Pagbubuod 3

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAGBUBUOD

Session Guide Blg. 3

I. MGA LAYUNIN

1. Nakasusulat ng masinop na pagbubuod batay sa balangkas


2. Naipahahayag ang malikhaing ideya at pasiya bunga ng kritikong pag-iisip

II. PAKSA

a) Aralin 3: Masinop na Pagbubuod Batay sa Balangkas, pp. 18-23

Pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay: Malikhaing pag-


iisip, mabisang pakikipagtalastasan

b) Mga Kagamitan : brown paper, markers, tape, bond paper, mga tsart
ng pagbabalangkas

III. PAMAMARAAN

a) Panimulang Gawain

1. Balik-aral/ Pagganyak

• Pumili ng isang mag-aaral na mamumuno sa pagpapaawit ng mga


masisiglang awitin.

• Hikayatin ang ilang volunteers na ibahagi ang kanilang takdang


aralin. (Ang mga mag-aaral ay aatasan na bumasa ng teksto na
may 3-6 na talata at tutukuyin ang paksang pangungusap, mga
mapagpatibay na pangungusap at buod.

b) Panlinang na Gawain

1. Paglalahad : Modelling

• Isulat sa isang brown paper ang balangkas ng kuwento na “Ang


mga Hunyango” na matatagpuan sa pahina 18 ng Modyul.

11
Pamagat: “Ang mga Hunyango”

A. Batayang Ideya ng unang talata: Pabago-bago ang kulay ng


mga hunyango upang
bumagay sa uri ng kanilang
pinagpupugaran.
1. Mapagpatibay na pangungusap Nagkukulay-luntian sila
kapag nakalulan sa luntian
ding dahon.
2. Mapagpatibay na pangungusap Nagkukulay-kalawang sila
kapag nanunulay sa kulay
kalawang ring sanga.
B. Batayang Ideya ng pangalawang talata: Kakaiba rin ang kilos ng
mga hunyango.
1. Mapagpatibay na pangungusap Napahahaba nila ang
kanilang dila.
2. Mapagpatibay na pangungusap Mabilis nilang napakikiwal
ang sari-sariling dila sa
paghuli ng kulisap.
K. Batayang Ideya ng pangatlong talata: Kakatwa kung gumana ang
mga mata at buntot ng mga
hunyango.
1. Mapagpatibay na pangungusap Sa iisang tinginan,
magkasabay nilang
nakikita ang dalawang
magkahiwalay na
direksiyon.
2. Mapagpatibay na pangungusap Nakatutulong sa pagapang
na pag-akyat ang kanilang
buntot na nakapulupot sa
mga sanga.

2. Pagtatalakayan

• Gamit ang modelo, ipatalakay sa mga mag-aaral ang mga bahagi


ng balangkas.

 Pamagat
 Batayang ideya o paksang pangungusap
 Mga mapagtibay na pangungusap

• Ipabasa ang balangkas. Talakayin ang kuwento batay sa mga


sumusunod na tanong:

 Tungkol saan ang akda?


 Ano ang tatlong bagay na binanggit tungkol sa hunyango?
 Batay sa balangkas, ibuod ang mga nalaman mo tungkol
sa mga hunyango.

• Ipasubok sa mga mag-aaral na gumawa ng sariling balangkas.

12
• Ipabasa ang akda na pinamagatang “Mas Makapangyarihan Ang
Lalaki” sa pahina 21.

• Pangkatin ang mga mag-aaral na may 3-4 na kasapi bawat


pangkat.

• Maghanda ng isang balangkas na blangko.

• Gamit ang modelong balangkas, papunan ang bawat bahagi nito


ng mga detalye mula sa binasang artikulo.

Pamagat: “Mas Makapangyarihan


Ang Lalaki”
A. Batayang Ideya ng unang talata:

1. Mapagpatibay na pangungusap

2. Mapagpatibay na pangungusap

B. Batayang Ideya ng pangalawang talata:

1. Mapagpatibay na pangungusap

2. Mapagpatibay na pangungusap

K. Batayang Ideya ng pangatlong talata:

1. Mapagpatibay na pangungusap

2. Mapagpatibay na pangungusap

• Bilang gabay sa pagtukoy ng mga paksang pangungusap o


batayang kaisipan sa bawat talata, ibigay ang batayang tanong
na:

 Sa ilang dahilan iginigiit na ang mga lalaki ay mas


makapangyarihan? Ano ang mga dahilang ito?

• Ilathala ang pinunan na balangkas ng mga pangkat at ipaulat ito


sa mag-aaral.

3. Paglalahat

• Sumangguni sa pahina 22 sa bahagi ng “Tandaan Natin”.

• Ipatukoy kung anu-ano ang nilalaman ng balangkas.

Ito ay naglalaman ng:

 paksang pangungusap,

13
 batayang ideya,
 at mga mapagpatibay na pangungusap.
na hinati-hati sa ilang bilang o bahagi.

• Ipatukoy kung ano ang kahalagahan ng paggamit ng balangkas.

 Ito ay ginagamit upang mapadali at maging masinop ang


pagsulat ng buod

4. Paglalapat

Indibidwal na gawain:

• Pabuksan ang Modyul sa pahina 22.

• Ipabasa ang artikulo na pinamagatang, “Nakabibighani ang


Hawaii”.

• Hayaang gumawa ng kanya-kanyang balangkas ang bawat mag-


aaral gamit ang malinis na papel.

• Hayaang ihambing ang mga sagot nila sa kanilang katabi at sa


klase.

• Ipawasto ang balangkas kung mayroon mang pagkakamali ang


ilan sa mga mag-aaral.

5. Pagpapahalaga

• Ihalintulad ang balangkas sa isang kabinet o drawer na


pinaglalagyan ng mga damit at iba pang gamit.

 Ang kabinet ay nahahati sa mga lalagyan o compartments


upang maayos na maisalansan ang mga damit.

 Kagaya ng kabinet, ang balangkas ay nagsisilbing


organizer ng mga ideya upang maging mas masinop at
madali ang pagsusulat ng buod.

• Isulat ang nabuong pagpapahalaga sa balangkas.

IV. PAGTATAYA

• Gamit ang iwinastong balangkas, ipatala ang buod ng lathalain na


“Nakabibighani ang Hawaii”, sa sariling salita ng mga mag-aaral.

14
• Ipapaliwanag sa 3-5 na pangungusap kung paano nakatutulong ang
ginawang balangkas sa masinop at madaling pagsusulat ng buod.

• Ipapasa ang mga sagutang papel para sa kaukulang iskor na ibibigay ng IM.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

• Hikayatin ang mga mag-aaral na patuloy na bumasa ng mga akda at


lathalain mula sa diyaryo, magasin at aklat.

• Himukin ang mga ito na magsanay pang lalo sa pagbuo ng balangkas.

• Ipaalala na ang paggamit ng balangkas ay makatutulong sa mga praktikal


nilang gawain sa araw-araw kagaya ng paggawa ng report sa trabaho,
tala ng mga pangyayari sa buhay at iba pa.

15

You might also like