansa kung saan nakaharap sa mga
pakikipagsapalaran ang mga tauhan at hango sa tunay na buhay.
KORIDO – tulang maromansa kung saan ang mga tauhan ay may
kakayahang supernatural.
IBA’T IBANG URI NG TULANG PADULA
ZARZUELA – dulang musikal na karaniwang binubuo ng tatlong akto
tungkol sa pag-ibig, kasakiman at poot.
MORO-MORO – nagpapakita ng hidwaan at labanan ng Kristyano at
di-Kristyano
SENAKULO – pagtatanghal tungkol sa paghihirap at kamatayan ni
Hesus
TIBAG – ang paghahanap nina Reyna Elena at Constantino sa krus na
pinagpakuan ni Hesus
PANUNULUYAN – nagpapakita ng paghahanap ng matutuluyan nina
Maria at Jose para doon isilang ang sanggol na si Jesus
IBA’T IBANG URI NG TULANG PATNIGAN
DUPLO – paligsahan sa pangangatwiran na kadalasang masaksihan
sa paglalamay sa patay
BALAGTASAN – tagisan ng talino sa pamamagitan ng katwiran sa
pamamaraang patula.
KARAGATAN – dula tungkol sa isang prinsesa na sadyang humulog sa
isang singsing sa dagat. Kung sinuman ang lalaking makakakuha ng
singsing ay pakakasalan niya.
17
Mahabharata – pinkamahabang epiko ng buong daigdig na
naglalarawan sa kasaysayan ng pananampalataya sa India.
Uncle Tom’s Cabin – nagbukas sa mga mata ng Amerikano sa
kaapihan ng mga lahing itim at naging simula ng paglaganap ng
demokrasya sa buong daigdig.
18
BANTUGAN – isang prinsipe na ubod ng tapang at lakas. Namatay
siya at muling nabuhay.
INDARAPATRA AT SULAYMAN – itinuturing na alamat ng Mindanao.
Namatay si Sulayman at muling nabuhay.
EPIKO NG TAGALOG
KUMINTANG – kasaysayan ng pagsusugo ng Haring Soledan sa
kanyang tatlong anak na sina Bagtas, Mandukit at Dikyaw.
EPIKO NG MGA BISAYA
HINILAWOD – kasaysayan ng pag-iibigan ng mga Bathala ng mga
taga-Iloilo, Antique at Aklan. Pinakamahaba at pinakamatandang
epiko ng Panay.
LAGDA – kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaan.
MARAGTAS – kasaysayan ng mga nagsitakas na sampung datung
Malay dahil sa kalupitan ni Sultang Makatunaw ng Borneo.
EPIKO NG BIKOLANO
IBALON AT ASLON – hulwaran ng mabuting pamumuhay ng mga
taga Bikol.
EPIKO NG ILOKANO
BIAG NI LAM-ANG – Buhay ni Lam-Ang. Ito ay isang akda ni Pedro
Bukaneg. Ito ang pinakasikat na epiko ng mga Ilokano.
19
e. Zarsuela – dulang musikal na karaniwang binubuo ng tatlong
akto tungkol sa pag-ibig, kasakiman at poot.
Mga Tulang Maromansa:
a. AWIT – tulang maromansa kung saan nakaharap sa mga
pakikipagsapalaran ang mga tauhan at hango sa tunay na
buhay.
Halimbawa: Florante at Laura, Bahay ni Segismundo
b. KORIDO – tulang maromansa kung saan ang mga tauhan ay
may kakayahang supernatural.
Halimabawa: Ibong Adarna, Don Juan Tenoso, Bernardo
Carpio
20
e. Deogracias Rosario – ang Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas.
Mga akda: Dahil sa Pag-ibig, Walang Panginoon, Ang Geisha,
Dalawang Larawan at Bulaklak ng Inyong Panahon.
f. Severino Reyes – ang Ama ng Zarsuelang Tagalog. Mga Akda:
Walang Sugat, Mga Bihag ni Kupido, Huling Pati, Halik ng Isang
Patay at Kalupi.
g. Lope K. Santos – ang Ama ng Balarila. Mga akda: Banaag at
Sikat, Pangginggera.
PANITIKAN SA PANAHON NG MGA HAPONES
Iilan sa Mga Kilalang Manunulat
a. Liwayway Arceo – Mga akda: Uhaw ang Tigang na Lupa, Canal
dela Reina at Ang Mag-anak na Cruz.
b. Julian Balmaceda – Mga akda: Sino Ba Kayo, Dahil sa Anak, Ang
Palabas ni Suwan.
c. Francisco Rodrigo – Kilalang Akda: Sa Pula, Sa Puti
d. Narciso Reyes – Akda: Lupang Tinubuan
e. N.V.M. Gonzalez – Akda: Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan
PANITIKAN SA PANAHON NG REPUBLIKA HANGGANG SA KASALUKUYAN
Iilan sa Mga Kilalang Manunulat
a. Genoveva Edroza Matute – Mga Akda: Ako’y Isang Tinig,
Kwento ni Mabuti.
b. Teodoro Agoncillo – Akda: Maikling Kwentong Tagalog
c. Elpidio Kapulong – Akda: Planeta, Buwan at Mga Bituin
d. Amado Hernandez – Akda: Luha ng Buwaya
e. Liwayway Arceo – Akda: Nagbabagang Paraiso
f. Dominador Mirasol – Akda: Mga Halik sa Alabok
g. Lualhati Bautista – Mga Akda: Bata, Bata, Paano ka Ginawa?,
Gapo, Sakada, Dekada ’70 at Bulaklak ng City Jail
MGA SAGISAG PANULAT NG MGA PILIPINONG MANUNULAT
Emilio Aguinaldo – Rosalia Magdalo, Magdalo
Virgilio Almario – Rio Alma
Cecilio Apostol – Catulo, Calipso and Calypso
Francisco Baltazar – Balagtas
Andres Bonifacio – Agapito Bagumbayan, Maypagasa, Magdiwang
Felipe Calderon – Simoun, Elias
Jose Corazon de Jesus – Huseng Batute, Pusong Hapis, Luksang
Paruparo
Jose dela Cruz – Huseng Sisiw
Epifanio Delos Santos – G. Solon
Nestor Vicente Madali Gonzalez - N.V.M. Gonzalez
Marcelo H. Del Pilar – Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat, Siling
Labuyo, Kupang, Haitalaga, Patos, Carmelo, D.A. Murgas, L.O. Crame
D.M. Calero, Hilario, M. Dati
Severino Reyes – Lola Basyang
Fernando Ma. Guerrero – Fluvio Gil, Florisel
Amado Hernandez – Amante Ernani, Herininia de la Riva, Julio Abril
Emilio Jacinto – Dimas-ilaw, Pingkian
21
Nick Joaquin – Quijano de Manila
Graciano Lopez-Jaena – Bolivar, Diego Laura
Gen. Antonio Luna – Taga-Ilog
Juan Luna – J.B., Buan
Apolinario Mabini – Bini, Paralitico, Katabay
Jose Palma – Ana-haw, Esteban, Estebanes, Gan Hantik
Jose Maria Panganiban – Jomapa, J.M.P.
Pascual H. Poblete – Anak-Bayan
Mariano Ponce – Nanding, Tikbalang, Kalipulako
Dr. Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda – Jose Rizal, Dimas-
alang, Laong-laan, Agno, Calambeño
Lope K. Santos – Anak-Bayan, Doctor Lukas, Lakandalita
Dr. Pio Valenzuela – Madlang-Away
Jose Garcia Villa – Doveglion
22
DBS-PROFESSIONAL REVIEW CENTER
3rd Floor, Zamora Building, Rizal Avenue
Balangasan District, Pagadian City
Facebook account: PPRC FB group
Contact number: 0930-212-6654
FILIPINO
Piliin ang tamang sagot.
1. Sinong Pilipinong manunulat ang tinaguriang “Ama ng Zarsuelang
Tagalog”?
a. Aurelio Tolentino
b. N.V.M. Gonzalez
c. Alejandro Abadilla
d. Severino Reyes
2. Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na
“Kalipulako”.
23
a. Jose Dela Cruz
b. Antonio Luna
c. Mariano Ponce
d. Severino Reyes
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng M indanao?
a. Indarapatra at Sulayman
b. Alim
c. Bidasari
d. Bantugan
4. Ilang titik ang hiniram ng Alpabetong Filipino mula sa Alpabetong
Ingles?
a. 6 b. 7 c. 8 d. 9
5. Ang may-akda ng tulang “Ako Ang Daigdig”.
a. Alejandro Abadilla
b. Jose Corazon
c. Aurelio Tolentino
d. Amado Hernandez
6. Sabihin mo na ang totoo
Totoo at walang bahid ng kasinungalingan
Kasinungalingan ay ‘di ko tatanggapin
Tatanggapin lamang king ano ang totoo at nararapat sa akin
Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?
a. Anaphora c. Anadiplosis
b. Epipora d. Konsonans
7. Aling salita ang may klaster?
a. palma c. pluma
b. basta d. basket
8. “Ang aking pag-ibig ay tanging sa iyo lamang.” Ibigay ang ayos ng
pangungusap na ito.
a. payak c. karaniwan
b. tambalan d. di-karaniwan
9. Ipaglalaban kita dahil mahal kita.
Aalagaan kita dahil mahal kita.
Kailangan kita dahil mahal kita.
Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?
a. Anapora c. Anadiplosis
b. Epipora d. Konsonans
10. “Meron akong nalalaman. ‘Di ko sasabihin sa iyo.” Nasa anong
antas ng wika ang mga salitang nakasalangguhit?
a. Kolokyal c. pampanitikan
b. balbal d. lalawigan
11. Ito ang pinakaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong
Pilipino.
a. Alibata c. Diona
b. Cuneiform d. Abecedario
12. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha
bunga ng masidhing damdamin ng tao?
24
a. Bow – wow c. Ding – dong
b. Pooh –pooh d. Yoheho
13. Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?
a. Pilipino c. Tagalog
b. Filipino d. Wikang Pambansa
26
c. “Divina Comedia”
d. “Sa May Dakong Bukid”
35. Ito’y isang mahabang tulang pang-awit bilang handog sa isang
dalagang may kaarawan. Kilala rin ito sa Katagalugan dahil sa
pagpuputong ng koronang bulaklak na dalaga.
a. Senakulo c. Ensilida
b. Kurido d. Ang Panubong
36. Isang uri ng tula na binubuo ng labindalawang pantig bawat
taludtod sa isang saknong at inaawit ito nang marahan.
Pangunahing halimbawa ay ang “Florante at Laura”.
a. Ang Tibag c. Awit
b. Balagtas d. Dulaan
37. Isa sa mga ito ay kilalang isa sa malimit banggitin bilang tungkod
ng tulang Tagalog.
a. Inigo Ed. Regalado
b. Miguel de Cervantes
c. Virgilio S. Almario
d. Jose dela Cruz
38. Sinulat ito ni Rizal na tumatalakay sa mga suliraning panlipunan ng
bayan.
a. El Filibusterismo c. Noli Me Tangere
b. “Mi Ultimo Adios” d. “Bayan Ko”
39. Isa sa mga ito ay hindi kabilang sa ating matandang Pnitikan.
a. Epiko
b. kuwentong-bayan
c. alamat
d. moro-moro
40. Tinuturing na pinakamatandang epiko ng Pilipinas.
a. “Si Malakas at si Maganda”
b. “Alim”
c. Ibalon
d. “Biag ni Lam-ang”
41. Ang titik para sa “Himno Nacional Filipino” ay nilikha ni?
a. Jose Palma
b. Julian Balmaceda
c. Julian Felipe
d. Julian Panganiban
42. Naglalaman ng mga butyl ng karunungang kinapapalooban ng
mabuting payo na hango sa tunay na karanasan n gating ninuno.
a. Bugtong c. salawikain
b. talinghaga d. palaisipan
43. Karaniwang tauhan ng akdang ito ay mga hayop na ang layunin
ay ipa-alam ang mga kaugaliang dapat pamarisa.
a. Tugmaan c. pabula
b. alamat d. parabola
44. Ang sagisag na panulat ni Andres Bonifacio.
a. Anak-Bayan c. Anak-Dalita
27
b. Anak- Pawis d. Taga-Ilog
45. Ang pinakagamiting paraan sa pagsusulit ng sanhi at bunga.
a. Completion test c. Matching Type
b. True or False d. Multiple choice
46. Ang istruktura sa pagsusulat ng balita na tinatawag na “inverted
pyramid”.
a. maikling kuwento c. tula
b. lathalain d. .sanaysay
28
56. Sagisag na hindi kailanman ginamit ni Marcel H. del Pilar sa
pagsulat.
a. Piping dilat
b. Pupdok
c. Dolores Manapat
d. Basing Sisiw
57. Ang kahulugan ng: May bank account is in the red.
a. Nanakawan
b. Malapit na maubos
c. Nakapag-ipon
d. Bale-wala
58. Isang uri pamamatnubay kung saan ang mga reporter ay lumilihis
sa pamatnubay; lumilikha sila ng sariling paraan sa mga gawaing
pagulat.
a. Masining c. Kombensyunal
b. Di-kombensyunal d. Masaklaw
59. Isang uri ng tula na binubuo ng labindalawang panyig bawat
taludtod sa isang saknong at inaawit ito ng marahan. Pangunahing
halimbawa ay ang Florante at Laura.
a. Dulaan c. Balagtasan
b. Awit d. Kurido
60. Isa sa mga ito ay hindi kabilang sa ating matandang panitikan.
a. Moro-moro
b. Alamat
c. Kuwentong bayan
d. Kantahing bayan
61. Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na ito? Pinasyal ng
magkaibigan ang Star City noong isang buwan.
a. Sanhi
b. Direksiyon
c. Tagaganap
d. Tagapagtanggap
62. Aong uri ng tayutay ang pahayag na ito, Ang kabutihan mo sa
buhay ang magiging hakbang sa pag-unlad.
a. Pagtutulad
b. Pagwawangis
c. Pagpapalit-tawag
d. Personipikasyon
63. Panahon na upang magdilat ng mata at makisangkot sa mga
usapin. Ito’y nagpapahiwatig:
a. Umiwas sa usapin
b. Kalimutan ang usapin
c. Magising sa katotohanan
d. Idilat ang mga mata
64. Iyon lamang nakakaranas ng mga lihim na kalungkutan ang
maaaring makakilala ng lihim na kaligayahan. Ang mga pahayag na
ito ay nagsasaad ng:
29
a. Kagandahan ng buhay
b. Kapangitan ng buhay
c. Paghihikahos sa buhay
d. Kalungkutan ng buhay
65. Alin sa mga pangungusap ang walang paksa?
a. Nag-aawitan ang mga nasa loob ng simbahan.
b. Ibinigay ko na ang pera sa iyo.
c. Dumating ka sana sa oras.
d. Agosto na talaga.
66. Alin ditto ang mga salita na ang kahulugan ay iba sa kahulugan ng
mga salitang binubuo?
a. Pahayag
b. Tayutay
c. Ekspresyong idiomatiko
d. Salitang upemistiko
67. Tukuyin ang uri ng pangungusap na itong walang paksa. “Walang
anuman.”
a. Patanong
b. Panagot
c. Eksistensyal
d. Pormulasyong panlipunan
68. Anong kahalagahan ang maipababatid ng komunikasyon sa tao
sa mga pagkakataong may alitan sa pagitan ng mga miyembro ng
isang pamilya?
a. Napagtatagumpayan makamit ang mga pangarap.
b. Napag-uugnay ang mga pusong nagkakalayo.
c. Nakatatanggap ng mga bagong kaalaman.
d. Nakapagbibigay ng impormasyon.
69. Ano ang paraan ng diskurso kung sinasabi mong lahat ang mga
nagging karanasan at sinuong ng lampas-taong baha?
a. Pagsasalaysay c. Pangangatwiran
b. Paglalahad d. Paglalarawan
70. Bantas na ginagamit sa pagitan ng panlalaping ika at tambilang.
a. Panaklong c. Gitling
b. Tuldok d. Kuwit
71. Ang wastong salin ng “You are the apple of my eye.”
a. Masayahin ka pala
b. Ikaw ay mahalaga sa akin
c. Mansanas ang paborito ko
d. Katuwa-tuwa ka.
72. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap ng may paksa?
a. Mainit ngayon
b. May pasok ba bukas?
c. Kay ganda ng paglubog ng araw.
d. Nagbabasa sila sa aklatan.
73. Alin sa mga sumusunod ang di-mahalagang salik sa
pagtatalumpati?
30
a. Paksa c. Tagapakinig
b. Pagyayabang d. Okasyon
74. Nakapandidiri ang asong kalye na __________.
a. Dumihan c. ma-dumi
b. Dumumi d. madumi
75. Isang uri ng tsanel ng komunikasyon na gamit ang computer at
iba’t ibang network.
a. Software c. router
b. Website d. internet
31
a. Pangkasaysayan c. teknikal
b. Pangkultura d. pampanitikan
85. Isang disenyo ng pananaliksik na nagsisiyasat sa pamamagitan ng
palatanungan o pakikipanayam.
a. Sarbey c. Feasibility Study
b. Case Study d. Etnograpiya
86. Ang wastong kahulugan ng: The present problem is only a storm in
a teacup.
a. Bale-wala c. may galit
b. Buong puso d. matagumpay
87. Isang uri ng pamahayagan na nag-uulat ng mga tunay na
pangyayari batay sa pag-aaral, pananaliksik, o pakikipanayam at
isinusulat sa paraang kawili-wili.
a. Editoryal c. Lathalain
b. Pangulong tudling d. kumento
88. Uri ng pagsulat na ang pokus ay ang imahinasyon ng manunulat;
pukawin ang damdamin.
a. Malikhain c. teknikal
b. Jornalistik d. academiko
89. Ang mga salitang teka, saan, tena, dali ay nagtataglay ng
__________.
a. Asimilasyon c. pagkaltas
b. Metatesis d. tono
90. Tumutulong ito sa mga salitang nakapag-iisa at may kahulugan.
Kilala rin itong salitang-ugat.
a. Paglalapi
b. Malayang morpema
c. Di-malayang morpema
d. Morpemang leksikal
91. Tumutukoy ito sa taas-baba ng bigkas ng pantig ng isang salita
upang maging mabisa ang pakikipag-usap.
a. Diin c. Tono
b. Antala d. Segmental
92. Ang mga salitang tanaw, aliw, kamay, reyna ay mga halimbawa
ng _____________.
a. Diptonggo c. klaster
b. Pares minimal d. ponema
93. Alin sa mga sumusunod ang nararapat sa komunikasyon na
pasulat?
a. Pagkibit ng balikat
b. Maliksing mga mata
c. Lakas ng boses
d. Maayos na pagpapalugit
94. Ang wikang nabuo mula sa pangunahing wika ng isang lalawigan
na sinasalita sa ibang bayan ng naturang lalawigan ay tinatawag na
_______.
32
a. Ekolek c. etnolek
b. Dayalek d. sosyalek
95. Ang pariralang nalaglag-nahulog ay nagpapakahulugan ng
__________.
a. Magkahawig c. magkaparehas
b. Magkasalungat d. idyoma
96. Nakikipag-away ka sa speaker. Ito ay pakikinig na __________.
a. Pasibo c. may lugod
b. Masusi d. kombatib
97. Ito ang rutang dinaraanan ng mensahe ng tagapagsalita.
a. Konteksto c. Partcipant
b. Tsanel d. Pidbak
98. Ang katumbas na bigkas ng titik Q sa kasalukuyan ay: __________.
a. Ku c. kuyu
b. Kuya d. kyu
99. Anong paraan ng pagkuha ng Balangkas ang ginagamitan ng
sunud-sunod na tatlong tuldok para ipakita na may bahaging hindi
na sinipi sa talata?
a. Sinopsis c. Abstrak
b. Elipsis d. Sintesis
100. Dulog pampanitikan na nagbibigay ng diin ng sariling panlasa ng
bumabasa. Kilala rin ito bilang reader-response theory.
a. Antropolohiya c. Patalambuhay
b. Impresyonista d. Pansikolohiya
33