Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan
Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan
Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan
I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng Pambansang Kaunlaran
2. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng Pambansang Kaunlaran
II. NILALAMAN
A. PAKSANG-ARALIN
Aralin 1: Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
B. SANGGUNIAN
Ekonomiks, Araling Panlipunan, Teacher’s Guide Yunit IV pp. 234-
247
MELCS AP9MSP-Iva-2/Ivb-3
Kayamanan Ekonomiks Batayan at Sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan Yunit IV
C. KAGAMITAN
Laptop
projector
PowerPoint Presentation
Manila paper
Pentel pen
III. PAMAMARAAN
A. Balik – aral
Ano ang tinalakay natin kahapon at ano ano ang inyong mga
natutunan?
Pagganyak
Ipakita ang mga larawan sa mga mag-aaral. Ipasuri sa kanila kung ano ang estado
ng mga nasa larawan.
B. Paglalahad
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa limang pangkat at bigyan ang bawat pangkat
ng isang piraso ng manila paper at pentel pen. Bigyan sila ng sapat na oras para talakayin
kung ano ang mga nakita nila sa larawan upang maibigay ang kahulugan ng pambansang
kaunlaran. Pagkatapos ay ilahad ito sa gitna ng klase.
C. Talakayan
Gamit ang PowerPoint Presentation talakayin ang mga Konsepto at
Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran at kung ano ang mga gampanin ng mga
Pilipino upang makatulong sa Pambansang Kaunlaran.
Itanong kung ano ang mga salik upang magkaroon ng Pambansang
Kaunlaran.
Itanong kung kailan masasabing may pag-unlad ang isang bansa.
Itanong: Sa inyong palagay maunlad na ba ang Pilipinas?
D. Paglalahat
1. Bakit mahalaga ang Pambansang Kaunlaran sa isang bansa?
2. Sa inyong palagay may pag-unlad ba sa inyong lugar? Sa
paanong paraan mo ito masasabi?
IV. PAGTATAYA
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pambansang kaunlaran at kung
ano ang gampanin mo upang makatulong sa pambansang kaunlaran.
V. TAKDANG - ARALIN
Hatiin ang klase sa apat at gumawa ng poster o tula na nagpapakita ng kung ano ang mga
gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa kaunlarang pambansa.