BRB4 Aralin1to13 Filipino Modyul 1 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 84

Aralin 1: Tunog ng mga Letrang m, s, r, l, b, at a

Layunin
PA
Naibibigay ang tamang tunog ng mga letrang m, s, r, l, b, at a

Kagamitan

 Plaskards na may nakasulat na mga titik m, s, r, l, b, at a


 Takip ng mga stik-o na may nakasulat na titik m, s, r, l, b at a
 Larawan ng mga bagay na nagsisimula sa mga tunog na m, s, r, l, b, a
 Mga pahina ng lumang pahayagan
 Mga sipi ng papel na may nakasulat na mga titik.
 Manila paper na pagdidikitan ng mga plaskards ng mga titik at pandikit
 Babasahing kuwento

Kwentong Bulilit

Magandang Araw! Ngayong araw ay


tatalakayin natin ang Aralin 1 sa
pagtuturo ng pagbasa sa Filipino.

Opo, Titser. Masaya rin po ako na


maging bahagi ng pagkatuto ng
mga bata. Ano po ang gagawin ko,
Titser?

Basahin mo sa mga ang kuwentong “Sa Kaharian ng mga


Prutas”. Tiyakin mong:
 babasahin ang kuwento nang may tamang tono ng
boses, paggamit ng tamang ekpresyon ng mukha at
may kawili wiling lapat ng tinig ayon sa mga karakter
sa kuwento; at
 panatilihing komportable at interesado ang mga
batang makinig sa kuwento sa simula hanggang sa
matapos ito.

Salamat po, Titser! Isasagawa ko po


ang mga sinabi ninyo.

1
Magandang umaga mga bata. Ang kwento para sa inyo
ngayon ay may pamagat na “Sa Kaharian ng mga Prutas”.

SA KAHARIAN NG MGA PRUTAS


ni: Elvie Endrinal Seguera
Sa malayong lugar sa ibang bansa ay may kaharian ng mga prutas. Ang kahariang ito ay
napapaligiran ng mga puno ng mga prutas na maraming bunga. May mga puno ng mangga,
mayayabong na puno ng saging. May mga mapupulang rambutan, matatamis na lansones,
may mga kumpol ng bayabas at mapipintog na mga atis. Mga batang lalaki at mga batang
babae lamang ang nakatira sa kahariang ito. Ang lahat ng mga batang babae at lalaki ay
mahilig kumain ng prutas. Lahat sila ay malulusog. Hindi sila nagkakasakit. Malakas ang
kanilang mga katawan at masigla sila sa pakikipaglaro.
Ang kahariang ito ay pinamumunuan ng isang batang prinsipe na hindi mahilig kumain ng
mga prutas. Ang batang prinsipe ay mapayat at palaging may sakit. Hindi maliksi kumilos at
takot makipaglaro sa mga kapwa niya bata sa kaharian.
Isang araw habang nakadungaw ang batang prinsipe sa bintana ng kanyang kuwarto ay
nakita niya ang mga batang babae at mga batang lalaki na masayang namimitas ng mga
prutas tulad ng mangga, saging, rambutan, lansones, bayabas at atis. Nakita rin niyang
masaya ang mga bata habang kinakain ang mga prutas.
Naisip ng batang prinsipe na ang mga prutas ang nagpapalusog, nagpapasigla at
nagpapalakas sa mga bata. Dalidali siyang bumaba at pumunta sa grupo ng mga batang
kumakain ng mga prutas. Humingi siya at sinubukan ng prinsipe na tikman ang manga.
Nasarapan siya. Tinikman rin niya ang saging. Nagustuhan niya. Tinikmam niya ang isang
pirasong lansones at rambutan. May maliliit na buto ngunit naibigan rin niya. Natuwa siya sa
kulay berdeng bayabas at atis. Maraming mga buto ngunit nag enjoy siyang kainin ang mga
ito.
Araw araw ay ginagawa na ng prinsipe ang pagkain ng mga prutas. Lunes mangga ang
kinakain niya. Martes ay saging, Miyerkules ay rambutan, Huwebes ay lansones, Biyernes ay
bayabas, Sabado ay atis at sa araw ng Linggo ay nakikipaglaro ang prinsipe sa mga bata sa
kaharian.
Magmula noon ang prinsipe ay naging malusog, masigla, malakas at hindi na sakitin. Kaya
iniutos niya sa buong kaharian na magtanim pa ng maraming puno ng mga prutas.
At ang lahat ng mga bata sa kaharian ay lumaking malusog at matatalino.

2
Usapang Bulilit

Salamat at naisasagawa mo ang mga


dapat gawin bago at habang
nagkukwento.

Pagkatapos ko pong basahin ang


kuwento, ano na po ang susunod
kung gagawin?

Kailangan mong tanungin ang mga bata tungkol sa detalye


ng kuwentong binasa mo.
Itanong mo ang mga ito sa mga bata para malaman kung
naintindihan nila ang kwento.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino sa mga tauhan ang nais mong ihalintulad sa iyo?
Bakit?
3. Ano-anong mga prutas ang nabanggit sa kwento?
4. Alin sa mga nabanggit na prutas ang kinakain mo? Ano
ang lasa nito?
5. Paano nagbago ang pangangatawan ng Batang Prinsipe?
6. Tama ba ang kanyang naging desisyon? Bakit?
7. Anong gawi ang narinig ninyo sa kuwento na puwede
mong gayahin at isagawa araw-araw hanggang sa iyong
pagtanda?
8. Puwede mo bang ibahagi sa iyong mga kalaro ang
natutunan mo sa kwento? Bakit mo ito dapat isagawa?

Hamong Pambulilit

Ano po ba ang dapat kong gawin para matutong bumasa


ang mga bata?

3
Unang dapat matutunan ng mga bata ang mga tunog ng bawat
letra sa Alpabeto. Unang itinuturo ang tunog bago ang letra, tulad
ng pagbigkas ng salitang mama tunog ang ating naririnig at hindi
natin sinasabing letrang m, letrang -a, letrang –m , letrang -a.

Ano ano pong tunog ng letra ang una kung ituturo sa mga
bata at paano po ba?

Ituturo mo ngayon ang tunog ng mga titik na m, s, r, l, b, a. Sundin mo lang ang


mga sumusunod na hakbang:

Una, magpakita ka ng larawan mga prutas na narinig ng


mga bata sa kuwento. Idikit ito sa ¼ kartolinang kulay
puti. Ipakilala mo ang ngalan ng bawat larawan habang
binibigkas mo nang tama ang ngalan ng mga ito.

MGA LARAWAN NG PRUTAS:

MANGGA SAGING RAMBUTAN

LANSONES BAYABAS ATIS

4
Pang- apat, Ipakilala mo rin ang malaking letra na nakasulat sa plaskards at ang
tunog ng mga ito. Sabihin mo na ang maliit na letra ay may katumbas na malaking
letra ngunit pareho lang sila ng tunog.
Sabihin mo: ito ay tunog /M/ ito ay tunog /S/
ito ay tunog /R/ ito ay tunog /L/
ito ay tunog /B/ ito ay tunog /A/

Panglima , Ipakita ang manila paper na may


mga nakadikit na plaskards ng mga letra /
m/, /s/, /r/, /l/, /b/, /a/ /M/ /S/ /R/ /L/ /
R/ /A/ at ipabigkas ng lahatan ang mga
tunog ng bawat malaki at maliit na mga
letra. Bigyan ng pagkakataon ang lahat ng
mga bata na mabigkas nang tama ang
tunog ng mga letra na pinag – aaralan.

M m
S s
R r
L l
B b
A a

Gawaing Bulilit

Naging masaya ba ang pagtuturo mo ng mga tunog ng letrang m, s,


r, l, b, a ? Nag-enjoy ba ang mga bata sa kanilang pag-aaral ng
mga tunog?

Maraming salamat po , Titser! Sa tingin ko naman po ay nag- enjoy


ang mga bata. Nag-enjoy rin po ako, Titse. Ganun po pala ang
wastong pagtuturo ng tunog ng mga letra. Ano naman pong
pagsasanay ang pwedeng ibigay sa mga bata, para madali nilang
matandaan ang tunog ng mga letrang m, s, r, l, b, at a ?

5
Tama ka! Mas matatandaan ang mga bata ang tunog ng mga
letra ‘pag may mga aktibiti silang gagawin tungkol dito.

Paano ko po ito gagawin, titser?

Pasagutan mo sa mga bata ng mga aktibiti.

Pagsasanay 1 - Laro ( Reley ) Pangkatang Gawain


Kagamitan : Takip ng Stik-o na may mga nakasulat na mga titik
Mm, Ss, Rr, Ll, Bb at Aa
Panuto: Hatiin mo sa apat na grupo ang mga bata. Papilahin nang
tuwid ang mga bata ayon sa kanilang grupo. Bigyan mo ng katawagan
ang bawat grupo
Unang grupo - mangga
Ikalawang grupo – saging
Ikatlong grupo - rambutan
Ikaapat na grupo - lansones

1. Ipakita mo ang mga takip ng stik-o na may nakasulat na mga letrang Mm, Ss, Rr, Ll,
Bb, at Aa
2. Ipakita mo isa isa sa mga grupo ng mga bata ang takip ng stik-o.
3. Ipabigkas sa bawat bata ang tunog ng letra na ipapakita mo.
4. Sabihin mo sa bawat bata na kapag nabigkas nang tama ang tunog ng letra ay uupo
siya.
5. Ang may pinaka maraming bilang ng batang nakaupo ay ang grupo na siyang panalo.
6. Bigyan mo ng ribon ang grupong nanalo.

Pagsasanay 2 – Indibidwal na Gawain

Kagamitan : mga pahina ng lumang dyaryo

Panuto: Bigyan mo ang bawat bata ng tig- isang pahina ng lumang dyaryo.
1. Sabihin mo sa mga bata na gamit ang kanilang lapis ay bibilugan nila ang mga letra
na may tunog /r/ , /m/ , /l/ , /s/, /b/, /a/ at /M/ /S/ /L/ /R/ /B/ /A/

6
2. Sabihin mo sa mga bata na bibigkasin nila ang tamang tunog ng mga letra na kanilang
binilugan. Pwedeng sabay sabay ang pagbigkas.
3. Hayaan mo ang mga bata na bigkasin ang mga tunog sa katamtamang lakas ng boses.
4. Puwede mo ring ipabigkas ang mga tunog sa bawat bata.

C. Pagsasanay 3 -Karagdagang Gawain

Kagamitan : Sipi ng papel (activity sheet)na may nakasulat na


malaking titik sa kaliwa at malliit na titik sa kanan.

/ S/ / m/

/ L/ /a/

/ M/ /b/

/ R/ /s/

/ B/ /L/

/A/ /r/

Wow, Titser ang saya ng praktis na ginawa ng mga bata. Sa tingin ko


alam na ng mga bata ang tamang tunog ng maliit at malaking
letrang Mm, Ss, Rr, Ll, Bb, Aa. Ano naman po ang susunod na
gagawin ng mga bata para mamaster nila ang tunog ng mga letrang
itinuro ko kanina?

Tawagin mong isa isa ang bata at ipabigkas mo ang tunog ng


letrang Mm, Rr, Ss, Ll, Bb, Aa.

7
Galing Na Bulilit

Kagamitan : papel ng greyd one na may nakasulat na malaki at maliit


na titik Mm, Ss, Rr, Ll, Bb at Aa

Panuto: Bigyan mo ng kopya ang bawat bata. Tawagin isa isa ang bata at
ipabigkas ang tunong ng mga letra sa papel. Lagyan mo ng tsek /
ang guhit sa tapat ng bawat titik kung tama ang bigkas sa bawat
tunog.

1. M______ m_____
2. S_______ s _____
3. R______ r______
4. L_______ l______
5. B_______ b_____
6. A_______ a_____

8
Aralin 2: Pantig na Mabubuo sa mga Letrang Mm, Ss, Rr, Ll, Bb,
Aa

Layunin

P
Nababasa ang mga pantig na nabubuo mula sa mga letrang na m, s,
r, l, b, a

Kagamitan

plaskard ng mga letrang M, S, R, L, B, A


mga pantig na mabubuo sa mga letrang m, s, r, l, b, a na nakasulat sa takip ng boteng
plastik
tsart unang set ng mga letra (malaking kahon) na pagkukunan ng pantig na mabubuo

Kwentong Bulilit

Magandang araw Itutuloy po natin iyan ngayon,


po. Kumusta naman pero sisimulan po natin ang
po ang pagtuturo aralin sa pagkukuwento.
ninyo kahapon? Sabihin mo na ang kuwento
po natin ngayon ay tungkol sa
pamamasyal. Ito po ang ilang
pwedeng itanong sa mga
bata.
 Nakaranas na ba kayong
mamasyal?
 Saan ang paborito
ninyong pasyalan? Bakit?
 Sino ang madalas nyong
Magandang araw din po kasamang mamasyal?
Ma’am. Mabuti naman
po. Natutunan po nila
ang tunog ng mga letrang
m, s, r, l, b, a. Ok po, titser. Babasahin ko na
sa mga bata ang kwento.

9
Sa Tabi ng Lawa
Romana Dionisio

Isang Sabado, maagang nagpunta sa tabing lawa ang magkapatid na Mara at Lara
kasama ang kanilang lola Rosa upang silayan ang pagsikat ng haring araw. Binitbit nila ang
bayong ng kanilang lola sapagkat mabigat ito. Marami itong laman na pagkain para hindi
sila magutom sa kanilang pamamasyal.
Naupo sila sa may malaking bato, habang tinatanaw ang magandang sikat ng araw
at masayang nagkuwentuhan. Mayamaya’y nakaramdam ng gutom ang magkapatid. Isa-
isang inilabas ni Lola Rosa ang baon nilang pagkain. May mangga, saging, rambutan, lan-
sones, bayabas at atis.
“Wow! Masusustansyang pagkain. Salamat po, Lola” sabay na bigkas ng magkapatid
at niyakap nila ang kanilang Lola Rosa.
Matapos kumain, nag-aya nang umuwi ang kanilang Lola. Ika-siyam na ng umaga sa
relo niya. Masayang naglakad pauwi sina Mara, Lara at ang kanilang mahal na Lola Rosa.

Usapang Bulilit

Para malaman ‘nyo kung naunawaan ng mga


bata ang kuwento ay itanong ang mga ito sa kanila.
 Anong uri ng bata sina Mara at Lara?
 Paano ninyo nasabi na sila ay magalang?
 Bukod sa pagiging magalang ano pang
magandang katangian nila?
 Paano ninyo ipinapakita ang pagmamahal at
paggagalang ninyo sa nakatatanda?

Hamong Pambulilit

Balikan po muna dapat ang kuwentong


napakinggan ng mga bata. Itanong po kung
ano-anong salita ang narinig nila sa kwento na
nagsisimula sa mga letrang m, s, r, l, b, a.

Ok po, titser. Paano naman po ituro ang


pagbasa ng pantig sa mga bata, titser?

10
Una , tanungin po ninyo sila tungkol sa mga letrang pinag-aralan nila
kahapon. Pagkatapos, ipakita sa mga bata ang mga plaskard na may
nakasulat ng letrang m, s, r, l, b, a sa bawat isa.
 Ipabigkas ang tunog ng bawat letra sa bawat plaskard na ipakikita.
Halimbawa: plaskard ng letrang Mm. Ipasabi ang tunog /mmmmm/
at plaskard ng letrang Aa. Ipasabi ang tunog na / aaaaa/
 Pagsamahin ang dalawang tunog upang makabuo ng pantig
/mmm/ / aaa/ ipauit /mm/ /aa/ ipaulit nang mas mabilis /m/ /a/ ay
ma
 Iparinig sa mga bata ang tamang basa sa nabuong pantig.
 Ipabigkas muli ang nabuong pantig sa mga bata.
 Gawin ito ng paulit-ulit hanggang ang lahat ng tunog ay
magamit sa pagbuo ng mga pantig.
Halimbawa :
/m/ + /a/ = m /a/ + /m/ = am /m/ + /a/ + /s/ = mas
/s/ + /a/ = sa /a/ + /s/ = as /s/ + /a/ + /r/ = sar
/r/ + /a/ = ra /a/ + /r/ = ar /b/ + /a/ + /l/ = bal
/b/ + /a/ = ba /a/ + /b/ = ab /l/ + /a/ + /b/ = lab
/l/ + /a/ = la /a/ + /l/ = al /l/ + /a/ + /m/ = lam

 At panghuli, ipabasang muli lahat ng mga pantig na nabuo.

Naku titser, ganon po pala.


Salamat po.

Gawaing Bulilit

Narito po ang mga gawaing pwede n’yong ipagawa sa mga bata.

11
Pagsasanay A

Panuto: Pumili ng plaskard ng mga pantig at basahin ito.

ba am sa ab ra al

as ar ma la bar mas

Pagsasanay B
Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ipabasa ang pantig na nakasulat sa
plaskard. Ipahanap ang pantig na katulad nito sa mga pantig na nakasulat sa takip ng bote.
Ang unang makalima ang siyang panalo.

Pagsasanay C
Panuto: Ipabigkas ang mga tunog ng mga letrang nakasulat sa tsart nang pahalang, patayo
at pahilis. Sa loob ng 5 minuto, sumulat ng mga pantig na mabubuo mula sa mga letra sa loob
ng kahon. Ipakita sa isang ysart ang mga pantig na nabuo mula sa gawaing ito.

b m a s
a l r a
s a m b

Sigurado pong mag-eenjoy ang


mga bata sa mga gawaing iyan.

Opo, kaya nga po basta nakikinig


nang mabuti at nakikiisa ang mga
bata, siguradong matututo silang
bumasa.

12
Galing Na Bulilit

Eh, paano ko naman po malalaman na marunong na


talagan bumasa ng pantig ang mga bata?

Mas maganda po, isa-isa ninyo silang pabasahin gamit ang


plaskard. Habang bumabasa ang bata maaari po kayong
gumamit ng tseklist katulad nito. Lagyan po ninyo ng tsek
kada tamang basa nila. At yung hindi po nila alam, iyon po
ang magiging pokus ng pagsasanay nila.

Pangalan ng Mag-aaral m s l b r a a a a a m la r b s
a a a a a m s l b r a b a al a
s m b

1.
2.
3.
4.
5.

13
Aralin 3: Mga Salitang Nabubuo mula sa mga Pantig
na may Letrang m, s, r, l, b at a

Layunin

P
Nababasa ang mga salitang nabubuo mula sa pantig na may mga letrang ( m, s,
r, l, b, a)

Kagamitan

Plaskard ng mga pantig na may m, s, r, l, b, a tulad ng ma, sa, ra, la, ba, am, bal
at iba pa
Plaskard ng mga salitang ama, sara, masa, saba, basa, saba, balabal, bala at
bababa

Pero sisimulan n’yo po ang


pagkukwento sa pagtanong
Magandang umaga po. tungkol sa sarili nilang
Kumusta po kayo? karanasan tungkol sa kanilang
bakasyon. Heto po ang ilang
Kumusta po ang pag- halimbawang tanong:
tuturo n’yong mga pan-
tig kahapon?  Mga bata, anong
ginagawa ninyo kapag
bakasyon?
 Saan ang paborito ninyong
Magandang umaga din puntahan at sino ang mga
po titser. Mabuti naman kasama ninyo?
po. Natutunan po ng  Bakit gusto ninyong
mga bata ang pagbasa pumunta sa lugar na iyon?
ng mga pantig na may
letrang m, s, r, l, b, a. Sige po, Ma’am.
Pagkatapos po bang
magtanong, magku-
Ay salamat naman po. kuwento na?
Ngayon naman po ay
ituturo n’yo ang Opo.
pagbasa ng mga salita. Ok po.

14
Bakasyon

Nelda B. Aniana

Bakasyon na naman. Masayang masaya sina Sam at Sara. Madadalaw na naman nila
ang kanilang lolo at lola. Sabik na silang makarating muli sa malinis at maluwang na bakuran
ng kanilang lolo. Naghanda na sina nanay at tatay ng mga gamit na dadalhin pag-uwi sa
probinsya. Pero nawawala ang ipasasalubong nilang balabal para kay lola at sombrero
naman para kay lolo. Hindi nila ito makita. Hanap sila nang hanap sa mga ito. Maya-maya
nakita ni Sam ang balabal at sombrero. Nasa baba pala ito ng aparador. Tuwang-tuwang
sinalubong sila ng kanilang lolo at lola. Agad namang nagmano sina Sam at Sara sa kanila.
May handang nilagang saba sina lolo. Malasa ang mga ito. Masaya silang nagkwentuhan
habang kinakain ang meryendang inihanda sa kanila. Mahal na mahal nina Sam at Sara ang
kanilang lolo at lola.

Usapang Bulilit

Kapag tapos na po kayong magkuwento ay pwede na n’yo silang


tanungin upang malaman po kung naunawaan nila ang kuwento.
Itatanong po ninyo ang mga ito.
 Saan nagbakasyon sina Sam at Sara?
 Ano ang kanilang pasalubong sa kanilang lolo? lola?
 Bukod sa pagiging magalang ano pang magandang katangian nina
Sam at Sara?
 Paano ipinakita nina Sam at Sara ang pagmamahal at paggalang sa
kanilang lolo at lola? Kayo paano naman ninyo maipapakita ang
pagmamahal at paggalang sa mga nakakatanda sa inyo?

Hamong Pambulilit

Nagustuhan po ng mga bata ang kwento. Ngayon po, alam na ng mga


bata ang tunog at pantig na may mga letrang m, s, r, l, b, a. Paano ko
naman po ituturo ang pagbasa ng mga salita?

Madali na pong ituro ang pagbasa ng salita dahil alam na nila ang tunog at
pantig.
 Una po balikan ninyo ang kwento. Itanong n’yo kung ano ang pasalu-
bong nina Sam at Sara sa kanilang lola (balabal).
 Ipakita n’yo po ang plaskard na may pantig na /ba/, /la/ at /bal/.
Pagsasamahin n’yo po ang mga pantig at ipababasa ang nabuong salita
sa mga bata.
/ba/+/la/+/bal/= balabal
Ganun rin po ang gagawin n’yo sa mga salitang: Sara, saba, baba at balabal

15
Ah para po ba magamit rin ang salita na magmumula sa kwento?

Tama po. Matapos po ninyong gamitin ang mga salita sa kwento isunod
po naman ninyo ang mga pamamaraan at hakbang na nasa baba.
Ito po ang mga hakbang na sinusunod para ituro ang iba pang mga salita.

Ipakita nyo sa mga bata ang mga plaskard na may nakasulat ng letra
o pantig
(a, ma, sa, ra, la, ba, am at bal).

Kunin ang plaskard na may letrang a. Ilapit sa bata at ipabigay sa


bata ang tunog ng a.

Matapos mabasa ng bata ang a, kunin naman ang pantig na ma.


Pagsasamahin mo ang letrang a at pantig na ma upang
makakabuo ng salitang ama.

Siguraduhin mong nasabi ng bata ang tamang tunog ng letra at


pantig.

Uulitin mo lang ang pamamaraan sa iba pang pantig hanggang ang


lahat ng pantig ay magamit sa pagbuo ng mga salita.
Halimbawa :
/ma/ + /sa/ = masa /sa/ + /ra/ = sara /sa/ + /ma/ = sama
/la/ + /sa/ = lasa /sa/ + /la/ = sala /a/ + /ba/ = aba
/ba/ + /sa/ = basa /sa/ + /ba/ = saba /ba/ +/la/ = bala
/a/ + /lab/ = alab /la/ + /bas/ = labas /a/ + /lam/ = alam
/sal/ + /ba/ = salba /ba/ + /la/ + /bal/ = balabal
ma sa ra ba la
am as ar ab al
mas sar bal lab lam

Ipababasa po ninyo nang paulit - ulit ang mga salita upang


matandaan nila. Kung kailangang magpakita ka ng mga larawan
ay pwede mong gawin. Mahalaga ring maunawaan nila ang mga
kahulugan ng mga salita.

Ano-ano pa po kaya ang mga gagawin para masanay


silang bumasa at maunawaan ang mga salita?

16
Gawaing Bulilit

Pagsasanay:
Magpakita ng plaskard ng mga salita at ipabasa ito.

May mga pagsasanay na maaari mong ibigay sa kanila. Mahalaga


lang na nakapokus sa pagbasa ng nabuong salita mula sa mga pantig
na pinag-aralan lamang. Maari mo itong ipagawa.

Isa mo pang pwedeng ipagawa ay sila ang bubuo ng salita mula sa


mga pantig na napag-aralan na at babasahin nila ito. Paramihan sila
ng mabubuong salita.

Sige po, maam.

Pwede ring maglaro ang mga bata salita.

Sigurado pong mag eenjoy sila sa laro.


Laro: Mag-unahan Tayo. Tatawag ka ng dalawang bata.
Papupuntahin mo ang dalawang bata sa bandang likuran.
Unahan sila sa pagbasa ng salitang ipapakita mo sa plaskard.
Hahakbang ng isa ang unang makababasa ng salita. Ang
unang makarating sa harap ang mananalo. Tatawag ka ulit
ng panibagong pareha ng bata.
Mag-eenjoy po ang mga bata sa mga gawaing iyan.

Opo, siguradong makukuha n’yo ang interest ng mga bata at


siguradong matututo silang bumasa.
Ipabasa n’yo pong muli ang mga salitang napag-aralan na.

17
Galing Na Bulilit

Ngayon naman po ay tingnan n’yo kung nakaba-


basa na talaga ang bawat bata.

Ano po ang gagawin ko, titser?

Pababasahin n’yo po isa - isa ang bata ng mga salitang


(natutunan na) nakasulat sa plaskard o tsart. Itatala po
ninyo ang mga batang nakabasa at ang mga salitang
nahirapang silang basahin. Upang mabigyang pansin at
mapraktis ang mga ito. Maaari pong gamitin n’yo ang
tseklist na ito.

Pangalan ng Mag-aaral ama saba laba bala sara ma- bala- baba-
sa bal ba
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

18
Aralin 4: Larawang Kahulugan ng mga Salita
mula sa Letrang M, S, L, B, A

Layunin

Natutukoy ang larawang kahulugan ng salitang nabubuo sa letrang m, s, r, l, b, a

Kagamitan

Plaskard ng mga salita na nagsisimula sa letrang m, s, b, l, r, a


Plaskard ng mga larawan (saba, Ama, mama, atbp.
Tunay na bagay na makikita sa paligid
Pocket tsart / lalagyan ng mga larawan

Kwentong Bulilit

Maganda araw po. Kumusta naman po kayo? Sisimulan na po natin


ang pagtuturo sa mga mag-aaral sa pamamagitan nang
pagpaparinig ng maikling kwento sa kanila.

Paano ko po gagawin ang pagkukuwento?

Madali lang po.


Una, magpakita kayo ng larawan, pamagat ng kwento at
magbigay ng tanong tungkol dito.
Pangalawa, basahin n’yo po ang kwento nang malakas ayon
sa hinihinging ekspresyon. Pwede ding baha - bahaging
puputulin ang pagkukuwento at magtanong.
Pangatlo, magbigay kayo ng mga katungan upang
mabigyang pagtalakay ang kuwento para malaman n’yo
kung naiintindihan ba nila ang kwento.

19
Sige po, sisikapin kong magawa ang mga hakbang na
sinabi n’yo.

Inaasahan ko po iyan. Salamat po.

LARAWANG HINDI MALILIMUTAN


Cleta Fetalvero-Saladero

Naglilinis ng sala ang ama ni Bal nang dumating siya buhat sa paaralan. Marami
itong hawak na mga larawan galing sa isang lumang album.
“Itay, pwede ko po bang tingnan ang mga larawang hawak ninyo?” ang pakiusap ni
Bal.
Iniabot naman ni Mang Absa ang mga larawan. “Heto at tingnan mo,” sabay abot ng
mga ito sa kaniya .
“Wow! Itay , kayo po ba ito? Tila nagtitinda kayo sa palengke! “ ang namamanghang
tanong ni Bal.
“Tama ka anak, ako nga iyan!“ ang natatawang wika nito.
“Tumutulong ako noon sa Lola mo sa palengke. Ibat’-ibang uri ng saging tulad ng
saging na saba, latundan at iba pa ang aming itinitinda. Sa amin humahango ang ilang mga
tindahan dito sa ating bayan,” kwento niya.
“Alam mo rin ba na mura lamang ibinibigay ng Lola mo ang kanyang mga paninda
dahil nais niya na tumubo ang kanyang mga suki lalo na yaong itinitinda at iniluluto ito?” ang
paliwanag ni Mang Absa.
“Tulad din po ba ng mga nagtitinda ng “banana cue” na paborito ko?” nakangiting
tanong ni Bal.
“Oo naman.” sagot ni Mang Absa
“Kay buti naman pala ni Lola. Inaalala pa rin niya ang kapakanan ng ibang tao sa
kanyang trabaho.” wika nito .
“Oo, tama ka riyan, kaya nga siguro ang Lola mo ay isa sa mga itinanghal na
Mamayan ng Taon. Isa iyong patimpalak para sa mga mamayan dito sa ating bayan na
nagpakita nang katangi-tanging pagmamalasakit sa kanyang mga kababayan sa pagganap
ng kanilang tungkulin,” ang dagdag pa ni Mang Absa.
“Kahanga-hanga pala si Lola. Nais ko pong gayahin siya.” sabi ni Bal .
“ Maliban pa roon , alam mo ba na dahil sa negosyo ng inyong Lola ay
napakapag-aral at nakapagtapos kaming magkakapatid at bilang ganti sa kanyang
pagsasakripisyo sinikap naming mag-aral nang mabuti , kaya heto kami ngayon,
matagumpay na rin sa kanya–kanya naming propesyon, “ ang paliwanag ni Mang Absa .
“Oo nga po Itay. Isang mahusay na rin kayong negosyante. Kaya nga po idolo ko kayo
nina Inay.” ang masayang wika ni Bal.
Muling tiningnan ni Bal ang mga larawan at masayang ngiti ang nabanaag sa
kanyang mukha. Hinding-hindi niya malilimutan ang mga nasa larawan

20
Usapang Bulilit

Narito po naman ang mga halimbawa ng tanong para sa mga


bata. Pwede rin kayong magdagdag ng mga tanong.

Ah , opo. Susubukan ko pong gamitin ang mga


tanong na ito. Salamat po.

Ano ang nakita ni Bal na hawak ng kanyang ama ?


Paano tumutulong noon si Mang Absa sa kanyang nanay?
Bakit hinahangaan ng mga tao ang kanyang Lola?
Paano nakatulong ang pagtitinda ng kanyang lola sa
kabuhayan ng kanilang pamilya?
Paano naman ginagantihan ng mga anak ang kanilang ina?
Ikaw, paano ka nakatutulong sa mga gawain sa inyong tahanan?

Hamong Pambulilit

Nababasa na po ng mga bata ang salita


buhat sa pinagsama-samang mga pantig.

Magaling! Tignan naman natin kung makikilala nila ang


larawang tinutukoy ng mga salitang nababasa nila.

Paano ko po naman gagawin ito?

Maghanda ng mga salitang mabubuo sa letrang m, s, l, b, at a na nak-


asulat sa plaskard.
Ihanda din ang mga larawan na nakaguhit sa isa pang plaskard.
Ipabasa sa mga bata ang salita. Ibigay ang unang letra at mga kasunod
pang letra hanggang mabuo ang salita.
Ipahanap sa mga nakapaskil na larawan ang kaugnay ng salita.
Hal: ( Maaring kunin ang mga salita sa kwento )
Ama …… larawan
saba …… larawan
sala …… larawan

21
Basahin muli ang salita habang nakaturo ang kamay sa larawan.
Tanungin din sila kung nakikita nila sa kanilang paligid ang bagay na nasa la-
rawan.
Ipasabi din ang ilang mga detalye tungkol dito gaya ng gamit, bilang, anyo at
iba pa.
Paulit ulit lamang na sabihin ang salita habang itinuturo ang larawan.

Madali lang po pala. Tiyak na magiging in-


teresado ang mga bata dahil mahilig silang
tumingin sa mga larawan sa paligid.

Madali lamang po pala. Sige po.

Magaling! Alam kong kayang-kaya


n’yo ‘yan! Maasahan ko po ba yan?

Aba , opo naman, tister.

Gawaing Bulilit

Anong mga naman po ang mga Gawain na ibibigay ko sa mga bata?

Mahilig po ang mga bata sa laro. Pwede pong ang mga


Gawain ay nakapaloob sa mga laro.

Sige po. Nananabik po akong malaman ang mga larong


binabanggit n’yo!

22
LARO - KAPAREWHO!

Pangkat I Pangkat II

- Hatiin ang mga bata sa dalawang pangkat.


Ang isang pangkat ay may hawak na mga salita habang
ang isang pangkat naman at mga salita.
- Ipaawit ang “ Leron-Leron Sinta “
- Habang sila ay umaawit ay titingnan nila ang kanilang magiging kapareha.
Pagkatapos ng awitin ay hahanapin nila ang may hawak ng salita o larawan.
Sasabihin ng magkapareha na:

“ Tayo ang MAGKAPAREWHO!”

- Ang unang makakatagpo ng kapareha ay siyang mananalo.

LARAWAN SALITA

Ipapasabi sa bawat magkapareha ang salita at larawan .


-Pagkatapos ay muling magpapamigay ang guro ng mga iba pang salita at
larawan.
(Mga gagamiting salita at larawan)
sara , bara , masa , basa, lasa ,, mana , asa , aba , ama at iba pa .

MATCH TAYO !
Gawin 2 : Magpamigay ng worksheets sa mga bata.
Panuto : Basahin ang mga salita na nasa kanang bahagi ng papel. Sa
pamamagitan ng guhit ay pagdugtungin ang bawat salita sa kaugnay na
larawan.

sala A.

bala B.

mama C.

basa D.

masa E.

F.

23
Galing Na Bulilit

Paano ko naman po malalaman na natutunan ng aking mga


mag-aaral ang aming naging aralin?

Madali lamang po. Maari pong gawin n’yo ang pagtatayang


nasa ibaba. Dito n’yo malaman kung ganap ang kanilang
pagkakatuto sa inyong naging aralin.

Panuto : Basahin ang mga salitang nasa kahon. Bilugan ang titik ng larawan na
kaugnay nito.

saba A. B. C.

laba A. B. C.

basa A. B. C.

balabal A. B. C.

alab A. B. C.

Panuto : Bigyan ng larawan ang bawat bata at ipadikit ang mga ito sa ilalim ng ang-
kop na salita. ( Ipagawa ito sa bawat bata. )

Pangalan ng
Mga bata Masa Sala ama alas Bala basa

24
Aralin 5: Mga Batayang Salitang Pantingin (ang, mga, ng)

Layunin

Nababasa ang mga batayang salitang pantingin (ang, mga at ng)

Kagamitan
1. Plaskard na may nakasulat na ang, mga at ng (nakalagay sa 1/4 ng long
bond paper)
2. Mga larawan na may nakasulat sa ibaba na ang, mga at ng (Nakalagay sa
short bond paper)
3. Tsart na may nakasulat na parirala gamit ang salitang: ang, mga at ng (1/2
manila paper)
4. Papel at lapis

Kwentong Bulilit

Sisimulan po natin ang aralin sa pagkukuwento.

Ok po, titser. Babasahin ko na sa mga bata ang


kwento.

Sa Parke

Maria Leilane E. Bernabe, Ed.D.

Pumunta sa parke si Mikay. Kasama niya si Benok sa parke. Malapit ang


parke sa bahay nila. Nakakita sila ng aso habang naglalakad. Nakita nila ang mga
bulaklak na may iba’t-ibang kulay sa parke. Nakita rin nila ang magandang mga
laruan sa parke. Naku! ang ganda pala dito sa parke sabi ni Mikay.

“Halika, Benok! Maglaro tayo sa palaruan!” yaya ni Mikay.

25
Usapang Bulilit

Pagkatapos mong basahin ang kwento ay tanungin mo ang mga


bata tungkol dito. Ito ang mga pwede mong itanong sa kanila.
 Sino ang nagpunta sa parke?
 Ano ang nakita nila habang naglalakad?
 Ano ang may iba’t-ibang kulay sa parke?
 Ano ang sabi ni Mikay tungkol sa parke?
 Bakit nagpunta sila sa parke?
 Ano ang paborito mong pasyalan? Bakit?

Hamong Pambulilit

Narito ang mga dapat mong gawin para


maipabasa sa bata ang mga salitang ang,
mga at ng . Makinig kayong mabuti sa
aking sasabihin.

Sige po makikinig akong mabuti, Titser.

Magpakita ng larawan sa mga bata.

isang aso isang bulaklak isang laruan


 Sa ibaba ng larawan ay may nakasulat na: ang aso, ang bulak-
lak, ang laruan.
 Itanong sa iyong mag-aaral:
 -“Ano ang nakikita mo sa larawan?”
 -“Ilan ang nakikita mo sa larawan?”
 Iparinig ang tamang bigkas ng salitang nasa ibaba ng larawan.
 Ipabasa ang nakasulat sa ibaba ng larawan.
 Ipaliwanag na kapag nakikita nila ang “ang” ay “ang” ang basa
dito. Sabihin din na ang salitang ANG ay ginagamit kapag iisa
ang bagay na tinutukoy.
 Hayaang ang mga bata naman ang magbigay ng halimbawa.
 Ibasa sa bawat bata nang paulit ulit ang salitang “ang”.

26
Paano naman po ipababasa ang salitang mga?

Halos pareho rin po ng estratehiya ng pagtuturo sa nauna nating


salita.
Magpakita muli ng larawan.

dalawang aso maraming bulaklak tatlong laruan


 Sa ibaba ng larawan ay may nakasulat na mga aso, mga bulaklak,
mga laruan.
 Ipaliwanag na t’wing makikita nila ang “mga” ay “mga” ang basa
dito. Sabihin din na ang MGA ay ginagamit kapag dalawa o higit pa
ang bagay na tinutukoy.
 Hayaang ang mga bata naman ang magbigay ng halimbawa

Madali lang po palang ituro ang gamit ng ang at mga.

Opo madali lang po. Pwede pa po kayong gumamit ng iba pang


mga halimbawa upang mas lalong matandaan ng mga bata ang ta-
mang gamit ng ang at mga.

Sige po ganoon nga ang gagawin ko.

Ito naman po ang huli nating salita: NG. ulitin mo uli ang mga hakbang na
ginawa mo sa pagturo ng tamang pagbasa sa mga salitang “ang’ at “mga”.

Paano ko ituturo iyan sa anak ko?

Ituro mo ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga parirala o


pangungusap na nakasulat sa tsart.

uminom ng tubig naglaro ng habulan


kalahati ng buo kumain ng kanin

Iparinig ang tamang bigkas ng mga salita na nakasulat sa tsart.


Ipabigkas ang mga salitang narinig.
Ipaulit nang isahan, dalawahan at maramihan.
Bigyan ng pagkakataon na ang lahat ay makabasa.

27
Gawaing Bulilit

Ngayon ay magbigay ka naman ng mga gawain para lalong


matandaanng mga bata ang tamang basa sa “ang”, “mga’, at
“ng”. Ito ang mga halimbawa.

Gawain 1

Panuto: Basahin nang may tamang bigkas ang mga sumusunod na parirala.

ang mga
ang bola mga bulaklak
ang bag mga pusa
ang tatay mga bata
ang guro mga larawan
ang halaman mga mangga

28
Aralin 6: Mga Parirala Mula sa Letrang (m, s, a, r, b, l)
at mga Batayang Salitang Pantingin (ang, mga, ng)

Layunin

Nababasa ang mga parirala gamit ang mga salitang nabubuo mula sa letrang
(m, s, a, r, b, l) at mga batayang salitang pantingin (ang, mga, ng) nang may
pang-unawa

Mga Kagamitan

Larawan ng mga salitang (ama, masa, basa, saba, balabal, bala)


plaskard ng batayang salitang pantingin (ang, mga, ng)
tsart ng mga parirala

Kwentong Bulilit

Magandang umaga! Kumusta na ang mga bata?

Tiyak ko Titser mag- eenjoy na naman po sila.

Nakababasa na po sila ng mga salita mula sa mga


mga letrang m, s, r, l, b at a. Nababasa na din po nila
ang mga salita tulad ng at, mga at ng.

Ayos, kung ganun. Ngayon naman, pababasahin n’yo


sila ng mga parirala gamit ang mga salitang
napag-aralan na.

Sige po, alam kong gustong gusto ng mga bata ang


kwento kaya unahin na po muna nating kwentuhan
ko sila.

29
Ang Munting Halamanan
Maricel A. Latina

May isang munting halamanan si Aling Mela. Araw-araw masaya niyang pinagma-
masdan ang magagandang bulaklak na naroroon at siya ay talagang napapahanga sa
kanilang nabubukod tanging kagandahan. Maingat niyang inaalagan ang bawat hala-
man sa kanyang hardin sa pamamagitan nang pagdidilig araw-araw at pag-aalis ng
mga tuyong dahon. May tanim din siyang ilang puno ng manga, saging na saba at pa-
paya. Ang mga ito ay tanim pa ng ama niya.
Ang mga bulaklak ng gumamela, na may iba’t-ibang kulay ay tunay na nagbibigay
saya sa lahat ng nakakikita. Mayroon din siyang mga rosas, santan at iba pa.
Isang araw, may isang pangkat ng mga bata ang napadaan sa halamanan ni Aling
Mela. Nakita nila ang magagandang bulaklak sa halamanan.
“Kay ganda ng mga bulaklak!” wika ng isang bata. “Oo nga kay ganda nilang pag-
masdan lalo na ang kanilang matitingkad na kulay.” dagdag pa ng isa.
“Tara! Mamitas tayo ng mga bulaklak at ating paglaruan.” mungkahi ng isa pa.
Akmang pipitasin ng isang bata ang bulaklak ng gumamela nang makarinig sila ng
tinig mula kung saan. “Sino ang nagbigay sa inyo ng karapatan na paglaruan ang
aking mga kaibigan? Hindi nyo ba alam na malaki ang pakinabang sa mga halaman at
bulaklak sa ating kapaligiran? Paano na ang ating daigdig kung wala sila?” ani ng tinig.
Sabay-sabay nakaramdam ng takot at nagkatinginan ang magkakaibigan. Ma-
bilis silang tumakbo at nangako sa sarili na kaylanman ay hindi na makikialam sa mga
bagay na nakakatulong sa paligid tulad ng mga halaman.

Usapang Bulilit

Balikan natin ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento.


 Sino ang may-ari ng munting halamanan?

 Ano-anong bulaklak ang nabanggit sa kwento?

 Bakit naisipang pitasin ng mga bata ang mga bulaklak?

 Tama ba ang kanilang ginawa? Bakit?

 Kung kayo ang mga bata sa kwento, ano ang inyong dapat
gawin?

30
Hamong Pambulilit

Subukan natin kung makababasa na ang mga bata ng mga


parirala gamit ang mga salitang napag-aralan na.

Alam na po ng mga bata ang pagbasa ng mga salita


na may mga pantig na ma, sa, ra, la, ba, am at
bal. Paano ko naman po kaya ituturo ang pagbasa
ng mga parirala?

Madali na pong ituro ang pagbasa ng parirala ngayong alam na


nilang bumasa ng mga salita.

Paano po iyon?

Kinakailangan mong maghanda ng mga larawan ng mga salitang


napag aralan na.

1. Ipakita mo sa mga bata ang mga larawan na napag-aralan na tulad ng halaman,


bata, saba, ama.
2. Hayaang sabihin ng mga bata ang ngalan ng larawang ipinakita.
3. Matapos sabihin ng bata ang ngalan ng larawan, isulat ito sa drill board at ipabasa
sa bata.
4. Ipakita naman ang mga plaskard ng mga salita tulad ng ang, mga, ng at
ipabasa ito sa mga bata.
5. Idikit ang mga salitang ito sa mga salitang naisulat sa drill board.

ang halaman ang saba

mga bata ng ama

6. Hayaang basahin ng bata ang pariralang nabuo.


7. Uulitin mo lang ang pamamaraan sa iba pang salita hanggang makabuo ng
iba’t-ibang parirala gamit ang mga salitang napag-aralan na.
8. Ipababasa po ninyong paulit - ulit ang mga parirala upang matandaan nila.
Mahalaga ring maunawaan nila ang mga kahulugan ng mga salita.

31
Sige po.

Gawaing Bulilit

Ano-ano pa po kaya ang maaari kong gawin upang


higit silang masanay sa pagbasa ng parirala at
maunawaan ang mga ito?

Sanayin silang bumasa ng mga parirala


gamit ang mga sumusunod na pagsasa-
nay.

Gawain A
Magpakita ng plaskard ng mga parirala at ipabasa ito.
ang ama mga babala ng bara

ang bala mga bata balabal ng ama

ang balabal mga masa laba ng laba

ang mama mga saba basa ng basa

Maaari mo ding isunod na idagdag ang gamiting


salita na mga sa gamiting salita na ang upang
makabuo ng mga bagong parirala.

32
Hal. ang mga bala
ang mga saba
ang mga bala
ang mga balabal
ang mga babala
Ipaliwanag din sa mga bata ang pagkakaiba ng gamit
ng ang at ang mga

Sige po, titser.

Galing ng Bulilit

Ngayon subukan n’yo kung nakababasa na talaga ang


bawat bata.

Ano po ang dapat kong gawin?

Gamit ang tsart ng mga pariralang napag-aralan na,


hayaang basahin ito ng mga bata ng lahatan, dalawa-
han at isahan.

33
ang ama mga bata ng bara ang mga bala
ang bala mga babala balabal ng ama ang mga saba
ang balabal mga masa laba ng laba ang mga balabal
ang mama mga saba basa ng basa ang mga babala

Inihanda ni:
MARICEL A. LATINA
Punong Guro
Paaralang Elementaryang Rosario Ocampo

34
Aralin 7: Mga Pangungusap na mula sa mga Salitang Nabubuo
sa mga Letrang m, a, s, r, l, at b at mga Batayang Salitang
Pantingin

Layunin

Nababasa ang mga pangungusap na mula sa mga salitang nabubuo sa mga letrang a,
m, s, r, l, at b at mga batayang salitang pantingin nang may pang-unawa

Kagamitan

Plaskard (kalahating bahagi-length wise ng long bond paper)


Tsart/Tarpapel (ang laki at haba ay kalahating Manila Paper)
Larawan ng mga salita at parirala na nabuo sa mga letrang m, a, s, r, l, at b (isang short
bond paper bawat isang larawan)
Worksheet na ang nakalagay ay pangungusap na babasahin ng mga bata
roleta at bola

Kwentong Bulilit

Magandang araw. Ngayon ay magbabasa tayo


kasama ang mga bata ng mga pangungusap na may
mga salitang nabuo galing sa letrang a, m, l, r, s, at b.

Opo. Maganda nga po na makababasa na ang mga


bata ng pangungusap.Ano po ang dapat kong gawin,
Titser?

Simulan mo na ang aralin sa pagbasa ng kwentong


pambata.

Opo, Titser.

35
Pamilyang Alba
Margie C. Ayon
Sa bayan ng M ay mayroong isang pamilya na napakasipag. Ito ang pamilyang Alba.
Maaga kung gumising si ama upang tingnan ang lahat ng kanyang alagang hayop.
Pinapakain niya ang mga ito at nililinis ang kanilang kulungan. Ang ina naman ay maaga rin
kung gumising upang magluto ng makakain para sa buong pamilya. Ang mag-asawa ay may
tatlong anak na sina Mara, Sara at Lara. Sa tuwing umaga ay nililigpit nila ang kanilang hi-
nigaan at nakangiting lumalabas ng silid.
Ilang sandali pa ay tinawag na ng ina ang lahat para sa almusal. Inihain niya ang
saba, sinangag, itlog at mainit na kape at gatas. Sa pangunguna ng ama ay sabay-sabay
silang nagpasalamat sa biyayang kanilang natanggap. Pagkakain ay kanya-kanya na ang
magkakapatid sa gawaing bahay. May naghuhugas ng pinggan, nagwawalis ng bakuran, silid
at sala.
Nabaling ang tingin ng ama sa basang lupa sa labas ng bahay. Nagdidilig pala ng
mga halaman ang ina. Kaya nang makita niya ito ay agad niya itong tinulungan.
Napapadali ang gawain sa tahanan dahil sa pagtutulungan ng bawat isa. Ito ang
paulit-ulit na binibigay na aral ng ama at ina sa kanilang mga anak.

Usapang Bulilit

Ano na po ngayon ang gagawin?

Alamin mo ngayon kung natatandaan nila ang mga detalye sa


kuwento. Itanong mo ang mga ito.
 Tungkol saan ang kuwento?
 Dapat bang pamarisan ang mga tauhan sa kuwento? Bakit?
 Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na palitan ang
pamagat ng kwento, ano ang ilalagay/ibibigay mo? Bakit?
 Tama ba ang pagpapalaki ng ama at ina sa kanilang mga
anak? Bakit?
 Sa mga kabataan na hindi ganyan ang nagiging gawi sa
kanilang mga magulang, ano ang ating maaaring ipayo sa
kanila? Bakit?

36
Hamong Pambulilit

Ngayon po, madali nang ituro ang pagbasa ng mga pangungusap


dahil alam na nila ang pagbasa ng parirala nang may pag-unawa.

Paano po iyon?

May mga hakbang na sinusunod para ituro ang pagbasa ng


pangungusap.
 Ipakita sa mga bata ang plaskard ng mga salita/parirala na
nabuo mula sa letrang m, a, s, r, l, at b.
 Ipabasa ang bawat salita/parirala na nasa plaskard.
 Ipabasa ang mga salitang ang, mga, ng sa pamamagitan ng
plaskard.
 Pagsamahin ang mga salita/parirala para makabuo ng
pangungusap.
 Ipabasa ang bawat pangungusap na nabuo. Kung kailangang
magpakita ng larawan ukol dito ay gawin para mas
maintindihan ng bata ang pangungusap.
 Hikayatin silang mailarawan sa kanilang isipan ang sinasabi ng
pangungusap.
 Upang matiyak ang pagka-unawa magtanong ukol dito.

Halimbawa 1:

Sasama sa ama ang mga mama ng

Sino ang sasama?


Anong uri ng mga ama ang sasama?
Ano ang gagawin ng mga ama?
Saan sila sasama?

Halimbawa 2:
Ang mama ang sasama sa ama

Sino ang sasama sa ama?


Saan sasama si mama?

Ulitin ng pagbasa ng pangungusap. Ito ay maaaring isahan, dalawahan o pangkatan.

37
Maraming salamat po sa paliwanag ng gagawing
hakbang.

Gawaing Bulilit

Mayroon pa po bang paraan upang masanay silang


bumasa ng pangungusap nang may pag-unawa?

Opo. May mga pagsasanay na maaari mong


ibigay sa kanila. Mahalaga lang na nakapokus sa
pagbasa ng nabuong pangungusap mula sa mga
parirala na katatapos lang pag-aralan. Maaari
mo itong ipagawa.

Pagsasanay 1:
1. Tumawag ka ng isang batang mag-iikot ng roleta.
2. Ipabasa ang pangungusap na tinapatan ng pagtigil nito. Tandaan na
ang pangungusap ay buhat sa mga salita o parirala na napag-aralan
na.
3. Alamin kung may naunawaan ang bata sa binasa sa pamamagitan
ng pagtatanong sa kanya.

4. Bigyan din ng pagkakataon ang iba. Tumawag ng iba pang bata.


Ulitin ang unang ginawa hanggang sa ikalima.

Tandaan: Sa loob
ng bawat kulay,
ilalagay ang mga
nabuong
pangungusap at
ipapabasa sa mga
bata.

38
Pwede mo ring gawin ang ganitong pagsasanay.

Sige nga po. Paano po iyon?

Pagsasanay 2 (Ball Relay)


1. Igrupo sa dalawa ang mga bata.
2. Gamit ang bola, paunahan ang dalawang pangkat sa pagpasa nito na
nakatalikod sa ibang kagrupo.
3. Ang pangkat na unang makakatapos sa pagpasa, ang siyang unang
babasa ng pangungusap.
Mga pangungusap na maaaring
4. Ang pangkat na nahuli ang gamitin:
siyang mag-iinterpret o mag- Ang ama ang sasama sa mama.
bibigay ng kahulugan ng kanil-
ang binasa. Sara ang armas ng ama.
Masama ang ama.

Maraming salamat po.

Galing Na Bulilit

Ngayon naman po titingnan n’yo kung nakababasa na


ang bawat bata ng pangungusap.

Ano po ang gagawin ko?

39
Pababasahin po ninyo isa-isa ang bawat bata ng mga
pangungusap na nakasulat sa plaskard o tsart. Itatala po ninyo
ang mga batang nakabasa at mga pangungusap na nahirapan
silang basahin upang mabigyang pansin at mapraktis ang mga
ito.

Pagtataya:
Bigyan ng worksheet ang bawat bata. Pabasahin sila isa-isa. Lagyan ng tsek
ang pangungusap na kanilang nabasa mula rito.

Inihanda ni:
Gng. MARGIE C. AYON
Punong-guro
Paaralang Elementarya ng Mabuhay Homes 2000
Marso 19, 2020

40
Aralin 8: Tunog ng mga Letrang d, g, n, o, at i

Layunin

Naibibigay ang tamang tunog ng mga letrang d, g, n, o, at i

Mga Kagamitan

Mga takip ng bote na may nakasulat na titik d, g, n, o, at i


Apat na dice boxes na may sukat na 8 x 8, yari sa karton at binalutan ng
bondpaper. Ang bawat bahagi ng dice ay may nakasulat na tig-isang letra. Dalawang
dice boxes ay para sa malalaking letrang D, G, N, O, at I, at ang dalawang dice boxes
ay para sa maliliit na letrang d, g, n, o, at i.
Flip chart ng mga letra, maaaring yari sa lumang kalendaryo
Larawan ng daga, isda, oktopus, gagamba, at batang babae na nakadikit sa 1/8
kartolina
Plaskards ng mga letrang m, a, s, r, l, at b
Plaskards ng malalaki at maliliit na letrang D, d, G, g, N, n, O, o, I, i
Sipi ng kuwentong babasahin
Tseklist na gagamitin para sa pagtataya

Kwentong Bulilit

Simulan mo muna ang aralin sa pagbasa ng kwento.


Sundin mo muli ang mga pamamaraan sa
pagkukwento.

Tiyak ko pong mag- eenjoy na naman ang mga bata,


Titser.

Sabihin mong makinig silang mabuti at magbibigay


ka ng mga tanong. Ang dayalogong babasahin mo ay
pinamagatang “BASURA MO! ITAPON MO! SAAN?”

41
Narito ang dayalogo ng mga hayop.

Daga: Aba! Babagsak ang malakas na ulan. Tiyak tataas


na naman ang tubig sa aking tirahan. Lulutang na naman
ang mga basura sa baha. Sana makaligtas ako sa tag-ulan
na ito. Kumusta na kaya si kaibigang gagamba na nasa
kagubatan?

Gagamba: Natatakot ako kasi kapag bumagsak ang


malakas na ulan, masisira na naman ang aking
tirahang sapot. Saan kaya ako dadalhin ng malakas na
ulan? Natatakot din kaya si isda at oktopus na
nakatira sa karagatan?

Isda: Kaibigang oktopus, natatakot ako at tila paparating


ang malakas na ulan. Mapapadpad na naman ang mga
basura sa karagatan. Nanganganib na naman ang ating
tirahan.

Oktopus: Nalulungkot nga ako, kaibigang Isda. Na-


tatandaan ko pa noong isang taon nang biglang
bumuhos ang malakas na ulan at maraming basura
ang lumutang sa karagatan. Muntik na akong mama-
tay dahil nakakain ako ng basurang plastik. Mabuti na
lamang at tinulungan mo ako, kaibigang Isda.

Ngunit bago bumagsak ang ulan ay nakita ni daga ang batang si Nene. Inutusan siya ng
kanyang nanay na itapon sa ilog ang isang plastik bag ng mga basura. Araw araw ay ganito
ang ginagawa ng batang si Nene. Araw araw siyang nagtatapon ng basura sa ilog.

Daga: Kaya dumadami ang mga basura sa ilog ay dahil din


sa mga tao. Ang lahat ng mga kapitbahay ni Nene ay sa
ilog nagtatapon ng basura. Kaya sa mga basura ako
nakatira. Maraming pagkain sa basura. Ngayong parating
ang malakas na ulan tiyak ang mga basura ay tatangayin
ng tubig papuntang dagat. Kailangang maging handa sina
Isda at Oktopus.

42
Isda: May ipinarating na balita si kaibigang daga.
Maraming mga basura sa ilog. Kapag lumakas ang
ulan ngayon ay aanurin ng tubig ang mga basura mula
sa ilog patungo sa dagat. Dapat tayong mag-isip ng
paraan kung paano tayo makakaiwas sa mga basura
ng mga tao.

Oktopus: Sana matutunan ni Nene at ng lahat ng mga tao


ang pagtatapon ng basura sa tamang tapunan at hindi sa
ilog. Hindi lamang mga tao ang napeperwisyo ng mga bas-
ura maging mga hayop din. Nakahanda na rin kaya si Ga-
gamba sa gubat?

Isda: May ipinarating na balita si kaibigang Daga.


Maraming mga basura sa ilog. Kapag lumakas ang
ulan ngayon ay aanurin ng tubig ang mga basura mula
sa ilog patungo sa dagat. Dapat tayong mag-isip ng
paraan kung paano tayo makakaiwas sa mga basura
ng mga tao.

Gagamba: Pinuputol ng mga tao ang mga puno kaya na-


wawala ang aking mga tirahan. Saan pa ako gagawa ng
sapot na aking titirahan? Sana tigilan na ng mga tao ang
pagputol ng mga puno.

Dininig ng langit ang kahilingan ng mga hayop, at biglang nagliwanag ang paligid. Hindi
dumating ang malakas na ulan. Naging masaya ang mga hayop. Nagkaroon ng batas ng
pagbabawal ng pagtapon ng basura sa ilog. Mula noon ay hindi na nagtatapon ng basura sa
ilog si Nene.

Sa tuwa ng mga hayop ay sabay-sabay silang nagtanong ng: Bata, bata! Basura mo, ita-
pon mo! Saan?

Usapang Bulilit

Pagkatapos ng kwento ay ibigay mo ang mga sumusunod


na tanong upang lalo pang maunawaan ng mga bata ang
nilalaman ng kwento.

43
1. Ano ang problema ng mga hayop sa dayalogo?
2. Ano ang sanhi ng kanilang problema?
3. Saan naninirahan ang mga hayop?
4. Ano ang epekto ng basura sa buhay ng mga hayop?
5. Nais mo bang maging kagaya ni Nene? Bakit?
6. Nakita mong nagtatapon ng basura sa ilog o sa tabi ng kalsada
ang kapwa mo bata, ano ang gagawin mo?
7. Bilang bata, paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng
kalinisan ng ating kapaligiran?

Hamong Pambulilit

Titser, magagaling na pong sumagot sa mga tanong


ang mga bata. Ano naman po ang ituturo ko sa
pagbasa?

Magkaroon ka muna ng balik-aral sa mga tunog ng letra na


itinuro mo na (m, a, s, l, r, b). Muli mong ipakita ang mga plaskards
na ginamit mo. Sabihin mo sa mga bata na bigkasin nila ang
tamang tunog ng mga letra na napag-aralan na.

Kapag po naisagawa ko na ang balik-aral, ano na po


ang susunod kong gagawin?

Ituturo mo ang tamang pagbigkas ng mga tunog ng


mga titik d, g, n, o, at i. Ganito ang mga gagawin
mo:
√Itanong mo sa mga bata ang ngalan ng mga
hayop sa dayalogo.
√Itanong mo rin ang pangalan ng bata sa
dayalogo.
√Ipakita mo ang larawan ng mga hayop at ng
bata na nakadikit sa 1/8 kartolina.
√Ipakilala mo isa isa ang ngalan ng mga nasa
larawan habang binibigkas mo nang tama
ang unahang tunog ng letra.

44
Sabihin mo:

Ito ay /d/aga

Ito ay /g/agamba

Ito ay /o/ktopus

Ito ay /i/sda

Ito ay si /N/ene

45
Ipabigkas mo rin sa mga bata ang ngalan ng bawat
larawan.
Itanong mo kung sa anong tunog nagsisimula ang mga
ngalan ng bawat larawan.
Ipakita mo ang plaskards ng mga letra at bigkasin mo ang
tamang tunog ng bawat letra.
/d/ /g/ /o/ /i/ /n/
Sabihin mo na ang ngalan ng nasa larawan ay nagsisimula
sa mga tunog ng bawat letra.
Idikit mo ang bawat plaskard sa tabi ng bawat larawan at
ipabigkas mo sa mga bata ang tunog ng bawat letra.
Ipabigkas nang isahan, dalawahan at maramihan.
Ipakilala mo rin ang tunog ng malalaking letra na
nakasulat sa plaskards. Bigkasin mo nang tama ang
tunog habang nakikinig ang mga bata at ipabigkas ito
sa mga bata.
Sabihin mo: malaking tunog ______
/D/ /G/ /O/ /I/ /N/
Pagtabihin mo ang malaki at maliit na mga letra at
ipabigkas sa mga bata ang tunog ng mga letra.
/Mm/ /Gg/ /Nn/ /Oo/ /Ll/
Ulit-ulitin mo hanggang sa mamemorya at mabigkas nang
tama ng mga bata ang mga tunog ng bawat letra.

Gawaing Bulilit

Sa tingin ko ay kailangan pang magpraktis ng mga


bata kaya bibigyan mo sila ng mga pagsasanay sa
pagbigkas.

Opo, Titser. Ano anong pagsasanay ang pwede kung


ibigay sa mga bata?

46
Ihanda mo ang mga bata at ipagawa mo ang mga
sumusunod na pagsasanay.

Gawain A
Kagamitan: Flip tsart ng mga titik d, g, n, o, i, D, G, N, O, at I na yari sa lumang
kalendaryo
a. Ipakita mo sa mga bata ang flip tsart ng mga letra at ipabigkas mo sa mga bata ang
tunog ng bawat malaki at maliit na letra.
b. Tumawag ka ng isang bata upang basahin at bigkasin ang mga letra sa flip tsart.
Tumawag ka pa ng ibang bata.

Gawain B
Kagamitan : Takip ng bote na may nakasulat na mga letra D, G, N,
O, I, d, g, n, o, at i
a. Bigyan mo ng mga takip ng mga bote ang bawat bata.
b. Bigkasin mo ang tunog ng letra at ipapakita ng mga bata ang takip ng bote na may
katumbas na tunog na iyong binigkas.
c. Sabihin mo sa mga bata na pumalakpak kapag tama ang ipinakita nilang letra.

Gawain C
Kagamitan : 2 dice boxes na may sukat na 8x8 at may nakasulat na mala-
laking titik na D, G, N, O, at I
2 dice boxes na may nakasulat na maliliit na letrang d, g, n, o, at i, at may
sukat na 8x8

a. Igrupo mo sa dalawang pangkat ang mga bata.


b. Bigyan mo ng tig 2 dice ang bawat pangkat.
c. Paglaruin mo ng dice boxes ang mga bata. Ang 2 dice ay lalaruin ng unang
pangkat at ang 2 pang dice ay lalaruin ng isa pang pangkat.
d. Sabihin mo na pagugulungin ng bawat bata ang mga dice boxes at bibigkasin nila
nang tama ang tunog ng letra.
e. Tiyakin mo na ang lahat ng bata ay makakapaglaro ng dice.

47
Galing ng Bulilit

Sa mga ginawa kong mga pagsasanay, Titser, sa tingin


ko po ay kaya nang bigkasin ng mga bata ang
tamang tunog ng mga letra. Bibigyan ko na po sila ng
pagtataya. Ano pong pagtataya ang ibibigay ko?

Ito ang ibibigay mong pagtataya.

Panuto: Bigyan mo ng sipi ang bawat bata. Ipabigkas mo sa mga bata ang tunog ng
mga letra na may bilog. Lalagyan mo ng tsek / ang guhit kung nabigkas ito nang
wasto. Ito ang mga titik na may bilog 1. N 2. i 3. o 4. G 5. d

1. N O

2. g I

3. D o

4. n G

5. I d

48
Aralin 9: Mga Pantig na Nabubuo sa mga Letrang
(m, s, a, r, l, b) at (d, g, n, i, o)

Layunin
Nababasa ang mga pantig na nabubuo mula sa mga letrang m, s, r, l, b, a
at d ,g, n, i, o

Kagamitan

plaskard ng mga letrang (M, S, R, L, B, A) at (D, G, N, O, I)

Plaskard ng mga pantig na mabubuo sa mga letrang m, s, r, l, b, a at d ,g, n, o, i


tsart ng una at pangalawang set ng mga ng mga letra (malaking kahon) na
pagkukunan ng pantig na mabubuo

Kwentong Bulilit

Hello po. Kumusta naman po ang pagtuturo sa mga


bata?

Titser, mabuti naman po. Masarap po pala sa pa-


kiramdam na makitang natututong bumasa ang
mga bata.

Opo, totoo yan. Lalo na at nalilinang na sa kanila ang


pagmamahal sa pagbasa. Tara, kwentuhan n’yo na
po uli sila.

Titser, gustong-gusto po nila iyan.

49
Ang kwento po natin ngayon ay tungkol sa
pangangalaga sa kalikasan.
Kaya heto po ang ilang halimbawa ng tanong para sa
kanila.
 Nakaranas na ba kayong maligo sa ilog o
dagat?
 Ano ang dapat nating gawin para mana-
tiling malinis ito?
 Paano ninyo ito pinapangalagaan?

Okay po, Titser. Salamat po.

Pangalagaan ang Kalikasan

Romana P. Dionisio

Kaarawan ni Mario. Maaga silang nagsimba ng kanyang pamilya.


Pagkasimba ay sama-sama na silang pumunta sa ilog para maligo. Nagdala sila ng
maraming pagkain para hindi sila magutom. Sumakay sa balsa sina Mario kasama
ang kanyang ama at kapatid na si Dino. Hindi pa sila nakalalayo, may napansin si
Mario. Itinuro niya ito sa kanyang ama at sinabing “Ama, tingnan po ninyo may
nakatumpok sa gilid ng ilog.” Lumapit sila dito at nakita nilang ito ay tumpok ng
basura. Napailing si Mario at sinabing “Nakakalungkot naman po. May nag-iwan
ng basura dito. Kung pababayaan po ito maaaring dumumi ang ilog”. “Oo, anak.
Sige kukuha ako ng maaari nating paglayan nito. Isa-isa na ninyong daputin ni Di-
no.” “Opo, ama”, dagling tugon ni Mario. Matapos maisako ang mga basura at
dalhin sa kanilang puwesto upang iuwi pag natapos na sila. Masaya nang naligo
ang mag-aama. Habang pinapanood sila ng kanilang ina. Tuwang-tuwa ito at
proud sa ginawang tulong ng kanyang mag-aama para mapanatiling malinis ang
ilog.

Usapang Bulilit

Kung tapos na po kayong magkuwento, maaari na po n’yo


silang tanungin, para malaman kung naunawaan nila ang
kuwento. Pwede ninyong itanong ang mga sumusunod na
tanong.

50
Bakit maagang nagsimba ang pamilya ni Mario?
Saan nila naisipang pumunta? Bakit?
Ano ang nakita ni Mario? Anong ginawa niya dito?
Tama ba ang ginawa ng mag-aama? Bakit?
Bilang bata paano kayo makakatulong upang mapa-
natiling malinis ang ating kalikasan?

Hamong Pambulilit

Natutuwa po talaga ako at napakapositibo po ninyo at


ng mga bata.
Talagang nalilinang na po sa kanila ang hilig sa
pagbabasa. At dahil marunong na po silang
bumuo at bumasa ng pantig, pwede na po nin-
yong kunin ang mga plaskard ng mga pantig
na ituturo ninyo mula sa kuwentong napaking-
gan nila. Narito po ang pamamaraan.

1. Mula sa kuwento, tanungin po ninyo kung


saan nagpunta sila Mario at ang kanyang
pamilya. Sa sagot na ilog, tanungin ninyo
kung ilang pantig meron ito?
 Ano ang unang pantig? Ikalawang
pantig?
 Magpokus sa ikalawang pantig.
 Ipakita ang mga plaskard ng mga
letrang bumubuo dito. (Plaskard ng
letrang Ii, Ll, Oo, Gg. Ipabigkas ang
tunog ng bawat letrang nasa
plaskard /i/, /l/, /o/ at /g/.
 Ipabigkas ang tunog na / o / at
plaskard ng letrang Gg ipabigkas ang
tunog /g/.
 Ipakita din po ang tamang buka ng
bibig para mas tama ang bigkas nila
ng mga tunog.

51
2. Pagsamahin ang mga tunog upang makabuo ng
dalawang pantig /i/ /l/ / o/ /g/.
3. Ipauit /i/ /l/ /o/ /g/. Ipaulit nang mas mabilis /i/ /l/ / o/ /g/
- ilog.
4. Iparinig sa mga bata ang tamang basa sa nabuong
pantig.
5. Ipabigkas muli ang nabuong pantig sa mga bata.
6. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang ang lahat ng tunog
ay magamit sa pagbuo ng mga pantig.

Halimbawa :
/m/ + /a/ = ma /a/ + /m/ = am /m/ + /a/ + /s/ = mas
/s/ + /a/ = sa /a/ + /s/ = as /s/ + /a/ + /r/ = sar
/r/ + /a/ = ra /a/ + /r/ = ar /b/ + /a/ + /l/ = bal
/b/ + /a/ = ba /a/ + /b/ = ab /l/ + /a/ + /b/= lab
/l/ + /a/ = la /a/ + /l/ = al /l/ + /a/ + /m/= lam
/d/ + /a/ = da /a/ + /d/ = ad /d/ + /a/ + /g/ = dag
/g/ + /a/ = ga /a/ + /g/ = ag /g/ + /a/ + /n/ = gan
/n/ + /a/ = na /a/ + /n/ = an /n/ + /a/ + /m/= nam
/d/ + /o/ = do /o/ + /d/ = od /d/ + /o/ + /g/ = dog
/g/ + /o/ = go /o/ + /g/ = og /g/ + /o/ + /n/ = gon
/n/ + /o/ = no /o/ + /n/ = on /n/ + /o/ + /m/ = nom
/s/ + /o/ = so /o/ + /s/ = os /s/ + /o/ + /b/ = sob
/b/ + /o/ =bo /o/ + /b/ = ob /b/ + /o/ + /r/ = bor
/n/ + /i/ = ni /i/ + /n/ = in /n/ + /i/ + /g/ = nig
/g/ + /i/ = gi /i/ + /g/ = ig /g/ + /i/ + /l/ = gil
/l/ + /i/ = li /i/ + /l/ = il /l/ + /i/ + /m/ = lim

7. At panghuli, ipabasang muli lahat ng mga pantig na


nabuo para matandaan nila.

Ok po, Titser. Salamat po ulit.

52
Gawaing Bulilit

Titser, ano pa po kaya ang mga pagsasanay na dapat


gawin?

Dapat po ngayon, ang mga pagsasanay na ibibigay


ay nakapokus sa pagbasa ng nabuong pantig mula
sa mga letrang pinag-aralan lamang. Narito po ang
ilang halimbawa ng mga gawain.

Gawain A: Magpakita ng plaskard ng mga pantig at ipabasa ito.

ba am sa ab ra al

as ar ma la bar ma

go ig bos lin sin lid

do bo sim nib in on

da ga na an ad lag

Gawain B
Laro: Bring Me
Kagamitan: Plaskard ng mga pantig
Sabihin: May mga plaskard ng mga pantig akong idinikit sa pader. Basahin ito at kunin ang
pantig na bibigkasin ko. Ang unang makapagdala ng pantig na bibigkasin ko ang si-
yang panalo.
1. dis
2. mol
3. nig
4. bod
5. sim

Gawain C
Ipabigkas ang tunog ng mga letrang nakasulat sa tsart nang pahalang, patayo
at pahilis.

53
 Sabihin: Sa loob ng 5 minuto. Sumulat ng mga pantig na mabubuo mula sa mga letra
sa loob ng kahon.

b m a s
i l r o
s a n b
a g o l
d i m o

 Makalipas ang 5 minuto isulat sa pisara ang mga tamang sagot at hayaang magtsek
ang mga bata.
 Ipabasa ang mga pantig na nabuo na nakasulat sa pisara.

Mas maraming pantig po silang mabubuo at mababasa.

Opo, padagdag po nang padagdag ang kanilang


matututunan basta makinig at makiisa lang po sila
palagi.

Gawaing Bulilit

Gamitin ang plaskard ng mga pantig na nabuo sa mga letrang napag-aralan na.

as ar ma la bar mas

go ig bos lin sin lid

do bo sim nib in on

Para naman po matukoy ninyo kung anong pantig ang


alam na nila, maganda pa rin pong isa-isahin ninyo silang
pabasahin. Habang bumabasa, dapat po ay may listahan
kayo ng iskor nila at ng mga pantig na hindi nila mababa-
sa nang maayos para mabigyan po ninyo sila ng karagda-

54
Pangalan ng Iskor Mga pantig na hindi nabasa nang maayos
Mag-aaral
1.
2.
3.
4.
5.

Inihanda ni:

Romana P. Dionisio
Guro-MCSJES

55
Aralin 10: Mga Salita na Mabubuo Mula sa mga Pantig
na may mga Letrang (m, a, s, l, r, b) at (d, g, i, o, n)

Layunin
Nababasa ang mga salita na nabubuo mula sa mga pantig mula sa pinagsamang
letrang m, s, r, l, b, a, d, g, n, o at i

Mga Kagamitan

Plaskard ng mga pantig na nabuo mula sa mga pinagsamang letrang (m, a, s, l, r, b) at


(d, g, i, o, n)
Mga salitang nabuo mula sa mga pinagsamang pantig na mabubuo sa mga letrang m, s,
r, l, b, a, d, g, n, o at i na nakasulat sa plaskard
Tsart ng una at pangalawang set ng mga pantig (malaking kahon) na pagkukunan ng
salita na mabubuo

Kwentong Bulilit

Kumusta po ang pagtuturo n’yo ng pangalawang set


ng mga pantig kahapon? Madali po bang natandaan
ng mga bata ang mga pantig?

Mabuti naman po. Natutuwa po ako at nabasa nila


ang mga pantig na naituro ko kahapon. Syempre po,
may mga batang nahirapan sa ibang pantig pero
dahil paulit-ulit po nilang binasa ay natandaan din
naman po nila ang mga ito.

Galing naman. Nakakatuwa po talaga kapag natu-


tuto ang mga bata at nalalaman nila ang mga tunog
ng mga letra at nakakabuo sila ng mga pantig. Nga-
yon naman po ay pagbasa naman ng mga salita pero,
magsisimula po uit tayo sa pagkukwento.

Opo, Titser. Excited na po sila sa pakikinig ng kwento.

56
Tanungin po muna ninyo ang mga bata tungkol sa sarili nilang
karanasan. Ito po ang ilang halimbawang tanong.
Ano kaya ang naging dahilan kung bakit nagkakasa-
kit ang mga tao?
Paano natin nalampasan ang ganung sitwasyon?
Dapat ba tayong sumunod sa ipinag - uutos ng
pamahalaan?

Sige po, Titser. Tatandaan ko po.

Walang Pasok, Pero Hindi Bakasyon


Nelda B. Aniana

Laganap ang sakit sa buong bansa at sa pamayanan. Ipinag-utos ng pamahalaan


na ang lahat ng tao ay hindi lalabas ng kanilang mga bahay. Walang pasok pero hindi pa
bakasyon. Inip na inip na si Nilo sa kanilang bahay. Gusto na niyang lumabas at
makipaglaro ng bola at lobo sa kanyang mga kaibigan at kaklase. Sinabi niya sa kanyang
nanay ang kanyang nararamdaman. “Kailangan nating sumunod, anak, para hindi tayo
magkasakit. May mga gagawin kayo di ba sabi ng iyong guro? Halika, tutulungan kita,”
sabi ni Nanay Mila. Kinuha ni Nilo ang kanyang mga libro, lapis at papel. Tinuruan siya ng
kanyang Nanay Mila. Masaya si Nilo dahil marami siyang natutunan kahit nasa bahay lang
siya at gumaan naman ang pakiramdam ni Nanay Mila dahil nagabayan niya ang kanyang
anak sa pag-aaral. Matapos mag-aral, niyaya ng kanyang nanay ang buong pamilya
upang ipagdasal ang lahat ng may sakit at ang kaligtasan ng bawat isa.

Usapang Bulilit

Tanungin naman po n’yo ang mga bata para malaman n’yo kung
naintindihan nila ang kwento. Pwedeng ito ang itanong.
1. Bakit hindi pwedeng lumabas si Nilo?
2. Anong gusto niyang gawin sa labas?
3. Paano nila pinalipas ang mga araw na nasa loob sila ng
bahay?
4. Tama ba ang ginawa ni Nilo at ng nanay niya? Bakit?
5. Bilang isang bata ano pa ang pwede mong gawin habang
nasa loob kayo ng bahay?
6. Paano kayo makakatulong upang hinid lumaganap ang
sakit?

57
Hamong Pambulilit

Kumusta naman po ang pagtuturo ng mga pantig?

Mabuti naman po, Titser. Nadagdagan ang mga pan-


tig na alam na nila, dahil may nadagdag na mga
letra.

Salamat naman po at patuloy na natututo ang mga bata.


Ngayong naman po ay muli natin silang tuturuang bumasa
ng mga salita na mabubuo sa pagsasama ng mga pantig na
napag-aralan na.

Opo, Titser, sige po. Mag-uunahan na naman po sila


sa pagbasa ng mga salita.

May mga pamamaraan po tayong gagawin. Sundin nyo lang


po ang mga ito.

1. Una, babalikan po natin ang kwento sa pamamagitan ng


tanong na: Sino ang batang gustong lumabas ng bahay?
Sasagot po sila na si Nilo. Ipapakita naman po ninyo ang
pantig na Ni at lo at pagsasamahin po ninyo ito upang
makabuo ng salitang Nilo.

/Ni/ + /lo/ = Nilo


Ganun din po ang gagawin ninyo sa mga salitang
Mila, bola, lobo at libro na mga salitang nasa kwento.
Itatanong lang po ninyo kung anong pangalan ng nanay
ni Nilo, anong gustong laruin niya at anong kinuha niya
upang basahin.

/Mi/ + /la/ = Mila /bo/ + /la/= bola

/lo/ + /bo/ = lobo /lib/ + /ro/ = libro

58
2. Susunod naman po ay ipapakita at ipapabasa po ninyo
ang mga pantig na nasa plaskard.
3. Pagsamahin ang dalawang pantig upang makabuo ng
salita /da/ /ga/. Ipauit /da/ /ga/. Ipaulit nang mas
mabilis /da/ /ga/ ay daga. Ipabasa sa mga bata ang
nabuong salita.
4. Iparinig sa mga bata ang tamang basa sa nabuong salita.
5. Ipabigkas muli ang nabuong salita sa mga bata.
6. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang ang lahat ng pantig
ay magamit sa pagbuo ng mga salita.

Halimbawa:
/ma/ + /na/ = mana /a/ + /lam/ = alam /ma/ + /is/ = mais
/sa/ + /go/ = sago /a/ + /sin/ = asin /re/ + /has/ =rehas
/si/ + /li/ = sili /a/ + /lab/ = alab /sa/ + /gad/ = sagad
/ma/ + /ni/ = mani /u/ + /lam/ = ulam /i/ + /nom/ = inom
/la/ + /so/ = laso /da/ + /an/ = daan /la/ + /lim/= lalim
/di/ + /la/ = dila /ba/ + /go/ = bago /is/ + /da/ = isda
/lo/ + /ro/ = loro /go/ + /ma/ = goma /sa/ + /gad/ = sagad
/la/ + /so/ = laso /tu/ + /bo/ = tubo /sa/ + /hod/ = sahod
/bi/ + /ko/ = biko /ma/ + /li/ = mali /sob/ + /ra/ = sobra
/ba/ + /so/ = baso /go/ + /ma/ = goma /la/ + /bas/ = labas
/a/ + /so/ = aso /si/ + /ko/ = siko /Am/ + /bo/ = Ambo
/re/ + /lo/ = relo /ma/ + /li/ = mali /da/ + /an/ = daan
/a/ + /bo/ = abo /sa/ + /li/ = sali /ga/ + /mas/ = gamas
/bi/ + /li/ = bili /la/ + /bi/ = labi /di/ + /lig/ = dilig
/si/ + /ko/ = siko /li/ + /ma/ = lima /gi/ + /lid/ = gilid
/li/ + /ma/ = lima /lo/ + /ro/ = loro /la/ + /lim/ = lalim

Ipabasang muli lahat ng mga


salita na nabuo para matandaan
nila.

Sige po. Salamat po ulit.

59
Gawaing Bulilit

Titser, ano pa po kaya ang mga pagsasanay


na dapat gawin?

Dapat po ngayon, ang mga pagsasanay na ibibigay ay


nakapokus sa pagbasa ng nabuong salita mula sa mga
pantig na pinagsama. Kaya galing sa una at pangalawang
set ng mga pantig lang po tayo bubuo ng mga salita na
babasahin ng mga bata. Narito po ang ilang halimbawa ng
mga gawain.

Gawain A
Magpakita ng plaskard ng mga salita at ipabasa ito.

baon mani dami alis

asin miso bago mais

sago igib sino libro

adobo sabon simba noo

isda daga maso lababo

Gawain B
Laro: “Mamingwit Tayo”
Kagamitan: cut-out ng mga isda na may nakasulat na salita sa likod
Sabihin: Mamimingwit tayo, ang mahuhuling isda ay may nakasulat na salita.
Babasahin ninyo ito. Kapag tama ang basa sa salita ay inyo na ang isda.
Kung sino ang pangkat na may pinakamaraming nahuling isda at
nabasa nang wasto ang salita sa likod nito ang panalo.
isda bago gisa siga
adobo laso loro noo
loro miso gisa giba

60
Gawain C
Ipabasa ang mga pantig na nakasulat sa tsart nang pahalang, patayo at
pahilis.
Sabihin: Sa loob ng 5 minuto, sumulat ng mga salita na mabubuo mula sa
mga pantig na nasa loob ng kahon.
bo mo da si
ga a no o
do sa ni bi
ma gi si ba
li di lo la

Makalipas ang 5 minuto, isulat sa pisara ang mga tamang sagot at hayaang mag-tsek ang
mga bata. Ipabasa ang mga salitang nabuo.

Titser, mas maraming salita po silang mabubuo at


mababasa.

Opo, lalawak po ang mga kaalaman nila sa pagsasa-


ma ng mga pantig.

Galing ng Bulilit

Gamitin ang plaskard ng mga salita na nabuo sa pagsasama-sama ng mga pantig na


napag-aralan na.
Halimbawa:

sarili saba mani sago bago regalo

damo aso ubos isda goma libro

loro bibo dila noo laso gamas

61
Para matukoy po ninyo kung anong salita ang alam na nila,
gamitin po ninyo ang mga plaskard ng mga salita na nabuo
mula sa mga pantig na napag-aralan. Maganda pong
isa-isahin ninyo silang pabasahin. Habang bumabasa dapat po
ay may listahan kayo ng iskor nila at ng mga salita na hindi
nila mababasa nang maayos. Para mabigyan po ninyo sila ng
karagdagang pagsasanay tungkol dito.
Narito po ang halimbawa ng listahan na pwede ninyong
gamitin.

Pangalan ng Iskor Mga salitang nabasa nang maayos


Mag-aaral
1.
2.
3.
4.
5.

Inihanda ni:
NELDA B. ANIANA
Pangulong Guro
Paaralang Elementarya ng Dalig
Abril 1, 2020

62
Aralin 11 : Pagtukoy sa mga Larawang Kahulugan ng Salitang
Nabuo mula sa (m, s, r, l, b, a) at (d, g, n, o, i)

Layunin

Natutukoy ang katumbas na larawan ng salitang nabubuo sa letrang (m, s, r, l, b,


a) at (d, g, n, o, i)

Kagamitan

Plaskard ng mga salita na nagsisimula sa letrang (m, s, r, l, b, a) at mga kaugnay na


larawan nito
Plaskard ng mga salitang nagsisimula sa letrang (d, g, n, o, i) at mga kaugnay na
larawan nito
Plaskard ng mga salitang nabuo sa letrang (m, s, r, l, b, a) at
(d, g, n, o, i)
Mga larawan mula sa paligid
Manila paper at lumang diaryo na pagdidikitan ng mga salita at larawan
Babasahing kwento

Kwentong Bulilit

Kumusta na po kayo.
Magaling! Madali po kayong
Magsisimula na pong muli
matuto. Sige po at simulan na
ang inyong aralin sa
ninyo.
pamamagitan nang
pagkukuwento. Alam ko po
na alam na alam na n’yo
ang mga hakbang sa
pagsasagawa ng gawaing
ito. Tama po ba ako?

Aba Opo! Unti-unti ko na pong


natututunan at nagagawa ang
mga hakbang, Titser. Makinig kayong
mabuti.

63
Ang Higanteng si Digo

Cleta Fetalvero -Saladero

Noong unang panahon sa isang malayong lugar ay may naninirahang isang hi-
gante na nagngangalang Digo. Napakalawak ng tirahan ng higante. Napaliligiran ito ng mga
punong kahoy at iba’t ibang pananim na gulay at prutas. May alaga rin siyang mga hayop
tulad ng baka, ibon at isda. Masagana, malinis at maganda ang kanyang kapaligiran. Sinisi-
kap niyang maalagaan ang lahat ng mga ito.

Sa kabilang bundok naman ay naroon ang mga tao na nagging kaibigan na rin
niya dahil sa lagi niya silang binibigyan ng kanyang mga ani at mga alagang hayop upang
kanilang makain.

Isang araw, hinatiran ng higante ng pagkain ang mga tao na naroon sa tabing ilog.
Mayroon siyang dalang mais, tubo, at mani. Sari-saring ibon din ang dala niya. Tuwang –tuwa
ang mga tao lalo na ang mga bata sa ibong Loro. Nakakapagsalita kasi ang ibon.

“Kaibigang Digo, nais sana naming makarating sa iyong lugar. Tiyak naming na-
pakaganda roon!” ang sigaw ng kanilang lider.

“Oo nga! Oo nga!” ang sabad naman nang madaldal na Ibong Loro.

“Kami na lamang ang kukuha ng mga pagkain doon. Hindi ka na mapapagod


upang dalhan kami ng mga ito!” wika pa ng isa.

“Mga kaibigan, huwag kayong magalala. Makararating din kayo roon,” ang sagot
ni Digo.

Habang naglalakad pabalik sa kanyang tirahan ay napag-isip-isip ni Digo ang


sinabi ng mga tao sa kabilang bundok.

Kinabukasan, madaling araw pa lang ay nasa tabing- ilog na si Digong. May dala
siyang lubid.

“Masisiyahan ang aking mga kaibigan sa aking gagawin,” ang bulong niya sa sarili.

Laking gulat ng mga tao nang umagang iyon. May tulay na lubid sa may ilog.
Nagsigawan sila sa galak. “Yeheey! makararating na tayo sa lugar ni Digo!” ang masayang
sigawan ng lahat.

Ganoon nga ang nangyari. Nararating na nila ang tirahan ni Digo kahit anong
oras. Nakukuha na rin nila ang nais nilang pagkain. Minsan ay doon na rin nila iniluluto ang
kanilang mga kakainin.

Ngunit isang araw, pagkagising ni Digo ay nagulat siya sa kanyang nakita.

64
Nasusunog ang bahagi ng kanyang taniman ng mais at tubo. Napakarami ring kalat sa palig-
id. Iniwan ng mga tao ang kanilang pinag-lutuan.

“Hindi maaari ito!” ang galit niyang sigaw. “Hindi nila pinahalagahan ang mga
ginagawa ko sa kanila. Bakit ganito ang kanilang

ginawa!” galit niyang sigaw. Agad na inapula ni Digo ang alab ng apoy.

“Tuturuan ko sila ng liksyon!” galit na sigaw niya.

Isang umaga, maaga pa lamang ay naroon na ang mga tao sa

tabing- ilog. Pupuntahan muli nila ang lugar ni Digo. Ngunit laking gulat nila sa kanilang
nakita.

“Tingnan ninyo. Wala na ang tulay. Inalis ni Digo ang tulay na lubid!” ang sigaw
ng lider nila.

“Oo nga. Hindi kaya nagalit siya sa atin?” nagaalalang sabi ng isang bata.

“Naku! nakita ko ang ginagawa ng ilan nating mga kasamahan habang tayo ay
naroon . Walang habas silang nagkalat roon. Sinira din nila ang ibang mga pananim
dahil nais nilang marami silang makuha,” anang isang babae.

“Tama! Nagalit si Digo! Hindi natin nilinis at inalagaan ang kanyang tirahan,” ang
nag-aalalang wika ng pinakamatanda.

“Patawad Digo, patawad mahal naming kaibigan,” dagdag pa nito.

Ngunit huli na ang lahat. Hindi na narinig pa ni Digo ang kanilang pagsusumamo.

Mula noon, hindi na nila nakita pa ang higante. Hindi na rin sila nakarating pa sa
kabilang bundok. Wala na rin silang natanggap na tulong mula kay Digo.

Napakalaking panghihinayang ang kanilang nadama sa higanteng minsan ay


naging mabuti nilang kaibigan.

65
Usapang Bulilit

Magaling at nagawa mo
ang mga hakbang sa Opo, lagi ko
pagkukuwento kaya pong isinasaisip
naging interesado na ang itinuro n’yo.
makinig ang mga bata.

Ngayon, tulad nang ginawa natin sa mga unang gawain, magbibigay ka nanaman ng
ilang tanong sa kanila para matiyak kung naunawaan nila ang kuwento. Narito ang
maaari mong gamitin itanong.
Tungkol saan ang kuwento?
Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
Paano tinutulungan ni Digo ang mga tao sa kabilang bundok?
Bakit siya nagalit sa mga ito?
Tama ba ang ginawa ni Digo? Bakit?
Kung ikaw si Digo, ganoon din ba ang iyong gagawin?
Anong aral ang nais ipahatid ng kwentong ito sa inyo?

Hamong Pambulilit

Itanong muli sa mga bata ang mga nabasa nilang salita sa mga nakalipas na aralin .
Halimbawa: Mga bata, ano-anong mga salita na ang inyong natutunang
basahin sa mga nakaraang aralin?
- Basahin ninyo ang mga nakasulat sa plaskard.
-Ipakita naman ang mga larawan na nakadikit sa
Manila paper.
Itanong: Anong larawan ang tinutukoy ng mga salitang ito?

Alam ko pong magagawa


nila iyan.

66
Tama po. Pagkatapos ay idagdag mo ang ilang salita mula sa kwentong napaking-
gan nila. Itanong mo ito sa kanila.
Ano ang pangalan ng higante? (Sagot: Digo)
- Kunin po ninyo ang pangalan at larawan ng higante at sabihing, “Ito ay si Digo."
Digo ------------

Basahin ang salita - Di-go = DIGO


Ano-ano ang tanim ni Digo? (Sagot: mais, mani,tubo)
Basahin natin ang salita Ma-is. Ito naman ang larawan ng mais .
mais --------------
- Ganoon din ang gawin sa iba pang salita.
Ano – ano ang kanyan alagang hayop? (ibon, loro, baka, isda)
Sabihin: Ito ang Loro. Ito naman ang larawan ng Loro.
-Isunod din ang pagpabasa sa ibang salita at pagtukoy sa larawan
nito.
-Ipabasa ang mga salita nang paulit –ulit na nasa plaskard habang ipinatutukoy
ang mga larawan.
- Magtanong din tungkol sa larawan.
Hal. Bakit mainam sa katawan ang mani?
- Hayaang makita ng mga bata ang salita at larawan sa paulit-ulit na paraan.

Alam ko na po. Ganun po


ang gagawin ko!

Magaling! Talagang maaasahan ka sa


pagtuturo sa mga bata.

67
Ano naman po ang
Magbibigay po
susunod nating gagawin
ako ng mga
para matiyak na
pagsasanay.
natutunan ng bata ang
aralin?

Tama po! Naaalala n’yo pa ang ginawa natin sa mga nakaraang aralin! Narito po
ang maaari ninyong gawin pagsasanay.
Gawain A: I-PUZZLE NA YAN !
Hatiin ang mga bata sa dalawang pangkat. Bigyan ng mga salita ang Pangkat A
na nakasulat sa plaskard. Habang ang Pangkat B naman ay may puzzle na larawan na
kanilang bubuuin. Pagkatapos ay hahanapin nila ang salitang kaugnay ng puzzle na kanil-
ang nabuo na hawak ng mga bata sa Pangkat A.
Salita Nabuong larawan sa Puzzle
Hal.

Isda

Baba

Aso

Laso

Asin

- Ipabasa ang mga salita nang paulit –ulit habang inilalapit ang larawan.

Gawain B: Laro (HIDE AND SEEK)


1. Idikit ang iba’t ibang larawan sa paligid (larawan ng baso, laso, mais, daga, sili at iba pa.)
2. Ipamigay naman ang mga salita na nakasulat sa plaskard (baso, laso, mais, daga, sili at
iba pa).
3. Bigyan ng 10 segundo ang mga bata upang maghanap.
4. Bigyan ng puntos ang mga naunang nakahanap ng larawan at kaugnay na salita.
5. Ipababasa nang paulit-ulit ang mga salita habang inilalapit ang larawan sa nakasulat na
salita.

68
Galing ng Bulilit

Hayan, nagawa n’yo na ang mga Sigurado po


pagsasanay. Natitiyak natin na ako diyan .
masasagot nila nang tama ang
maikling pagsusulit.

Narito po naman ang maikling pagsusulit na maaari ninyong ibigay. Gagamit po


kayo ng worksheet para dito.
Panuto : Basahin ang salitang nasa gawing kaliwa. Bilugan ang letra ng larawan
na para dito.

1. Daga A. B. C. D.

2. Sili A. B. C. D.

3. Bola A. B. C. D.

4. Laso A. B. C. D.

5. Daan A. B. C. D.

B. Isa-isahin ang mga bata at ipatukoy sa kanila ang mga larawan na ibibigay ng guro.

Pangalan Larawan Larawan Larawan Larawan Larawan Larawan


ng Bata
labi siko biko dila lima daan

Inihanda ni:
CLETA F. SALADERO
Punungguro
GUITNANGBAYAN ELEMENTARY SCHOOL

69
Aralin 12: Mga Batayang Salitang Pantingin (ang, mga, ng, at, sa)

Layunin

Nababasa ang mga batayang salitang pantingin (ang, mga, ng, at, sa)

Kagamitan

Plaskard ng mga batayang salitang pantingin (ang, mga, ng, at, sa)
Mga larawan na may nakasulat na mga batayang salitang pantingin tulad ng (ang,
mga, ng, at, sa)
Tsart ng mga parirala (mga batayang salitang pantingin at mga salitang napag- aralan
na)
Worksheets

Kwentong Bulilit

Magandang umaga. Magaling kung ganun! Ngayong


araw na ito sisikapin nating mad-
Magandang umaga agdagan pa ang kanilang kaala-
din po sa inyo. man. Ituturo natin sa kanila ang
pagbasa ng mga gamiting salitang:
ang, mga, at, ng, at sa.
Kumusta na po ang mga bata?
Marami na po ba silang nababasa
nang mag-isa? Paano po ‘yon
gagawin?
Opo, nakatutuwa na marami na silang naba-
basa. Sa mga susunod po sigurong araw,
makababasa na sila ng mga kwento.

Ay, opo, Titser.


Madali lang pero bago tayo magsimula,
kwentuhan mo muna uli sila. Alam kong
alam na alam mo na ang paraan ng
pagkukwento sa mga bata.

70
Masayang Bakasyon
Maricel A. Latina

Maagang gumising sina Ana at Carlo. Pupunta sila sa bahay ni Lolo Pedro upang doon
magbakasyon. Si Lolo Pedro ay nakatira sa probinsya. Mayroon siyang bukid sa likod-bahay.
“Handa na ba kayo? Aalis na tayo.” tanong ni Tatay Ben.
“Opo, handang handa na po kami.” sabay na wika ng magkapatid.
Makalipas ang ilang oras, narating nila ang bahay ni Lolo Pedro. Agad humalik sa ka-
may ng lolo ang magkapatid.
“Mabuti naman at nakarating kayong muli.” tuwang-tuwang sabi ni Lolo Pedro.
“Syempre po Lolo, matagal na po naming hinihintay ang aming bakasyon upang
makarating muli kami dito.” wika ni Ana.
“Gustong gusto ko na pong maglaro sa inyong bukid Lolo.” dagdag ni Carlo.
“Nais ko pong magpalipad ng saranggola.”
“Nais ko naman pong maglaro kasama ang aking mga kaibigan ng iba’t ibang larong
pinoy tulad ng taguan, piko, luksong-tinik at iba pa.” dagdag pa ni Ana.
“Aba, gusto ko din yan!” giit ni Carlo.
“Siya mga apo, sinisiguro ko na masisiyahan kayo sa pagbisita nyo dito sa akin. Mas
marami pa kayong bagay na maaaring gawin habang nadito kayo sa probinsya.” wika ni Lolo
Pedro.
“Yehey,” sabay na wika ng magkapatid.

Usapang Bulilit

Tingnan natin kung masasagot n’yo ang mga tanong tungkol sa


kwento.
Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
Saan sila nagpunta?
Ano ang pakay nila sa probinsya?
Ano-ano ang nais nilang gawin kina Lolo Pedro?
Sa inyong palagay, nasiyahan kaya sila sa kanilang bakasyon?
Bakit?

71
Hamong Pambulilit

Titser, ano po ang susunod kong gagawin?

Tuturuan n’yo po ang mga bata kung paano basahin ang mga salitang: ang, mga,
at, ng, at sa. Ipakita mo ang mga plaskard ng mga salita at ipabasa ito sa kanila.

ang mga ng at sa

1. Magpakita ka ng mga larawan ng mga salitang ginamit sa kwento.


2. Sabihin: Narito ang ilang larawan mula sa kwento.

ang lolo mga kaibigan sa bahay magpalipad ng


Ana at Carlo
saranggola

Isa-isang ipakita at iparinig ang tamang bigkas ng mga salita/parirala


sa ibaba ng bawat larawan.
Ituro ang bawat salita (ang, mga, at, ng, at sa).
Hayaang ang mga bata naman ang bumasa ng paulit ulit. Pwede
itong gawin ng isahan, dalawahan o lahatan.

Ngayon naman subukan nating Paano po natin


itambal ang mga salitang ito gagawin?
napag-aralan na sa mga nakaraang
aralin.

72
Ipakita ang tsart ng mga salitang pantingin at mga salitang napag-aralan na. Ipabasa ito sa
mga bata.

ang sa daan mga tao loro at baka baba ng bata


daga
ang sili sa labas mga libro mani at mais laso ng aso
ang bola sa siko mga isda relo at pito baon ng bata
ang laso sa labi mga abo Fe at Felisa sahod ng ma-
ma

Ipabasa ito nang lahatan, dalawahan at isahan.

Galing ng Bulilit

Subukan naman natin kung Ano po ang


talagang naunawaan ng mga ba- dapat kong
ta ang aralin. gawin?

Narito po ang isang gawaing pwede n’yong ibigay.


Panuto: Basahin ang mga parirala sa Hanay A at itambal ito sa mga larawan sa Hanay B.
A. B.

1. lolo at lola a. b.

2. mga mais

3. baso sa lababo
c. d.

4. relo ng bata

e.
5. ang daga

Inihanda ni:
Gng. MARICEL A. LATINA
Punong Guro
Paaralang Elementaryang Rosario Ocampo

73
Aralin 13: Mga Parirala at Pangungusap

Layunin
PA, P, F, V, C
Nababasa ang mga parirala at pangungusap gamit ang mga salitang nabubuo mula sa
letrang (m, s, l, a, r, b), (d, g, n, o, i), at (ang, mga , ng, sa, at) nang may pang-unawa.

Kagamitan

Plaskard (kalahating bahagi-lengthwise ng long bond paper)


Tsart/Tarpapel (ang laki at haba ay kalahating Manila Paper)
Larawan ng mga parirala na nabuo sa (m, s, l, a, r, b), (d, g, n, o, i) na nasa isang short
bond paper bawat isang larawan), malaking kahon, bola
Worksheet na ang nakalagay ay pangungusap na babasahin ng mga bata

Kwentong Bulilit

Ano po ang dapat kong gawin ngayong


araw na ito, Titser?

Magkukwento ka uli sa mga bata.

Ah sige po. Salamat po, Titser.

74
Isipin mo lang ang mga dapat tandaan
sa pagkukwento at tiyak na hindi ka
maliligaw. Sige, basahin mo na ang
kwento para sa mga bata.

Opo, Titser.

Ang Ulang
Isa sa mga hayop na nakatira sa dagat ang ulang. Tumitigil ang ulang sa mababaw
na tubig na malapit sa pampang kapag mainit ang panahon. Kapag malamig ang panahon,
tumutungo sa malalim na tubig ang ulang.
Ginugugol ng ulang ang kanyang panahon sa paglalakad sa ilalim ng dagat.
Ginagamit nito ang apat sa limang pares na paa sa paglalakad. Ang isang pares ay may
malalaking sipit sa dulo. Ginagamit ang mga sipit para sa paghuli at paghawak ng pagkain.
Kapag buhay pa ang ulang ay kulay abo. Kapag luto na, nagiging matingkad na
pula.
Masarap na masarap ang ulang.
Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 3 d. 78

Usapang Bulilit

Ano na po ngayon ang aking


gagawin?

Alamin mo ngayon kung may naunawaan sila mula


sa binasa mo sa pamamagitan ng pagtatanong.

75
Ito ang mga pwede mong itanong.

 Ano ang ulang?


 Paano ginugugol ng ulang ang kanyang panahon?
Bakit?
 Wasto ba ang paggugol na ginamit nila sa kanilang
panahon? Bakit?
 Anong katangian mayroon ang mga ulang? Dapat ba
silang manatili?
 Kung ikaw ay isang environmentalist o isang taong may
adbokasiya sa kalikasan, ano ang iyong maaaring ipayo
para manatili ang mga ulang sa dagat?

Hamong Pambulilit

Ngayon ay nasukat na natin ang


kanilang kaalaman sa binasang teksto.

Tingnan naman natin kung anong mga salita ang makukuha


natin sa kwento na may letrang (m, s, r, l, b, a) at
(d, g, n, o, i).
Ang maaaring sagot ay isa, abo, lima at ilalim.
Ipabasa ito sa mga bata sa pamamagitan ng strips ng
cartolina.

Paano ko naman po kaya ituturo ang


pagbasa ng mga parirala at
pangungusap nang may pang-unawa?

76
Madali na pong ituro ang pagbasa
ng mga parirala at pangungusap
dahil alam na nila ang pagbasa ng
salita nang may pang-unawa.

Paano po ‘yon?

May mga hakbang na sinusunod para ituro


ang pagbasa ng parirala at pangungusap.
Unahin muna natin ang parirala.

1. Ipakita sa mga bata ang tsart ng mga batayang


salitang pantingin at mga salitang napag-aralan
na.

2. Ipabasa ang mga salitang: ang, mga, ng, sa at at sa pamamagitan ng tsart o


plaskard.
3. Ipabasa rin ang mga salitang napag-aralan na.
4. Bumuo ng parirala mula sa mga salitang napag-aralan na at mga batayang
salitang pantingin.
5. Ipabasa ang parirala na nabuo. Kung kailangang magpakita ng larawan ukol
dito ay gawin upang higit na maunawaan ito ng mga bata.

77
78
6. Ipabasa ang pariralang nabuo. Ito ay maaaring ipabasa nang
isahan, dalawahan o pangkatan.

Sa pagpapabasa ng pangungusap:

1. Ipakita sa mga bata ang tsart/plaskard ng mga parirala.


2. Ipabasa ang bawat parirala.
3. Bumuo ng mga pangungusap gamit ang binasang mga parirala.

79
Halimbawa 1:

Ang ama ang sasama sa mama

Halimbawa 2:

Dagsa ang mga daga sa ilog

Dagsa ang mga daga sa ilog

Ipabasa ang pangungusap na nabuo. Kung kailangang magpakita ng


larawan ukol dito ay gawin upang higit na maunawaan ng bata
ang pangungusap.

Hikayatin silang mailarawan sa kanilang isipan ang sinasabi ng


pangungusap.
Upang matiyak ang pagka-unawa magtanong ukol dito.

Halimbawa 1:

Ang ama ang sasama sa mama

Sino ang sasama?


Ano ang gagawin ng mga ama?
Kanino siya sasama?

Halimbawa 2:

Dagsa ang mga daga sa ilog

80
 Ano kaya ang kahulugan ng dagsa?

 Alin ang dagsa?

 Saan dagsa ang mga daga?

4. Ipabasa ang mga pangungusap na nabuo.


5. Ulitin ang pagbasa ng pangungusap. Ito ay maaaring isahan, dalawahan o
pangkatan.

Sige po gagawin ko po. Maraming


salamat po.

Gawaing Bulilit

Nais ko po silang tulungang


bumasa pa. Mayroon pa po
bang paraan upang masanay
silang bumasa ng pangungusap
nang may pang-unawa?

Opo. May mga pagsasanay na maaari mong ibigay sa


kanila. Mahalaga lang na nakapokus sa pagbasa ng
nabuong pangungusap mula sa mga parirala na
pinag-aralan lamang. Pwede mo ‘tong ipagawa.

81
Gawain A: (Idays Mo Na Yan)
1. Maghanda ng malaking kahon/dice na sa bawat bahagi ay may
nakadikit na pangungusap.
2. Tumawag ng isang batang maghahagis/magpapagulong ng kahon/
dice.
3. Kapag ito ay naihagis na hihintayin ang pagtigil nito.
4. Kung ano ang nasa itaas na pangungusap ng kahon/dice ay iyon ang
ipababasa. Tandaan na ang pangungusap ay buhat sa mga salita o
parirala na napag-aralan na.
5. Alamin kung may naunawaan ang bata sa binasa sa pamamagitan
ng pagtatanong sa kanya.
6. Bigyan din ng pagkakataon ang iba. Tumawag ng iba pang bata.
Ulitin ang unang ginawa.

Tandaan:
Sa bawat bahagi ng kahon ay ilalagay ang mga
nabuong pangungusap at tsaka ipapabasa sa
mga bata.

Masama ang lasa ng


saba.
Nasa
daan
ang
Isa ang saba sa malasa. banda.

82
Gawain B (Pasahang Bola)
Pangkatin sa dalawa ang mga bata.
Bibigyan sila ng tig-isang bola.
Magpakita ng pangungusap na babasahin.
Ngunit bago nila basahin ito ay ipapasa muna ang bola
hanggang sa huling bata.
Kung sino ang unang makatapos sa pagpasa nito ay siya
ang magbabasa ng pangungusap.
Ang pangkat na nahuli ang siyang sasagot sa katanungan
kaugnay ng pangungusap na binasa.

Halimbawa:
Isda ang ulam ni Mara.
Ano ang ulam ni Mara?
Bago ang mga relo.
Ano ang bago?
Nasa siko ang laso.
Nasaan ang laso?

Galing Na Bulilit

Ngayon naman po titingnan ninyo kung


nakababasa na ang bawat bata ng
pangungusap.

Ano po ang gagawin ko, titser?

83
Pababasahin nyo po isa - isa ang bawat bata
ng mga pangungusap na nakasulat sa
plaskard o tsart. Itatala po ninyo ang mga
batang nakabasa at mga pangungusap na
nahirapan silang basahin. Ito ay para
mabigyang pansin at maturuang muli.

Pagtataya:
Bigyan ng worksheet ang bawat bata. Pabasahin sila isa-isa. Lagyan ng
tsek ang pangungusap na kanilang nabasa mula rito.

Inihanda ni:
Gng. MARGIE C. AYON
Punong-guro
Paaralang Elementarya ng Mabuhay Homes 2000
Marso 23, 2020

84

You might also like