DLL - Lesson Plan - For Power Point

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE
LUCAO ELEMENTARY SCHOOL
Don Proceso Bautista Road, Lucao District, Dagupan City

Name of Teacher MYRNA M. DE SOLA Section MATUWA


Leaning Area FILIPINO 2 Time 9:00 – 10:00
Grade Level TWO Date MARCH 8, 2021

I. OBJECTIVES
A. Pamantayang pangnilalaman Nauunawaan ang isang salita sa pamamagitan ng pagsusuri ng
kakayahan nito upang magamit nang wasto at angkop sa
pakikipagtalastasan.

B. Pamantayan sa pagganap Nagagamit ang iba’t ibang istratehiya sa pagpapaunlad ng


talasalitaan at nagagamit ayon sa pakikipagtalastasan

C. Mga kasanayan sa pagkatuto Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao. (ako, ikaw,
siya, kami, tayo, kayo, sila)
F2WG-1g-3
F2WG-1i-3

II. Nilalaman: Paggamit ng mga Salitang Pamalit sa Ngalan ng Tao


(Ako, Ikaw, Siya, Kami, Tayo, at Sila)
III. Kagamitang Panturo:
A. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro. Pah. 61 – 62, Filipino 2 Quarter 3 Week 1
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pah. 146, 152, 153
Pang-Mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk. Pah. 146, 152, 156
4. Iba pang Kagamitang Panturo Power Point Presentation
Mga larawan, Rap
Kwento: Ang Matulunging Mag-anak

Pagpapahalaga: Pakikipagkapwa-tao

IV. Pamamaraan

A. Balik-aral Sagutin ang Gawain


Panuto: Piliin mo ang wastong panghalip panao para sa bawat
pangungusap. Gamitin mo ang larawan bilang batayan ng taong
nagsasalita. Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel.

1. (Ako, Ikaw, Siya) ang inyong bagong kapitbahay

2. (Sila, Siya, Kami) ang gaming guro sa Filipino

3. (Siya, Kayo, IKaw) ang masipag at matulunging


kapitan ng aming barangay.
4. (Ikaw, Tayo, Sila) ba ang gumawa ng iyong saranggola?

5. (Ikaw, Sila, Kayo) ang mga mag-aalaga sa mga taong


may sakit.

B. Paghahabi ng Layunin ng Pag-rap ng “Ako sa Paaralan”.


Aralin.
Ako, ako, ako (ikaw, siya) sa paaralan (3x)
Paghahawan ng Balakid Ako sa paaralan
Sumulat nang sumulat
At bumasa-basa
Sumulat-sulat katulad ng dagat (2x)

Itanong: Ano-ano ang mga salitang ginamit sa rap?

C. Paguugnay ng halimbawa ng
bagong aralin. Pagpapakilala sa sarili at nang kaniyang mga kaibigan
Ako ay si . Ikaw ay si at siya ay
si .

Tayo ay nasa ikalawang baitang.


Itanong:
Ano ang ginamit na salita sa pagpapakilala niya sa kanyang
sarili at ng kanyang mga kaibigan?

D. Pagtatalakay ng bagong Basahin at unawain ang kuwento


konsepto ang paglalahad ng
bagong kasanayan #1 “Ang Matulunging Mag-anak”

Ang mag-anak na Reyes ay likas


na matulungin.
Sila ay nagpunta sa kalapit na barangay
upang tulungan ang mga taong nasunugan.
Sina Aling Oneng at Mang Romy ang
nagbibigay ng pagkain. Sina Ben, Tina, at Leo ang tumutulong
sa pag-eempake ng mga pagkain na
ipapamigay. “Ako na ang maglalagay ng noodles sa supot,”
ang sabi ni Ben.
“Ikaw naman, Tina, ang maglalagay ng mga de lata. Siya
naman ang maglalagay ng mga bigas,” sabay turo ng
dalawang bata kay Leo.

Sagutin ang mga tanong


1. Sino ang maglalagay ng noodles sa supot?
2. Paano ito sinabi ni Bea?
3. Paano naman sinabi ni Bea ang gagawin ni Tina?
4. Anong salita ang ginamit niya?
5. Sino ang tinutukoy ng mga bata na magtitimbang ng bigas?
6. Anong salita ang ginamit bilang pamalit sa pangalan ng tauhan?
Pagpapahalaga:
Paano mo ipapakita ang pakikipagkapwa-tao sa iba?

E. Pagtatalakay ng bagong Narito ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao.


konsepto ang paglalahad ng bagong Ang mga salitang ginagamit sa ngalan ng tao ay tinatawag na
kasanayan #2 Panghalip Panao.
 Ang Ako ay panghalip panao na ginagamit sa ngalan ng taong
nagsasalita.
Halimbawa: Ako si Lito. Pitong taong gulang.
 Ang Ikaw ay panghalip panao na ginagamit bilang pamalit sa
ngalan ng taong kinakausap.
Halimbawa: Ikaw ba ang bago kong kaklase?
 Ang Siya ay panghalip panao na ipinapalit para sa ngalan ng isang
taong pinag uusapan
Halimbawa: Siya si Gng. Myrna de Sola. Siya ang aming guro sa
ikalawang baitang.
 Ang Kami at Tayo ay panghalip panao na ipinapalit kapag kasama
ang taong nagsasalita at ngalan ng kinakausap
Halimbawa: Kami ay magkaklase sa ikalawang baitang.
Tayo ay sabay-sabay na pumapasok sa paaralan.
 Ang Kayo ay panghalip panao na ginagamit bilang pamalit sa
ngalan ng taong kinakausap na dalawa o higit pa.
Halimbawa: Kayo ang maglilinis ng silid-aralan
 Ang Sila ay panghalip panao na ipinapalit sa mga ngalan ng taong
pinag-uusapan.
Halimbawa: Sila ang mga bago kong kaibigan.
F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo Panuto: Punan ng wastong panghalip panao ang bawat patlang
sa Formative Assessment) upang makabuo ng pangungusap. Piliin ang angkop na panghalip
panao sa loob ng panaklong

1. Matalinong bata si franco


(Ako, Siya, Tayo) ay masipag na bata.
2. Tumutulong sa gawaing bahay sina Marie at Nariz.
(Ako, Kami, Sila) ay matulungin.
3. Ako at ang aking mga kapatid ay kumakain ng masustansyang
pagkain.
(Tayo, Kami, Ikaw) ay malulusog
4. Ikaw at ako ay katulong ni nanay sa mga Gawain
(Sila, Kami, Tayo) ay masipag.
5. Si Louie ay masayahing bata.
(Siya, Sila, Tayo) ay lagging tumatawa.

G. Paglalapat ng aralin sa pang Panuto: Palitan mo ng wastong Panghalip Panao ang pangngalang
araw-araw na buhay. ginamit sa pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.

1. Si Susan ay matulungin sa kapwa.

a. Kami b. Siya c. Tayo d. Sila

2. Ikaw, Ako at si Peter ay magsisimba sa darating na lingo.

a. Tayo b. Sila c. Kayo d. Kami

3. Ako at ang aking mga kapatid ay dadalaw sa aming lolo at


lola bukas.

a. Sila b. Siya c. Tayo d. Kami

Sina Angel at Angela


4. ay magkapatid.

a. Kami b. Siya c. Tayo d. Sila

5. Inutusan si Ely ng kanyang nanay kaninang umaga upang


bumili ng suka.

a. Tayo b. Kami c. Siya d. Sila

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang panghalip panao?


Kailan ginagamit ang ako? ikaw? siya? tayo? At sila?

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat mo sa iyong sagutang papel ang panghalip panao na
ginamit sa bawat pangungusap.

1. Kami ay sama-samang kumakain tuwing hapunan.


2. Ako ay lagging nagmamano sa mga nakakatanda sa akin.
3. Tayo ay naatasang maglinis n gating silid-aralan.
4. Sila ang mga kaibigan ng aking kapatid.
5. Umiinom ako ng walong baso ng tubig araw-araw.

J. Karagdagang Gawain para sa Panuto: Palitan mo ng wastong panghalip panao ang mga salita na
takdang - aralin nasa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Naliligo na (sina ate at bunso) .


2. (Si ate at si nanay) ay maagang umalis para
pumunta sa kabilang bayan.
3. (Ikaw, Ako at si kuya) ay inutusan ni nanay na umigib
ng tubig sa balon.
4. (Tumutukoy sa sarili) na ang maghuhugas ng plato
ngayong gabi.
5. (Si May, Ruben at tito Rudy) ang kumuha ng bigas sa
sako.

Prepared By:

MYRNA M. DE SOLA
Noted: Teacher II

GARY B. DESOLOC
Principal III

You might also like