Ap2 - Q3 - Modyul 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan — Modyul 2
Kalagayan at Suliraning
Pangkapaligiran ng Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Kalagayan at Suliraning Pangkapaligiran ng
Komunidad
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Eric S. Carangan
Angelica Beltran
John Alvin M. Nahil
Charito N. Laggui
Virgilio N. Laggui

Tagasuri ng Nilalaman: John Alvin M. Nahil


Tagasuri ng Wika: John Alvin M. Nahil, Charito N. Laggui
Tagasuri ng Paglapat: John Alvin M. Nahil
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng 2021


Department of Education – Schools Division of Bulacan
Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: [email protected]
2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan — Modyul 2
Kalagayan at Suliraning
Pangkapaligiran ng Komunidad
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-
aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,


pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa


iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang
unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 2.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin.

• Leksyon 1 – Mga Kalagayan at Suliraning


Pangkapaligiran ng Komunidad
• Leksyon 2- Mga Paraan Nararapat Gawin Upang
Mabigyang Solusyon Ang Mga Suliraning
Pangkapaligiran.

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay


inaaasahang:

1. natutukoy ang mga kalagayan at suliraning


pangkapaligiran ng isang komunidad;
2. naiisa-isa ang mga suliraning pangkapaligiran ng
isang komunidad; at
3. nakagagawa ng isang simpleng paraan kung paano
mabibigyang solusyong ang mga suliraning
pangkapaligiran ng komunidad.

1
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap o
pahayag. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang
sagot.
1. Ano ang maaaring mangyari kung mali ang paraan
ng pagtatapon mo ng basura?
A. lilinis ang kapaligiran
B. magbabara ang mga kanal o daluyang tubig
C. magkakaroon ng kapayapaan sa paligid
D. magiging kaaya-aya sa paningin ang paligid
2. Araw ng pagkuha ng basura sa inyong lugar, alin ang
iyong gagawin upang makatulong ka sa mga
nangonglekta ng basura?
A. ilagay ng maayos sa lugar ang plastik ng basura
at talian
B. isabog ang mga basura at ipalinis ito sa kanila
C. itago na lamang sa loob ng bahay ang basura
D. itapon na lamang ang mga basura sa
bakanteng lote

3. Ang pagsisiga o pagsusunog ng basura ay maaaring


magpahina sa katawan ng tao. Ano ang maaari mong
gawin upang maiwasan ang ganitong klase ng gawain?
A. pagbabaon ng plastic at mga bagay na hindi
nabubulok.
B. pagreresiklo sa mga bagay na maaari pang
magamit.
C. pagtatapong ng basura sa ilog.
D. paunti-unting pagsusunog ng basura.

2
4. Ang suliraning tungkol sa basura, baradong mga
kanal ay dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan at
ng bawat mamamayan?
A. hindi sigurado
B. maaari
C. mali
D. tama

5. Alin sa mga simpleng paraan sa ibaba ang maaari


mong gawin upang makatulong ka sa paglutas sa
suliraning pangkapaligiran ng inyong komunidad?
A. pagkakalat ng mga basura sa parke
B. paglilinis ng sariling bakuran araw-araw
C. pagsusunog o pagkakaingin sa mga
kagubatan
D. pamimitas ng makukulay na bulaklak sa hardin

3
Balikan

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng


pangungusap at MALI kung hindi.

______1. Ang mga likas na yaman ay biyayang kaloob ng


Maykapal na dapat ingatan at pangalagaan.
______2. Ang Pilipinas ay mayaman o sagana sa mga likas
na yaman.
______3. Marami na sa mga likas yaman natin ang nasisira
dahil sa kapabayaang ginagawa ng marami sa atin.
______4. Nauubos o mawawala din ang mga likas na
yaman kung hindi ito mapangangalagaan ng tama.
_____5. Kailanman ay hindi magugutom ang mga Pilipino
kahit hindi alagaan ang mga likas yaman nito.

4
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang tula. Bigyang pansin ang
mga suliraning pangkapaligirang at ang paraan kung
paano ito masosolusyunan.
Komunidad ko, Aalagaan ko
ni: G. Eric S. Carangan

Problema sa basura ay dapat laging bigyang pansin.


Pagreresiklo ng patapong mga bagay ay ugaliin natin
Pagdidilig at pagwawalis ay malaking ambag na din.
Upang polusyon sa paligid ay maagapan natin.

Tirahan ng mga lamok, ipis, at daga ay linisin


Upang lahat ng peste sa paligid ay di tayo guluhin.
Mga baradong kanal sabayan nating linisin.
Upang pagbaha kung may pag-ulan ay maiwasan natin.

Paglalagay ng basurahan ay isang magandang gawain.


Upang masiguradong kalat ay masisinop natin.
Illegal logging, dynamite fishing at mga maling gawain
Dapat nating ihinto para sa magandang kinabukasan
natin.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano-ano ang mga suliraning pangkapaligirang
nabanggit sa binasang tula?
2. Bakit kaya kailangan nating linisin ang mga baradong
kanal o daluyan ng tubig sa ating komunidad?
3. Tama kayang iresiklo natin ang mga bagay na maaari
pang pakinabangan?

5
4. Paano ka makakatulong sa mga suliraning
pangkapaligiran sa inyong komunidad?
5. Sino sa palagay mo ang dapat mangalaga sa ating
kapaligiran?

6
Suriin

Ganito Ang Aming Komunidad Noon

Ano ang mga suliraning pangkapaligiran ng inyong


komunidad? Alam mo ba kung paano ito
masosolusyunan? Ano kaya ang maaaring mangyari kung
hindi ito mabigyan ng tamang pagganap?
Bilang isang mabuting kasapi ng pamayanan,
tungkulin mong malaman ang kalagayan at suliraning
pangkapaligirang kinahaharap ng inyong komunidad.
Kinakailangan mong malaman ang mga gampanin
mo bilang isang responsableng bata upang makatulong
ka sa paglutas ng mga suliraning ito.
Narito ang ilan sa mga suliraning pangkapaligirang
kinaharap ng aming komunidad noon at ang mga
paraang ginawa ng mga mamamayan upang
masolusyunan ang problemang ito.
7
Problema sa basura
Tapon dito, tapon
doon. Iyan marahil ang
isang naging dahilan ng
biglaang pagdami ng
mga lamok, langaw, ipis
daga at mga peste sa
aming komunidad noon.
Nagkalat ang mga
nabubulok
Kung kayaat hindi
dumami rin ang naitalang bilang ng
nabubulok
nagkasakit na mgamga
noong basura
panahong iyon. Ito rin ang
kung saan-saan.
itinuturing na isa sa mga dahilan kung bakit
naapektuhan ng matinding pagbaha ang aming
komunidad. Nagbara ang mga kanal o daluyan ng
tubig dahil sa mga basurang itinapon dito.
Kaya sa
naranasang
problemang ito ng
aming komunidad ay
nagkaisa ang mga
mamamayan sa
pangunguna ng aming
kapitan sa paglilinis ng
mga kanal at daluyang
tubig. Naglagay ng
mga karatula at
babala para
Tinuruan din ng mga kawani ng aming barangay ang
mapanatili ang
bawat mamamayan ng tamang paraan ng pag-
kalinisan at kaligtasan
sasaayos at paghihiwalay ng mga nabubulok at di-
sa aming komunidad.
nabubulok na mga basura. Binigyan din ng libreng mga
pagsasanay ang lahat tungkol sa kahalagahan ng
pagreresiklo ng mga patapong bagay na maaari pang
8
magamit o mapakinabangan.
Polusyon sa hangin at tubig

Kawalan ng tamang disiplina ng ilan sa mga may-


ari ng pabrika ang itinuturong dahilan kung bakit naging
marumi ang hangin at ang ilan sa mga yamang tubig sa
aming komunidad. Marami ang mga nagkasakit at
lubhang naapektuhan ng maruming usok na ibinubuga
ng pabrika sa aming komunidad.
Nagkamatay ang mga isda at labis na nanganib
ang mga yamang tubig dahil sa nakakalasong kemikal
na itinatapon sa mga daluyang tubig. Halos naging kulay
itim ang mga katubigan sa aming pamayanan at ang
amoy nito ay lubhang hindi kaaya-aya.
Kaya naman naglabas ng ilang kautusan at
ordinansa ang aming barangay upang maagapan ang
problemang ito. Kumilos ang aming kapitan at iba pang

9
kawani ng aming barangay upang maipasara ang mga
pabrikang lumalabag at hindi sumusunod sa patakarang
itinakda.

Pagputol ng mga
puno
Ang pagkakaingin
at ang pagputol ng
mga puno sa
kagubatan ang isa
pang nakababahalang
suliraning kinaharap ng
aming komunidad
noon. Naubos at tila
nakalbo ang mga
sapagkat nawalan ang mga ito ng tirahan at
kagubatan sa aming
kinukuha rin ang ilan
lugar. Maraming mgasa kanila upang kainin o
pagkakitaan. Kaya naman nagtatag ng “Samahang
hayop sa kagubatan
Bantay
din angKagubatan”
nanganib ang aming barangay kung saan
naglalayong protektahan ang mga puno at ang
mga hayop sa kagubatan. Nagsagawa din ng mga
proyekto ang mga
kabataan sa aming
barangay na
naglalayong
makapagtanim ng mga
halaman at puno sa mga
lugar na apektado ng
“illegal logging” .
Nagtanim din sa mga
bakanteng loto ng aming
komunidad ng mga
halamang maaaring
10 kainin at pagkunan ng
pagkakakitaan.
Sa ngayon isa na ang aming komunidad sa
maituturin na may malinis,ligtas at maayos na
pamayanan sa aming lugar.Iyan ay dahil na rin sa
bunga ng aming pagtutulungan at pagkakaisa ng
bawat mamamayan sa pangunguna ng aming
butihing kapitan at mga opisyales ng aming
barangay.

11
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Tulungan mo ang mga bata sa kanilang gawain
upang may maibahagi sila sa pagpapanatili ng kalinisan
sa kanilang komunidad. Isulat mo sa limang mga paso
ang letra ng mga dapat nilang gawin.

a. pagtatanim ng mga halaman sa paso.


b. pagtatapon ng basura sa paligid ng palaruan.
c. pagwawalis sa bakuran ng bahay tuwing umaga.
d. pagsali sa mga programa ng barangay tungkol sa
kalinisan.
e. pagsisiga ng mgabasura gaya ng plastik.
f. pagpitas ng makukulay na bulaklak sa hardin ng
paaralan.
g. pagdidilig at pag-aalaga ng mga halaman sa
bakuran.
h. paglilinis ng mga basura sa daluyan ng tubig o
kanal.

12
Gawain B

Panuto: Kulayan ang masayang mukha kung ang


pangungusap ay nagsasaad ng tamang pagganap
upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at
malungkot na mukha naman kung mali.

1. Ang buong miyembro ng pamilya ay


mahalagang makiisa sa
pagpapanatili ng kalinisan sa inyong
komunidad.

2. Panoorin lang ang mga magulang


at nakatatandang kapatid sa paglilinis
ng baradong kanal o daluyan ng tubig

3. Sinisikap ng pamilya Cruz na


magtanim ng mga halamang gulay sa
kanilang bakuran upang sila ay may
makain at mapagkakitaan.

4. Sinisiguradong may takip o nakatali


ang mga basurahan upang maiwasan
ang mga ipis, langaw, daga at iba
pang mga peste

5. Ang mga batang tulad mo ay wala


pang magagawang tulong sa
pagsugpo ng polusyon sa tubig.

13
Isaisip
Panuto: Kumpletuhin ang kaisipan ng pangungusap sa
pamamagitan ng pagpili ng angkop na salita sa loob ng
kahon.

Ang kalagayan o suliraning ____________________ ay


isa sa mga seryosong problemang kinahaharap ng
bawat komunidad. Ang maling pagtatapon ng
____________________ sa paligid ay maaaring makaapekto
sa mga daluyang tubig o kanal na maaaring magreslta
ng pagbaha o pagdami ng mga peste gaya ng ipis,
langaw, lamok at daga.
Ang pagkakaingin at ____________________ sa mga
kagubatan, paggamit ng pampasabog o
____________________ sa panghuhuli ng mga isda at ang
____________________ sa hangin at tubig ang ilan pa sa
mga suliraning pangkapaligiran ng komunidad.

basura dinamita kemikal


pangkapaligiran pagputol ng polusyon
puno

14
Isagawa

Panuto: Gumuhit ng isang suliraning pangkomunidad sa


inyong komunidad. Sumulat ng pangungusap kung
paano ka makatutulong upang masolusyunan ito.

Rubriks sa Pagguhit:
Pamantayan Batayang Iskala sa
Puntos Pagmamarka
1.Naiguhit ng maayos at 5 Pinakamahusay
naipaliwanag ng tama ang
solusyong naisip sa
suliraning pangkapaligiran.
2. Naiguhit ng maayos 4 Mahusay
ngunit hindi naipaliwanag
ang solusyong.
3.Hindi kumpletong naiguhit 3 Karaniwan
at naipaliwanag ang
nagawang larawan.
4.Halos walang naiguhit o 1-2 Pagtatangka
nagawang paliwanag.

15
Tayahin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang
sagot na maaring maging resulta ng mga sumusunod na
gawain.

____1. Madalas o palaging paglilinis ng mga kanal o


daluyang tubig.
A. darami ang mga daga, ipis, langaw, at iba pang
mga peste.
B. maaaring lumala ang polusyon sa tubig.
C. maiiwasan ang pagbaha kung may pag-ulan o
bagyo.
D. magiging malinis ang bawat basurahan

____2. Pag-iwas sa pagsisiga o pagsusunog ng mga


basura.
A. maiiwasan ang pagbaha.
B. maiiwasan ang polusyon sa hangin
C. maiiwasan ang polusyon sa tubig
D. magiging makalat ang paligid

____3. Pagtatanim ng mga puno o halaman sa mga


bakanteng lote.
A. gaganda at magkakakulay ang paligid
B. makatutulong sa pagsugpo ng polusyon sa tubig
C. magkaroon ng pagbaha kung may pag-ulan o
bagyo
D. magkakaroon ng polusyon sa hangin
____4. Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan
A. darami ang mga halaman sa paligid.
B. durumi ang kapaligiran natin.
C. lilinis at magiging ligtas ang ating paligid

16
D. madaragdagan ang mga nagkakasakit sa
ating komunidad

____5. Pagsali sa mga programang pangkalinisan ng


komunidad.
A. darami ang mahihirap na matutulungan
B. lalawak ang kaalaman sa pagtitinda.
C. magkakaroon ng maraming kaaway
D. makatutulong upang higit na mapanatiling
malinis at maganda ang komunidad

17
Karagdagang Gawain

Panuto: Magtanong o mag-interview sa mga


nakatatanda sa inyong pamilya o komunidad. Isulat sa
iyong sagutang papel ang kanilang sagot sa mga
sumusunod na tanong.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-ano ang mga
suliraning
pangkapaligiran
kinahaharap ng
inyong komunidad?

2. Paano ka
makatutulong sa
paglutas ng mga
suliraning ito?
Rubriks sa Pagguhit:
Batayang
Pamantayan
Puntos
Maayos na nakapagbigay ng apat hanggang
5
limang suliraning pangkapaligiran na mayroon
ding solusyong.
Nakapagbigay ng apat hanggang limang
4
suliraning pangkapaligiran subalit kulang ang
naibigay na solusyon.
Nakapagtala lamang ng dalawa suliraning
3
pangkapaligiran at tamang paraan upang
malutas ito.

18
Nakapagtala ng isang suliraning
2
pangkapaligiran at paraan upang
masolusyunan ito.
Halos kulang ang mga impormasyon o
1
detalyeng naibigay o naitala.

19
20
Subukin Balikan Tuklasin
1. B 1. Tama Maaaring iba-iba ang
2. A 2. Tama maging sagot batay sa
3. B 3. Tama guro.
4. D 4. Tama
5. B 5. Mali
Gawain A Gawain B Isaisip Tayahin
1. A pangkapaligi 1. C
ran 2. B
2. C basura
3. D 3. A
pagputol ng 4. C
4. G puno 5. D
5. H dinamita
polusyon
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Araling Panlipunan 2: K to 12 Gabay Pangkurikulum.


Kagawaran ng Edukasyon. 2016

Araling Panlipunan 2: Most Essential Learning


Competencies (MELCs) Matrix. Kagawaran ng
Edukasyon. 2020

Cruz, Gloria M. et. al. Araling Panlipunan 2: Patnubay ng


Gabay ng Guro at Kagamitan ng Mag-aaral.
Kagawaran ng Edukasyon. Philippines. 2013

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: [email protected]

22

You might also like