EsP8 - Q4LAS Week 1.2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

8

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
IKAAPAT NA MARKAHAN

GAWAING PAGKATUTO
LINGGO 1.2
Republic of the Philippines
Department of Education

Pangalan: _______________________________ Paaralan: ___________________________


Sekyon:_________________________________ Petsa: _____________________________

EsP 8, Gawaing Pagkatuto


Ikaapat na Markahan Linggo 1.2

I – Panimulang Konsepto

“Honesty is the best policy.” Ito ay kasabihan na unang binanggit ni Benjamin


Franklin na nangangahulugan na “Ang katapatan ay ang pinakamahusay na patakaran.”
Ito ay nagpapahiwatig sa ating mga Pilipino na ang pagiging totoo at tapat lalo na sa salita at
sa gawa ay ang pinakamagandang patakaran na dapat nating gawin. Dahil kapag ikaw ay
tapat sa lahat ng pagkakataon hindi ka mababagabag at gaganda ang takbo ng iyong buhay.

II- Kasanayang Pampagkatuto

Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan

III- Mga Gawain

Gawain I
Panuto: Piliin mula sa kahon sa ibaba ang mga sagot sa mga inilalarawan ng bawat
pangungusap na tumutukoy sa umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan sa bawat
numero. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan bago ang numero.

*PAGSISINUNGALING *PAGNANAKAW * EXTORTION

*PANLOLOKO *PANGONGOPYA

_____________ 1. Ito ay tawag sa pagbaluktot sa katotohanan.


_____________ 2. Ito ay isang pandaraya, pagkukunwari o pagsisinungaling ng
tao upang makuha ang kanilang gusto.
_____________ 3. Ito ay ang pagkuha ng mga bagay na nagustuhan mo ngunit
hindi sa iyo.
_____________ 4. Ito ay ang sapilitang pagkuha ng isang bagay lalo na ng pera na
may halong panloloko o pananamantala.
_____________ 5. Ito ay paggaya sa sagot ng iyong kamag – aral sa isang pagsusulit o
takdang aralin.

2
Gawain II
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong
sa ibaba. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.

Pinagkunan: https://images.app.goo.gl/EjmFmL5kc7gihLZ7

1. Ano ang nagawang mabigat na pagkakamali ni Pinocchio kaya siya pinarusahan at


napahamak? Bakit niya ito ginawa?
2. Ano ang nangyayari kay Pinocchio kung siya ay nagsisinungaling?

3. Nagpapakita ba ng katapatan ang pagsisinungaling? Ipaliwanag.

Gawain III
Panuto: Magbasa at Matuto
Katapatan sa Salita
Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at madalas
na inaabuso; ang pagsisinungaling ay isang paraan ng pag – abuso rito. Ang pagsisinungaling
ay pagbaluktot sa katotohanan, isang panlilinlang. Ang anumang uri ng pagsisinungaling ay
kalaban ng katotohanan at katapatan.
Iba’t - ibang Uri ng Pagsisinungaling
A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying).
Ito ay madalas na ginagawa ng isang tao para sa isang taong mahalaga sa kaniyang
buhay. Ito ay pagsisinungaling upang iligtas ang isang tao na mapagalitan o kaya ay
mapahamak. Sa maraming pagkakataon, hindi man natin ninanais, hindi natin mapabayaan
ang taong mahalaga sa atin kung kaya napipilitan tayong magsinungaling para sa kanila.
B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya,
masisi o maparusahan (self – enhancement Lying).
Ito ay pagsisinungaling upang isalba ang sarili sa anumang kahihinatnan ng kaniyang
pagkakamali.

C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao


(Selfish Lying).

Ito ay pagsisinungaling na ang tanging iniisip ay ang pansariling kapakanan at hindi


iniisip ang makasakit sa kaniyang kapwa.

3
D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa(Anti – social Lying).
Ito ay pagsisinungaling na minsan kapag ikaw ay may galit sa isang tao, lumilikha
tayo ng maraming kuwento na makasisira sa kaniyang pagkatao. Ikakalat ito sa mga taong
nakakakilala sa kaniya na may hangarin na sirain ang pagtingin ng mga ito sa kaniya.

Marami pang ibang mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao. Ang mga
sumusunod ay ilan lamang sa mga ito:
a. Upang makaagaw ng atensiyon o pansin.
b. Upang mapasaya ang isang mahalagang tao.
c. Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao.
d. Upang makaiwas sa personal na pananagutan.
e. Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o
“malala”.
Ang pagsisinungaling sa edad na anim na taon ay kailangang bigyang tuon. Sa edad
na ito, ang isang bata ay marunong nang kumilala ng kasinungalingan at katotohanan.
Sa edad na pito, napaninindigan na ng isang bata ang pagsisinungaling. Nakakikilala
na sila ng pagkakaiba ng kanilang iniisip at kung paano paglalaruan ang kilos ng ibang tao
para sa kanilang sariling kapakanan.
Ang maagang yugto na ito ang pinakakritikal. Dahil kapag ito ay napabayaan,
magtutulak ito upang makasanayan na ang pagsisinungaling at maging bahagi na ito ng
kanilang pang – araw – araw na buhay.
Narito ang pitong (7) pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo:
1. Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga
pangyayari. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan, kalituhan, at hindi
pagkakasundo.
2. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon para sa mga inosenteng tao upang
masisi o maparusahan. Nangyayari ito sa mga pagkakataong ginagamit ang ibang tao upang
mailigtas ang sarili sa kaparusahan.
3. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari.
Sabi nga nila, minsan masakit talaga malaman ang katotohanan ngunit mas magiging masakit
kung ito ay pagtatakpan ng kasinungalingan.
4. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa. Ang pagtitiwala ay inaani mula sa patuloy na
pagpapakita ng magandang halimbawa ng katapatan sa kapwa.
5. Hindi mo kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang
mapanindigan ang iyong nalikhang kuwento. Sa mahabang panahon gagawin mo ito para
lamang mapagdugtong – dugtong ang mga kasinungalingang iyong kinatha.
6. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan –
isang birtud na pinahahalagahan ng maraming tao.
7. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng
seguridad at kapayapaan ng kalooban.

4
Ngunit may mga pangyayari na nagbubunsod sa tao upang itago ang katotohanan. Ito
ay bunga ng isang seryosong dahilan o obligasyon na kapag nilabag ay mas lalong
magdudulot ng pinsala hindi lamang para sa sarili kundi maging sa ibang tao. Ang pagtatago
ng totoo ay hindi maituturing na kasinungalingan.

May apat na pamamaraan ng pagtatago ng katotohanan ayon sa aklat ni Vitaliano


Gorospe (1974).
1. Pananahimik (Silence) – ito ay pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na maaaring
magtulak sa kaniya upang ilabas ang katotohanan.
2. Pag – iwas (Evasion) – ito ay ang pagliligaw sa sinumang humihingi ng impormasyon sa
pamamagitan ng hindi pagsagot sa kanyang katanungan.
3. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan (Equivocation) – ito ay
pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang kahulugan o
interpretasyon.
4. Pagtitimping pandiwa (Mental Reservation) – ito ay ang paglalagay ng limitasyon sa tunay
na esensiya ng impormasyon.
Mahalagang tandaan na ang ganitong mga pamamaraan sa pagtatakip o pagtatago ng
katotohanan ay hindi ginagamit sa lahat ng pagkakataon o sa kahit na anong dahilan. Ang
hindi mapanagutang paggamit na maaaring makasira ng panlipunang kaayusan at ng tiwala
ng kapwa.

Pagpoproseso:

1. Bilang kabataan, paano mo maipapakita ang iyong tunay na pagiging matapat sa iyong mga
salita?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________

Gawain IV
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga sitwasyon. Isulat sa espasyong
nakalaan ang maaari mong gawin upang ipakita ang iyong katapatan sa iyong mga salita.
1. Nawalan ng pitaka ang iyong kaklase na may laman ng kanyang allowance. Nagkataon na
sa oras na iyon ay nandoon ka sa inyong klasrum at nakita mong may pinulot na wallet sa
sahig ang isa mong kaklase. Ano ang gagawin mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Pinalitan ni Emy ang mga markang mababa sa kanyang card upang hindi siya pagalitan ng
kanyang ina. Upang hindi naman siya mapagalitan ng guro sa mga markang kanyang
pinalitan, sinabi niyang nawawala ang kanyang card. Ipinagtapat ni Emy sa iyo ang kanyang
ginawa. Bilang kaibigan ano ang gagawin mo?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5
Gawain V
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa
sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na
pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa espasyo bago ang numero.

A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.


B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o
maparusahan.
C. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa.
D. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao.
_______1. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman
totoo. Naiingit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.
_______2. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntu
nan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpanggap na
magulang niya.
________3. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na
nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at
ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na
nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.
_______4. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan.
Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam
niyang hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi
ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng mahigpit ng ama.
Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo
sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay.
_______5. Bilin ng iyong mga magulang na pahalagahan at unahin ang pag –aaral
bago ang lahat ng bagay na nais mong gawin. Niligawan ka ng crush mo na si Alex at sinagot
mo ito kahit alam mo ipinagbabawal ito ng iyong mga magulang. Dahil dito ay nagsibabaan
ang iyong mga marka sa klase. Tinanong ka ng iyong mga magulang kung ano ang dahilan
ng pagbaba ng iyong mga marka at sinabi mong nahihirapan ka lang sa mga asignatura kahit
alam mong ang totoong dahilan ay hindi ka makafocus sa pag – aaral dahil kay Alex.

IV- Repleksyon
Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng paggawa ng repleksiyon o analisasyon kung
paano mo isasabuhay ang katapatan sa salita at gawa batay sa sumusunod na pahayag. Isulat
ang sagot sa espasyong inilaan para sa iyo.

1. Huwag kang mag-atubiling magsalita kung napapanahon at huwag mong itago ang iyong
nalalaman na katotohanan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Huwag kang magsalita laban sa katotohanan at huwag mong kalilimutan, marami kang di
nalalaman. (Ecclesiastico 4:23)

6
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

V- Rubrik sa Pagpupuntos

Para sa Gawain 2 at 4

Nilalaman (Kompleto at maayos ang pagsunod sa uri ng – 2 puntos


anyong/gawain nahinihingi)
Organisasyon (Lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa) – 2 puntos
Gramatika – 1 puntos

Kabuuan – 5 puntos bawat sagot sa mga tanong

VI- Susi sa Pagwawasto

Gawain 3: Magbasa at Matuto: Ang sagot ay nakabatay sa mag-aaral

7
VII- Sanggunian

K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf. Retrieved on March 9, 2021, from


https://drive.google.com/file/d/1C44xF16DPcAP0NZWBU8eOTSbxuGdNA
eO/view?usp=sharing
Granada, N. (2013). K to 12 – grade 8: edukasyon sa pagpapakatao learning module
Retrieved on March 9, 2021, from https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-
8-edukasyon-sa-pagpapakatao-learner-module
odyul 12: Katapatan sa Salita at sa Gawa DLP pahina 71 – 92
Kwarter 4 –
https://bit.ly/3d0KPke
Modyul 12: Katapatan sa Salita at sa Gawa – Powerpoint Presentation
https://www.slideshare.net/michimado/esp-modyul-12
Mga larawan mula sa enternet:
Mga larawan ni Pinocchio
https://images.app.goo.gl/EjmFmL5kc7gihLZ7

Inihanda ni:

(Sgd) MA. TERESITA M. MAHILUM, JRA.


Gurong Manunulat

You might also like