Lesson-5 Tekstong-Prosidyural

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO
TUNGO SA
PANANALIKSIK
TEKSTONG
PROSIDYURAL
Teksto ng mga Paraan
LAYUNIN

Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa


binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig (F11PB-IIId-99)
TEKSTONG PROSIDYURAL
 Naglalahad ng mga serye o hakbang sa pagbuo ng
isang gawain upang matamo ang inaasahan.
 Tumutukoy ang prosidyural sa pagsusunod-sunod ng
mga hakbang o prosesong isasagawa.
 Ginagamit ang teksto ng mga paraan sa
pagpapaliwanag ng isang proseso na maingat na
ipinapakita ang bawat hakbang habang tinitiyak na
walang nakaligtaang hakbang sa kabuuan ng proseso.
TEKSTONG PROSIDYURAL
Halimbawa ng tekstong prosidyural:
 ang pagbuo ng isang proseso o laro,
 resipi sa pagluluto,
 proseso sa pagkukumpuni ng mga kagamitang elektrikal,
 ang mga hakbang sa laboratoryo habang nagsasagawa ng
eksperimento upang makakuha ng magandang resulta,
 ang pagbibigay ng direksiyon o tuntunin, at
 pagbibigay ng direksiyon o panuto.
LAYUNIN NG TEKSTONG PROSIDYURAL

 Layunin ng tekstong prosidyural na magbigay ng


mga impormasyon at direksiyon upang
matagumpay na matapos ng mga tao ang mga
gawain nang ligtas, epektibo, at tama.
LAYUNIN NG TEKSTONG PROSIDYURAL
Sa panahon ngayon maraming mga bagay ang sinasabi
nilang do-it-yourself o 'yung mga bagay na sa halip na
kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang
gagawa, nararapat lamang na marunong tayong umunawa
sa mga prosidyur na nakalakip dito.
GAMIT NG TEKSTONG PROSIDYURAL
 Maraming mag-aaral ang nagtatrabaho sa mga lugar
kung saan gumagamit ng mga manwal hinggil sa
paraan ng paggamit ng makina. Ang mga pagsasanay
sa pamamagitan ng teksto ng mga paraan ay
makatutulong upang maging matagumpay sila sa
pagsunod-sunod ng mga panuto at maging epektibo sa
paggawa ng kanilang mga gawain.
GAMIT NG TEKSTONG PROSIDYURAL
Ginagamit din sa teksto ng mga paraan ang pag-iisa-isa
o enumerasyon ng mga hakbang at proseso upang
maipaliwanag ang resipi sa pagluluto halimbawa o mga
detalye ng anumang gawain. Pakaisiping sa isang
proseso, dapat ay may maayos itong pagkakasunod-
sunod samantalang kung sa detalye naman, maiisa-isa
ito ayon sa pagkakatanda ng mga nagsasagawa nito.
3 URI NG PAGSUSUNOD-SUNOD NG DETALYE
Sekwensiyal Kronolohikal Prosidyural
binabanggit sa pinagsusunod-sunod pinagsusunod-sunod
sekwensiyal ang na araw o petsa upang ang mga hakbang o
pagsusunod-sunod ng ipabatid sa mga prosesong
pangyayari sa isang mambabasa kung isasagawa. Katulad
salaysay na kailan naganap ang nito ang mga resipi sa
ginagamitan ng pangyayari. Malimit pagluluto, proseso sa
salitang "una, gamitin ang mga ito sa pagkukumpuni ng
pangalawa, pagatlo, talaarawan o diary. mga kagamitang
"susunod", at iba pa. elektrikal, at iba pa.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TEKSTO NG MGA PARAAN
1. Layunin- Ano ang gusto mong matamo sa iyong
sulatin? Magbigay ng malinaw na panuto upang buong
tiwalang maisasagawa ng mga mambabasa o mga
nakikinig ang isang gawain.
2. Tagatanggap - Para kanino ka nagsusulat? Sa guro ba, mga
kapwa-mag-aaral, grupo ba?
3. Pagkakakilanlan- Sumusulat ka ba bilang awtoridad o
eksperto sa paksa?
MGA KATANGIAN NG MABISANG TEKSTO NG MGA PARAAN

1. Layunin. Ano ang dapat gawin?


2. Mga kagamitan. Nakatala ito ayon sa pagkakasunod-
sunod ng gamit nito sa proseso
3. Metodo. Ito ang mga pamamaraan o serye ng
mga hakbang.
4. Ebalwasyon. Paano masusukat ang tagumpay ng isang
pamamaraan o paraan:
MGA GABAY SA PAGSULAT NG TEKSTO NG MGA PARAAN
1. Karaniwan nang isinusulat ang teksto sa simple at
pangkasulukuyang panahon.
2. Tumuon sa pangkalahatan sa halip na sa sarili
("una, kunin mo"sa halip na una, kukunin ko). Ang
tinutukoy na pangkalahatan ay ang mambabasa.
3. Gumamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos
(putulin, hatiin, tupiin, hawakan, kunin, at iba pa.)
MGA GABAY SA PAGSULAT NG TEKSTO NG MGA PARAAN
4. Gumamit ng cohesive devices upang
mapagdugtong ang mga teksto.
5. Isulat ang pamamaraan sa detalyadong
pagkakaayos (maingat na gamitin ang gunting) saan
(mula sa itaas pababa); kailan (matapos kumulo).

6. Magdagdag ng detalyadong paglalarawan ng mga


bagay (hugis, laki, kulay, dami)
MGA COHESIVE DEVICES NA GINAGAMIT SA TESKTONG
PROSIDYURAL
LAYON MGA COHESIVE DEVICES
-Ganoon din/Gayundin
1. Pagdaragdag -at/at sa
-Bilang karagdagan
-Dagdag pa rito/riyan/roon
2. Kabawasan sa
-Maliban sa/sa mga/kay/kina
Kabuoan
-Bukod sa/sa mga/kay/kina
LAYON MGA COHESIVE DEVICES
-Bilang halimbawa
3. Halimbawa
-Ilan sa mga halimbawa

4. Pag-uugnay ng -Kaugnay nito/niyan


pangungusap o talata -Ilan sa mga halimbawa

5. Pagsusunuran ng
-Kasunod nito
Kalagayan o Pangyayari -Kasunod niyan
Mga Halimbawa ng
Tekstong Prosidyural
Paksa: ANG PAGGAWA NG PAROL
Mga Kakailanganin:
10 patpat ng kawayan, 1/4
pulgada ang lapad at 10 pulgada
ang haba
4 na patpat ng kawayan, 1/4
pulgada lapad
at 3 1/2 pulgada ang haba
papel de hapon o cellophane
tali
Unang hakbang:
Bumuo ng dalawang bituin gamit ang
mga patpat ng kawayan.
Ikalawang Hakbang:
Pagkabitin ang mga dulo ng kawayan
gamit ang mga inihandang tali.
Ikatlong Hakbang:
Ilagay sa gitna ng pinagkabit na kawayan
ang apat na patpat ng kawayan para
lumobo ang balangkas ng iyong parol.
Gayahin ang nasa larawan.
Ikaapat na Hakbang:
Balutin ng papel de hapon o cellophane ang
balangkas ng parol. Kung nais mong
gumamit ng iba't ibang kulay ay
puwede.Maaari mong gamitin ang pagiging
malikhain mo.
Ikalimang Hakbang:
Maaari mong palamutian ang iyong
parol ng mga palara. Maganda rin kung
lagyan ito ng buntot na gawa sa papel
de hapon.
RESIPI NG KARE-KARE
Mga Sangkap:
Paraan ng Pagluluto:
1 buntot ng báka Ihanda ang sumusunod na mga sangkap:
●Dikdikin ang bawang.
2 pata ng báka
1 taling sitaw ● Hiwain ang sibuyas, panggiIsa.
1 taling petsay ● Putol-putolin ang sitaw.
2 talong ● Hiwain ang petsay
½ tasang mani ● Hiwain nang pahalang ang talong.
½ tasang bigas
● Isangag ang mani at ang bigas. Dikdikin ito nang pinong-pino.
Atsuwete, asin
● Sa isang mangkok, lagyan ng isang kutsarang lihiya ang atsuwete.
Bawang, sibuyas
● Hiwain ang buntot at pata ng báka sa tamang laki. Palambutin.
Igisa ang bawang at sibuyas. Pagkatapos ay ihalo ang
pinalambot a buntot d pata ng báka. Isunod naman ang
sabaw na pinaglagaan ng buntot at pata ng baka. Timplahan
ng asin. Pagkulo, ihalo ang pinong bigas at mani. Isunod ang
mga hiniwang gulay. Pagkatapos ay kulayan ng atsuwete
upang pumula. Ngayong tapos na ang kare-kare ay maaari
na itong ihain. Gamiting sawsawan ang bagoong.
ADOBO PASTA
INGRID HERMENEGILDO AT ROSE VIVARES

Sa bawat pagdiriwang, okasyon o anumang handaan, putaheng


hinding hindi malilimutang isama sa menu: ang adobo. Nakagisnan na
ng ating mga ninuno na magluto ng manok na may suka at asin upang
tumagal ang preserbasyon ng pagkain. Nang dumating ang mga Tsino,
dala ang toyo, unti-unti nitong napalitan ang sangkap na asin. Sa
pagdating ng mga Espanyol, ipinakilala ang "adobado" na ngayo'y
tinatawag nating "adobo."At sa yugtong ito, isasagawa naman natin
ang aming bersiyon ng adob0 -ang adobo pasta
Mga sangkap:
1 kilo karneng baboy, hiniwa sa 25 ml mantika
katamtamang laki 1 kilo pasta
50 ml toyo 500 ml tubig
5 mg pamintang buo 6 piraso itlog, hardboiled
1 buong bawang 1 all purpose cream
250 ml Suka
2 piraso dahon ng laurel
Paraan ng pagluluto:

1. Ihalo ang asin at tatlong kutsarang mantika sa kaserolang may tubig at


pakuluin Kapag kumukulo na lagay na ang pasta. Pakuluan ito ayon sa
direksiyon paghahanda nito. Hanguin kapag ito'y malambot na at patuluin
ang tubig
2 lIagay ang karneng baboy, toyo, tubig, suka, asin, paminta, at dahon ng
laurel sa kawali. Takpan at hayaang maluto sa loob ng 15 minuto
3. Samantala, painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang sa limang
minuto.
4 llagay ang karneng baboy sa kawali nang may katamtamang
apoy maluto sa loob ng limang minuto
5. Sunod na ihalo ang natirang sabaw. Hayaan pang maluto
sa loob ng 30 minuto.
6. Pagkatapos ay idagdag ang all purpose cream upang
lumapot ang sarsa.
7. Kapag luto na, ihalo ang adobo sa pasta
8. llagay ang hinati na nilagang itlog sa ibabaw.
GAWAIN 4.B.: TARA, LUTO TAYO!

Sa gawaing ito, kailangan mong makipag-ugnayan sa


iyong ina, ama o sinomang nagluluto sa inyong tahanan.
Maging kabahagi ka sa pagluluto ng inyong pagkain,
pumili ng isang putahe na iluluto sa inyong bahay at
bumuo ng isang tekstong Prosidyural.

A4 bond paper
Margin (1 inch all side)
Mga Kinakailangang Gawin:
 Isulat ang mga sangkap na kakailanganin
 Isa-isahin ang mga pamamaraan kung paano ito lulutuin.
 Tiyaking may mga larawan kang isasama sa iyong teksto,
mula sa mga sangkap na kakailangin, habang nagluluto at
paghahanda ng niluto sa hapag-kainan.
TARA, LUTO TAYO!
Pamantayan ng Pagmamarka:
Mahusay na nailahad ang prosidyur- 15
May mga kuhang larawan ng ginawa- 15
Gumamit ng cohesive devices- 10

Kabuuan-
40

You might also like